Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 March 2012

Why Sorry, Jimmy?

03-27-2012 | 04:06 PM

Papasadahan ko lang ito. Nag-alburoto na naman ang halos lahat ng netizens ng Pilipinas noong lumabas ang video ng isang nagngagalang Jimmy Sieczka. Ang ginawa lang naman ni Sieczka ay “20 things I dislike about the Philippines.” Isa sa dalawang bersyon niya ng mga feature na palbas ukol sa Pilipinas (ang isa naman ay 20 things I like about the Phiilippines.)At dahil nga umani ito ng sari-sari pero madalas ay negatibong remarks sa internet, halos i-kunsidera na ng isang konsehal ng Cebu City bilang “persona non grata.” Pero hindi nito itinuloy at sa halip, humingi ito ng paumanhin ang taong ni Sieczka via sa kanyang video sa Channelfix.

Bagamat marami ang tumuligsa sa taong ito, marami rin naman ang nakakaintindi. Marami nga naman ang dapat ayusin sa bansang ito. Hindi naman pwede sa lahat ng oras ay maganda lang ang nakikita natin. Kung may pangit dyan, ano? Magbubulag-bulagan tayo? E ba’t pa tayo nanonood ng mga balita kung ganun din naman e, marami rin naming negatibong pangyayayri dun?At ito pa, dapat nasa lugar ang ating “pride” bilang mga Filipino.


Natural lang naman na ipagtanggol natin ang ating sariling bayan. Pero hindi sa punto na be-bewalta ka ng mga personal na atake laban sa kanya. Eto ang hirap e, hindi lahat e kayang makipagtalo ng naayon sa pinag-uusapan. Kung ganun lang din e manahimik ka na lang at patunayan mo na mali ang sinabi niya sa gawa. Tatandaan mo to palagi. Lahat tayo ay may kanya-kanyang opinyon. Pero wala kang karapatang ilahad yan kung hindi ka makikinig sa iba, kahit sabihin mo pa na “wala kang pakialaam.”

Kung tutuusin, hindi dapat siyang mag-sorry sa ginawa niya pero naiintindihan ko rin kung bakit niya ginawa pa rin yun (Why o why... paano matatauhan ang mga idiota sa lipunang ito?). Nilahad lang niya ang dapat niyang ilahad. Wala tayong magagawa dun kung yun ang napuna yan. Tingin ko nga, matino ang purpose niya kung bakit nya ginawa ang videong yan. Parang... alien version nga lang ng mga gawa ni Lourd de Veyra (i.e. Word of the Lourd) sa TV5 at YouTube. Parang may pagka-satire ang dating. (Iba yata e pero ok lang)

Alam mo ba kung sino ang dapat sisihin dun? Hindi nga si Sieczka, kundi yung milyon-milyon na nag-over-react. Bakit kanyo? E siguro, nasapul sila. In other words, guilty. Keso, nagmamalinis lang daw naman yang Kanong yan. Sa totoo lang, wala naming perpektong bansa e. pero sa tulong ng videong ito, masakit man ito sa kalooban ng karamihan e, may maitutulong din. “wake-up call,” ika nga. May kalokohan man sa pinuna niya, meron din naming tama. At wag kang magagalit sa kanya. Kung ang kapitbahay mo nga e pinuna ang dumi sa paligid mo e parang wala lang sa yo e (kung hindi ganun sasama pa lalo loob mo, pagtsitsismisan pa o di naman kaya’y wala kang pakialam. Pasalamat ka nga may nagmamalasakit sayo e) Saka hindi na uso ang pagiging balat-sibuyas ngayon. E ang lalakas nga mang-alaska nga ng ibang Pinoy dyan e mapipikon lang ng ganun lang dahil sa sinabi ng isang katiting na dumadayong puti?

Tsaka ito pa, masakit ba malaman ang totoo? Wala rin naman yang pinagkaiba sa sitwasyon na sinabihan ka ng “pangit ng gawa mo, gago!” eh. At 'wag mong palayasin ang Kano sa bansang ito, maliban na lang kung may mas marahas pa siyang ginawa dito.

At lalong wag mong bibirahin ng kung anu pa mang pamemersonal yan. Pinuna lang niya ang mga bagay at kaugalian ng tao, hindi ang indibidwal mismo. Iba yun, tol. Matuto kang gumawa ng konstraktibong kritisismo, at gawin din itong obejective. Lumalabas kasi, subjective e. Dapat daw siyang umalis ng bansa, persona non grata daw, dapat daw patayin yan. Wag ganun, men! Wala kang ka-kwenta-kwentang argumento pag ganun ang bitaw mo.

Kung tutuusin, it should be Jimmy Sieczka versus the cyber-citizens of the Republic of the Philippines. Baligtad yata? Hindi ah. Hindi kaya. Maari nga naka-offend ito in some way, pero sa mata ng mga nakakinitindi, hindi. Tignan mo nga ang reaksyon ng Department of Tourism. Kibit-balikat lang, kasi totoo naman, at totoo din na may mas marami pang dahilan kung bakit “it’s more fun in the Philippines!” seryoso. Hindi naman lahat ng nangyayari sa Cebu e nangyayari rin sa buong bansa. Yun siguro mali ni Sieczka, at maling practice na rin to sa tamang pamamahayag.

Huling bara ko lang: bago ka manghusga ng gawa, siguraduhin mong naiintindihan mo ito. Hindi lahat nakukuha sa isang panooran lamang. Wag kang padalos-dalos o nagpapadala sa bugso ng nararamdaman mo. Walang maidudulot yan. Promise. Mapapahiya ka pa dahil ang lawak ng internet. Maraming posibilidad. Maging responsible at wag asal-bastardo sa harap ng computer, ha?

(update: kung after two years ay hinahanap mo pa rin ang video na naglalaman ng "20 things I dislike about the Philippines," aba'y 'wag ka nang umasa pa, dahil mula noong kainitan ng isyung nito ay tinake down na rin ng uploader na si Jimmy Sieczka ang naturang clip, bagamat umappear siya sa ilang programa sa telebisyon para ipaliwanag ang kanyang panig.)

(This article was also published at the Filipino-based community blog site Definitely Filipino. URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/03/29/why-sorry-jimmy/)
  
author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!