Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

25 September 2011

Too Passionate?

09/24/2011 | 12:19 a.m.

Natural sa atin ang maging mapagmahal na tao, lalo na sa kultura nating mga Filipino na sadayng mapagmahal sa kapwa. Pero ika nga ng kasabihan “ang lahat ng sobra ay nakakasama.”

Para ding kanta ng bandang Queen (o kung makabagong musika ka, kay Jovit Baldivino) “Too much love will kill you.” Kaya sa mga nagaganap na insidente ng tinatawag na “crime of passion,” masisisi ba natin an gating kalabisan na pagmamahal sa mga ganyang klase ng pangyayari?

Masasabi kong OO, lalo na sa panahon ngayon na naglilipana na lang ng biglaan ang mga balita sa sirkulasyon.


Ilang buwan ang nakalilipas, may shooting incident sa loob ng isang unibersidad sa lungsod ng Maynila. Nang dahil sa mainit na pag-aaway, binaril ng lalaki ang kasintahan niya. Nakakapagtataka lang kung papaano nakapuslit ang mokong na 'yan ng baril sa loob ng eskwelahan? Kahit marami namang sagot ang lumalaro sa utak ko, nanatili pa ring palaisipan e.

Noong nakaraang araw sa Malabon. Selos ang nagging pangunahing motibo ng isang krimen dun kung saan ang isang babae ay sinaksak ang kanyang kaibigan. na di umano’y ka-textmate ng kanyang asawa. Ang siste, may nangyari pa sa kanila ayon sa pag-amin ng kanyang asawa. Iilan na ang mga ganitong klase ng insidente sa panahon ngayon.

Isang beses na nakinig ako sa palatuntunan ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo, nagkaroon ng isang panawagan sa publiko ukol sa krimen ng pagpatay.

Ang pamilya ni Mizzielle Jamyka Cruz Gutierrez ay nagsadya at dumulog sa mga studio ng Radyo 5 92.3 News FM para ipaalam sa lahat na pinaghahanap nila ang boyfriend na pumatay kay Myka na si Von Moraleja. Ayon sa kanilang mga salaysay, si Gutierrez ay sinaksak ni Moraleja ng 12 beses matapos umano ng kanilang mainit na pagatatalo sa bahay ng suspek. Si Moraleja ay may patong sa ulo ng mahigit 150,000 piso. Si Gutierrez ay patapos na sana ng pag-aaral sa kursong tourism sa St. Paul University sa Maynila.

At kamakailan lang, sa SM Pampanga, may isang pamamaslang ang naganap. Binaril ng 13-anyos na lalaki ang kanyang kasintahan na 17-taong gulang na binatilyo at pagkatapos nito’y binaril ang sarili sa sentido. Ang pinaguagatan ng lahat? SELOS. Nabahala na ang publiko dahil sa pangatlong beses na pala ito na nangyari ang pamamaril sa loob ng isang mall sa loob ng 2 buwan.

Bagamat halos ganito rin ang nagging nangyari sa SM North EDSA nung sinugod ng babae ang kanayng partner sa nasabing lugar at binaril ito at nagtangka pa patayin ang sarili pero ang napatay sa halip ay ang gwardya na nagtangakang umawat sa kanyang pagpapatiwakal.

Nakakapanlumo lang isipin na ang mga mababaw na dahilan ay lumalala pag naglaon. Isipin mo, ang selos pag naipon ay tila nagiging big deal na. Parang sama ng loob na naipon kapag sumabog, tiyak na malaking gulo.

Iba talaga pag pag-ibig ang usapan. Ika nga ng kasabihan “hahamakin ang lahat, mapasakin ka lang.”

Sa totoo lang, malaking palaisipan sa akin ang mga pagdududa na ito: Kung talagang nagmamahal ka, bakit kailangan mong saktan ang lahat para lang makuha ang iyong hangad na ka-isa-isa lang? Kala ko ba pag nagmahal ka, nagtitiwala ka rin? E hindi naman ganyang ang tamang pananaw sa pag-mamahal ah?


Nakakatanga ba? Para sa akin, isang malaking OO. Maraming misconceptions sa pag-ibig ang nagiging tama sa mata ng karamihan as atin. Pero kung tutusin, wala na rin tayong magagawa dahil hindi mo alam kung ang mga yan ay sarado ba ang pag-unawa o ano lang. hayaan na natin sila sa buhay nila. Basta, wag lang sana silamatulad sa mga ganitong insidente.

Author: slickmaster | © 2011 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!