Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 February 2012

Valentine's Day Na! E Ano Ngayon?

02/142012  10:13 AM

Likas as atin ang mag-celebrate. Wala nang kataka-taka dun. Mula bagong taon, hangang bisperas ng bagong taon.

Pero valentine’s day? 

Hmmm… wala naman masyadong espesyal para sa akin ang araw na to. Parang ordinaryong araw lang. pero sa lipunang ito na halos buong taon nagdiriwang… teka, araw ng mga puso? Bakit siya lang? Kawawa naman ang utak, mata, kamay, paa, sex organ, at iba pang mga parte n gating katawan? Tsk. Iniisip ko ang dahilan na ang puso kasi natin ang nagbibigay buhay sa atin. Important muscle kumbaga. Kung hindi magpa-pump ito, ewan ko lang kung buhay pa tayo. Pero, masyado naman na tayong medical.

Valentine’s day na! e ano naman? Malamang, marami na naming kikita nyan na mga negosyante mula sa kainan hanggang sa flower shop, department store, drugstore (ba, makakahanap ka ba sa supermarket ng condom? haller!) at kahit dun sa isang kainan o kung ibang termino e lugaran ng paputukan o kung panay disaster ang nasa isip mo… kung saan lumilindol.

Malamang, buhay na naman ang bayan nyan. Oo, e sa dami ba naming magde-date sa mga parke, mall, at kung saan pa (s'yempre, counted na ang motel dyan) obviously maraming kalsada ang matatrapik dyan lalo na sa p.m. version ng rush hour. Hassle ba umuwi?

As usual, LOVE IS IN THE AIR. Actually, lagi naman e unless kung galit ang nilalalaman ng puso’t isipan mo. Pero parang sumosobra naman na ang pagiging romantisismo ng tao. Lalo na sa panahon ngayon na parang blockbuster na ang genre ng mga telenovela, mga baduy na kantang wala nang ginawa kundi magpakilig at pilitin na makipagtalik, na mas umiikot pa sa maliit na cellphone ang mga utak ng mga bata imbes na sa libro’t papel. Well, wag lang sana mabahiran ng karahasan ang araw na ito nang dahilan sa pagkakamali sa ngalan ng pag-ibig.  Lalo na yung tipong makakapatay ng dahil sa selos at kung ano pang kabaliwan.

Ito lang punto ko mga tol.

Kung tutuusin, pwede naman nating gawing Valentines day ang dating ng kada araw na nabubuhay tayo e. Parang linya lang sa isang kantang Pamasko, "Kahit hindi Pasko ay magbigayan." Ibig sabihin lang e, kahit hindi a katorse ng Perbero ang petsa ng kalendaryo eh patuloy lang tayo magmahalan.

Hindi lang sa magkasintahan, pero sa buong sangkatauhan. Meron ka naman sigurong kaibigan, kamag-anak, pamilya, o kahit ang mga tambay dyan na kasa-kasama mo, di ba? Besides, big deal ba ang lovelife? O sige, pero look. May 364 na araw pa ang bawat tao sa ating mga SINGLE para maging masaya. (Isang araw para sa magkasintahan, pero the rest para sa mga nag-iisa sa buhay. Masaya na kayo?) Nasa sa iyo yan kung magpapaka-bitter ka o sweet. Kaya, kalimutan mo na ang mga espesyal na araw na yan at simulan mo sa sarili mong mabuhay sa mga ordinaryong araw na parang napaka-espesyal nito.

Isa pa. Lumilipas din ang petsa na yan. Choice mo kung makikiuso ka o hindi. Kung magpapakabitter ka, go. Yun nga lang, hindi maganda yan. Pero kung magpapaka-sweet ka, e di go ahead din. Wag lang sosobra, ha? Wag darating sa puntong gusto mo nang babaran ng alcohol ang sarili mo dahil sobrang maga na balat mo pagkatapos na hinahantik ka sa sobrang tamis.

Well, valentine’s day nga ngayon e. PUCHA! E ano naman?!


(This article has published a shorter version on Definitely Filipino on February 13, 2012 [US-based time zone]. URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/02/13/valentines-day-na-e-ano-ngayon/


The author has produced two yearly sequels since the success of the article "Valentine's Day Na! E Ano Ngayon?" Read them more on the links below:

Author: SLICKMASTER | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!