07 February 2012

Online Insecurity (Netizens, Attack! Este, Counter-Attack!)

02/07/2012 | 11:15 A.M.

Isang kabihan nga naman: "Insecurity kills."

Ito... at ito! (Parang script lang yan. Pansinin ang mga litratong nakalakip sa post na ito.




Sa lahat yata ng problema sa mundo, mawala man ang korapsyon, krimen, at iba pa… mukhang ito lang yata ang hindi mawawala sa lipunan – ang tahasang panghusga natin sa ating kapwa. At sa panahon na modern na ang lahat ng bagay sa mundo – sa panahon na pangunahing pangangailangan na ng tao ang cellphone, usb, e-mail, Facebook account, at iba pa – mas nagiging high-tech ang ating pamamaraan para pumuna ng kung anu-anong mga bagay kahit hindi naman lahat ay dapat pansinin. (Aba, malamang, yung iba dyan, KSP naman talaga eh) mula sa mga pinotoshop na litrato, sa sadyang mga larawan na naglalahad ng katangahan, sa mga patamang quotes na parang tinype sa powerpoint at sinave na JPEG format… hanggang sa mga screenshots ng mga kumeto sa YouTube na singdami na ng dislikes ang views nito, sa post niya sa Tumblr, tweet nya sa (malamang) Twitter, status sa Facebook, o kahit sa simpleng negatibong remark sa isang artikulo sa Yahoo o kung saan pang mga blogs na yan.

Pero, parang sumosobra na yata ang mga 'yan ngayon. Kaya bumebenta ang community pages sa Facebook eh. P'wedeng pangkatuwaan nga; pero mga ‘tol, hindi lahat ay natutuwa sa mga jokes.

Sabagay, ang boring nga naman ng mundo kung wala kang makikitang jeskeng love quotes, pilosopong jokes na sobrang corny na rin paminsan-minsan, viral videos… pero ito? Hindi corny. Maliban pa sa mga litrato ng mga tsiks. Naisip ko rin na kaya minsan may kuma-counter-attack sa mga tumira na hindi raw deserving si Shamcey Supsup na magwagi sa isang pwesto sa Miss Universe, ang pagsumpa ng isang bata sa UST dahil hindi pumasa ang mga kaibigan niya, ang pagkumento na dapat namatay ang lahat ng nasalanta ng kalamidad sa Pilipinas, para lang may mapag-usapan tayo. Parte na ng tradisyon natin yan eh. Parang ang boring kasi ng buhay natin kapag walang TSISMIS.

Pero itong mga ganitong bagay din kasi ang repleksyon ng kung anong klaseng tao tayo: kung ano klaseng lipunang meron tayo, at kung paano tayo tumingin sa mga ganitong bagay. Lalo na sa malawak na mundong tulad ng internet. Eh uso pa naman ang pambubulyaw dito, libelous pa ngang maituturing eh. I mean mas matindi ang kaya nating ibitaw na salita as long as kaya nating ipagtanggol ang sarili natin, at kung duwag ka pa sakali ay magtatago ka pa sa either alias o simpleng “anonymous” man lang.

At isa pa, sa internet mo lang malalaman ang mga tunay na matatapang, sa mga taong nagtatapang-tapangan lang. Kung sino ang mas nag-iisip bago ilimbag ang mga pinagsasasabi niya, responsable sa mga ginagawa’t sinasabi niya, matapang na umaamin sa pagkakamali niya, at kayang patunayan ang punto niya. Kung mambubulyaw ka lang at maya-maya ay idedeactivate mo ang kung anuman ang account mo diyan, eh isa lang ibig sabihin niyan (at hihiramin ko lang ito mula sa isang sikat na blog site): HINDI KA TUNAY NA LALAKE.

Sa kabilang banda, hindi sa nambabasag ng trip, ha? Pero kung papatulan natin kasi ang mga ito, baka naman mapahiya ka lalo. Dahil sa panahon na maraming immature, na born-fighter kuno, ipapangalandakan nila na tama yan hanggang dumating sa punto na magkakapersonalan pa ng husto sa isang mainit na argumento.

Ek kung sa totoo lang kasi ay ganyan naman tayo eh. Aminin na natin. Hinuhusgahan natin ang mga tao sa kung ano ang pagkatao nila, at hindi sa mga ginawa nila na sa totoo lang ay yun nga ang dapat na mas pinagtatalunan pa.

Ano bang pake natin kung utak-kolonyal na siya? Dose anyos lang siya? Ano bang karapatan natin na sabihin natin na “dapat mamatay na ang mga tulad mong mga bobo, inutil, hijo de puta, (at iba pang mga below-the-belt na banatan?)” eh kung sa iyo mangyari yan? Baka maihi ka sa boxers o thongs mo nyan, tsong.

Halimbawa, ang pag-alburoto ng mga tao kamakailanlang sa mga social networking sites dahil sa artikulo ni James Soriano na inilathala sa Manila Bulletin. Na-insecure tayo, aminin man natin o hindi. Bakit tayo pumatol sa isang ingles na katha na naglalahad na pang-mahirap lang ang wikang Filipino? Totoo ba? Hindi naman siguro, di ba?

Ika nga, “magbasa naman kasi tayo ng mga librong pampanitikan nang malaman natin kung gaano kayaman ang ating wika.” Ngayon, kung papatusin mo ang mga binitawang salita ng isang Ahcee Flores, na sa mata ng mga nanggagalaiti sa kanya ay ang pangit naman nya sa budhi man o sa itsura, eh parang sinabi mong ganyan ka ring kababa, o ganyan lang nag antas ng mentalidad at pagkatao mo. Isipin mo na lang may ginagago ka na kapwa mo tapos inasar ka lang din pabalik at napikon ka naman. Sino talo?

Hindi siya, ikaw yun!

Isa pa, ang pagaalburoto natin sa mga ganitong napakababaw na bagay ay nagpapatunay din sa atin kung nag-iisip din ba tayo. Alam ba natin na abnormal o supernormal sila (at kung mapanghusga ka pa ng husto, ang karugtong ay “at tayo’y hamak na normal na mortal lamang?”) Masyado ba tayong romantiko’t emosyonal? O kung ano pang mga tanong yan. Bumebenta nga sa libo-libong kumento ang thread ng litrato nya sa fb, sandamukal na shares at likes na “dislikes” kuno sa part nila. Nagiging trending siya sa Twitter at kahit sabihin mo pang negatibo lang naman ang nilalaman ng remark nila.

Pero at least sikat siya! Alam mo kung bakit? Dahil sa pagiging cyber-pedophile ng karamihan. Mas malalang term pala: crybaby. Nakakahiya. Buong mundo ang makakakita ng kahihiyan mo. Maari siyang mainsulto sa reaksyon nyo pero pwede rin siyang matuwa dahil alam nya kung gaano kayo karaming insecured at aanga-anga (sorry for the word, kung tutuusin, may T pa dapat yan pero dapat may discretion tayo at maintindihan ng iba na matino ang intensyon na piniupunto dito) ang lalabas niyan ay angat siya sa inyo at kayo? Andyan. Biktima ng sariling panlalait. Siyempre, ayaw mo naman yun mangyari, di ba?

At ito pa pala (ulit)… ang paghehate mo sa isang tao na dumarating sa punto na gawing hashtag ang #ihate or #RIP o di naman kaya’y gumawa ng mga hate page sa Facebook? Hey, isip-isip din muna, mga tsong at tsang. Over-reacting na yan. Para kang miyembro ng sinidikato at para lang sa salapi ay papatayin mo siya kahit saan pa siya magpunta. Tama ba naman yan, ha? Sadista ka na masyado eh. Ganito lang yan e. isipin mo muna sa kada taong kinaiisnisan mo, may tao din na nanggagalaiti sa iyo regardless kung tama ba ang ginawa mo o mali. Kaya maraming napapatay thru internet eh. Hindi man nakukuryente sa computer, pero… alam nyo na. Parang mga tipikal na krimeng nagaganap sa ating bayan.

Buti na lang, may mga disenteng tao pa naman sa harap ng monitor-and-keyboard (with mouse , unless kung nakatouchpad ka; at CPU, in case na desktop ang hawak mo) ika nga ng isang tropa ko sa isang facebook group, “P're sabe nila wag na apakan ang tae. 'Pag inapakan mo ang tae mas mabaho kapa sa tae.”  Siguro naman eh alam n'yo na kung ano ang pinupunto niyan.

At kahit husgahan mo si Senator Miriam Defensor-Santiago sa kanyang takbo ng utak, eh hindi naman siya tutulad sa isang talent manager na aawayin niya ang kanyang talent a la Face-to-Face. (Kita mo nga reaksyon niya nung pinagtanggol ni Aling Dionesia si Manny  nang dahil sa pahayag ng matalinong senador?) The bottom line is… Isa lang kailangan ng tao dito: ang internet etiquette. That says it all. Kung kapuso ka, THINK BEFORE YOU CLICK. Pero sa kabilang banda, kailangan mo din ang katagang yan e.

Now this remind me of the video of Word of The Lourd episode about Twitter. Grabe!

Author: SLICK MASTER |  © 2012 september twenty-eight productions.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.