03/31/2012 09:30 AM
Actually, parang mali nga yung term na “pagkawala.” E di let’s say pagka-suspend (or pag-adjourn, rather) ng trial. Problema ba yan? Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko napag-isipan na isulat ito. E hindi naman ako pala-tutok palagi sa impeachment trial. In fact, sa mga newscasts lang ako nakakakuha ng mga update, samantalang maraming available dyan sa free tv ng mga coverage ukol sa pag-i-impeach sa punong mahistrado ng Korte Suprema na si Renatio Corona. Sabagay, nung una kong pinanood ko ang mga yun, most of the times nung coverage e parang ang boring naman. Pero may pagkakataon talaga na parang mabubulatlat na lang ng bunganga ko na “ay, mali ako.” May exciting part din pala, at hindi ko tinutukoy ditto ang mga paglantad ng mga testigo, mga ebidensya, at kung ano pa.
Minsan ako nagpost sa account ko sa Facebook ng 5 bagay na mamimiss ko sa pag-adjourn ng impeachment trail ni Chief Justice Renato Corona. Buti na lang, naretrieve ko ang mga yun. Pero hindi ko na lang gagawan ng pamagat na “5” dahil may mga honorable mention e (besides, parang iilan lang naman yata talaga ang mas madalas kong nakikita). Pero same idea pa rin e. ewan ko mga tol, pakiwari ko lang yan, ha?
Lahat ng masasabi ko diyan ay base sa mga napapanood ko, at yung… (err, pano ko nga ba sasabihon ‘to?) basta, ika nga ng isang segment ng palatuntunan ni Prof. Danton Remoto sa radyo, “Kalabit sa balita.”
1) Ang slang na pambungad ni former Chief Justice Serafin Cuevas. "yer uh-ner..." este, "your honor" pala. Sa totoo lang, ang sinumang mababaw pero matalas sa panghuhusga ng mga bagay, pupunahin kung bakit ba naman ang isang matandang tulad niya ay andyan pa rin. At parang take note, sa mata ng mga yan, hindi ganyan ang tamang pronunciation ng salitang”your honour/honor.” Pero sa kabilang banda, e wag mo nang pansinin. May napatunayan na siya, maliban pa sa pambungad na salita kung kanino man niya iniaadress yan.
2) Si Sen. Miriam Defensor-Santiago at ang kanyang “hype.” "WHAAA!" pa lang, panalong soundbyte na! oo, mataas nga ang hype ng ate mo dahil sa minsa’y (o palaging, in case kung fan ka ng trial nila as TV) mtaas ng tono ng pananalita, at ang madals na resulta ay pagiging mataas din ng kanyang presyon. Kung sa kaso ng pagiging buhay-estudyante ito, excuse na sya sa klase. Nasa clinic. Sent home pa nga minsan. Pero sa mata ng mahilig gumawa ng kwento, WALK OUT. Siya nga lang yata nakakapagpabuhay ng trial sa ganung paraan. Dahil base na rin sa mga statements na binibitawan niya, concern lang naman sa audience at publicity dala ng mga live coverage. Pero again, baka ang iba dyan, ang sasambitin, “whoo. Political propaganda!” ano raw? Labo.
3) Ang once-in-a-lifetime... este, first-time na pagsasalita ni Sen. Lito Lapid. Does it hurt, Gentleman from Pampanga? Insert SOT a.k.a. sound on tape "Ba't tuma-tawa-tawa kayo dyan?" pero may sense tulad ng isang bwelta niya sa isyu ng Cash o Advance Load tulad ng (not in exact words)"Ang haba-haba na ng pinag-uusapan natin, yan lang pala ang gusto niyong mangyari?!*" Pero wag ka, tatahi-tahimik lang yan, isa rin pala sa pagiging masipag na senador. Ikaw ba naman ang palaging gumagawa ng batas e. yun nga lang, medyo kulelat yata sa wikang Ingles pero may magagawa ka pa ba? Masipag naman e. yun lang talagang kulang. Kaya siguro kahit papano nag-rejoice ang dating action star nung may nagmungkahi noon na dapat raw gawing Tagalog ang pagsasalita sa impeachment trial.
4) Ang beauty ni Atty. Karen Jimeno lalo na kapag humaharap siya sa mga press briefing at nagpapainterview sa show ng mga katulad ni Neil Ocampo (ooh, la, la!) Kaso tigil-tigilan ko na nga ang pagnanasa dyan, at ikaw rin Congressman (nabalita na raw dati na may pumoporma dyan e). Married na siya, ha? MARRIED! Oo, heartbreaking loss ‘to para sa akin. (LOL) siya! Move on to…
5) Ang mga nakakanose-bleed na mga termino, at ang isa sa mga pasimuno ay si Senate President Juan Ponce Enrile. Pero wala namingsisihan. Trabaho lang. Ang pinakasimple lang yata dito ay ang mga katulad ng discretionary, punitive action, articles of impeachment, registry of deeds at gag order. Oo simple nga, pero malalim at iba sa tipikal ang kahulugan. Parang kalsipikasyon ng kasong criminal sa administratibo o sibil. E pano pa kaya ang sui generis? Subpoena duces tecum? Subpoena testificandum? Unless kung bihasa ka na sa mga law books, e good luck na lang kung hindi masabaw ang utak mo at magaka-epistaxis ka.
uhnerabol... este, honorable mention:
6) Ang humor ni Cong. Rudy Fariñas na hindi ko manitindihan kung self-slapstick ba to or what. Ikaw ba naman ang hindi pumirma sa mga papel ng prosekusyon na kabaro mo dahil "masama daw ang pagkakagawa." Not to mention, speed-reader.
7) Ang pagtatakip ng tenga ni Atty. Vitaliano Aguirre. Ikaw ba naman ang sabihan ng lola mo na "SALITA KAYO NG SALITA DYAN, MGA GAGO NAMAN" e di kaba mapipika? Pero na senate to, at live coverage pa. halos may pagkakahalintilad sa isang bata na ayaw making sa sermon ng titser niya sa buong klase. The one-minute-famous because of indecency act. Pero patay na ang isyu. Moving on…
8) Ang teacher-student gag nila Cuevas at Atty. Arturo Lim kaya next time, wag kang aabsent sa klase ha? (lalo na kapag remedial class) Sige ka, magkukrus din ang inyong mga landas ng mga propesor mo, lalo na kung ang tinetake mong kurso ay “law.”
9) Cong. Niel Tupas, Ang pinaka-man of the monet maliban pa kay Chief Justice in which sa ibang mamahayg, ang tawag ay C.J. teka, parang (isa sa mga) pangalan lang ng mga totoy ngayon ah. Gwapo ang dating pero sablay yata ang bilang sa ebidensya. Kala ko ba 45? Bakit 21 lang ‘to?! Kaya ang grado nya kay Madam, TRES!
Sa May 7, 2012 mukhang may tututukan na ulit ako. Mas gusto ko pa kasi mag-siesta kesa sa magpakasasa sa mga telenobela na tila isang tema na lang sa halos lahat ng palabas at laging may nakakasurang love story. Pero depende yan, kung boring ang mga pangyayari, sige, mas maganda ngang matulog na lang.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!