Tawagin mo na kong pathetic o anit-romantikong tao, pero may dahilan kung bakit ganun ang pananaw ko. Naniniwala naman ako sa pag-ibig. Yun nga lang, ang mali ay mali at hindi pwedeng maging tama, at hindi pwedeng gawing excuse ang pagkabulag-bulagan sa pag-ibig.
At lalong hindi ako love guru. Pero sa totoo lang, parang katulad lang 'to ng mga sinusulat ko ukol sa mga ganitong paksa e. katulad nito: Ilang beses ko nang nababasa ang mga kataganag tulad nito.
"magkakamatayan tayo pag nilandi mo siya."
Hindi man sa eksaktong paglalarawan yan, pero sa totoo lang, wala kang karapatan na kitilan ang buhay niya, o kahit sinumang kapwa mo dito sa mundong ibabaw. Bago ka mag-angas dyan, ba, e bakit?
Ikaw ba ang bumuo sa kanya't nagpaluwal sa lupang kinatitirikan niya? In the first place, ikaw lang ba ang naghirap sa taong yan? Yung nanay niya, ilang taon na naging sakit ng ulo ang taong yan. e ikaw? Ilang taon mo siyang niligawan? Gaano katagal? 2 years? Sandali lang yun. O ano, sino lamang dyan?
Sure, may mag-aargue na "e mahal ko yang taong yan e." Anak ng tokwa naman. Alam na namin yan noh? E ang tanong alam ba nya? Kung first offense, makukunsidera mo pa yan. Pero kung alam mong lagi na, dyan ka umaksyon. Pero, hoy! Hindi sa dahas ng armas at sindak ah.
De, hindi sa nambabasag ng trip, mga tsong at tsang, ha? Pero alam mo ang dapat mong gawin? PAGSABIHAN ANG PARTNER MO AND AT THE SAME TIME, MAGTIWALA KA SA KANYA. Napakakumpikadong task ba? 'Oy, walang mahirap sa mga taong nagmamahalan at nagsusumikap para sa ikabubuhay nila, ha? At ito siguro, KAUSAPIN YUNG TAO SA MAS MATINONG PARAAN. WALANG NAGAGAWANG MATINO ANG MGA BAGAY KUNG IDADAAN SA BUGSO NG EMOSYON AT INIT NG ULO. Matatanda na tayo. Ang OA naman kung dahil lang sa pag-ibig e gagawa ka ng karahasan na hindi pinag-iisipan, at nagpapadala sa lukso ng pakiramdam.
Isang matinong paalala lang. Peace!
time: 04:50 p.m. | date: 01/27/2012 | author: SLICK MASTER
(c) 2011 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!