Ito ay isa sa mga pauso ngayon sa mundo ng social networking
(minsan pa nga e sa iba pang mga websites) makikita ito sa comment thread ng
isang post o di naman kaya’y sa isang artikulong nakalathala sa isang website o
di naman kaya’y mga video sa YouTube.
Ang salitang FIRST. Sa dating pa lang, superior na. Paano
kasi, una. Mabilis pa sa alas-kwatro. As in, nauna lang siya magkumento. At
masaklap nga lang, e yun din lang ang nilalaman ng comment niya.
Pero mas akma lang yata ang kumentong yan kung may
paligsahan ka na sinasalihan. Parang ganito:
First 5 people who will comment on this post will win tickets to The Hunger Games.O di naman kaya’y saktong trip lang, parang ganito:
ang unang 10 magko-comment sa post na ito, irarampa ko ang profile niya sa page na ito.Dyan, pwede mong sabihin ang ranggo mo.
E pano kung mga tipikal lang na post ang makikita mo.
Example, ang status mo na galling ka sa isang liblib na lugar, isang patamaang
quote sa mga bitter sa network mo, link ng video ng isang astig na kanta pero
noong dekada ’90 e jologs naman maituturing pa yun, e ba’t ka magko-comment ng
“first?”
Ano to? Pauso lang? Sabagay una itong nakita sa mga pages ng
mga kanluraning bansa, tulad ng mga fan pages (or like, sa panahon ngayon) ng
mga artista sa Facebook, mga pelikulang hinangaan mo noon, o di naman kaya’y
mga luiga ng pamapalakasan tulad ng NBA, at iba pa.
Pero ano nga ba ang pakialam namin kung “first” ka?
Ano ‘to, karerahan? May award ka bang makukuha dyan? Mabibigyan ka ba ni Kuya Wil ng jacket sa Wiltime Bigtime nyan?
Hindi sa pambabasag ng trip, ha? Pero parang kami pa ang nababasag ng mga kulukoy na ‘to na imbes na gamitin ang internet sa katinuan. May hawak din ako na isang page sa Facebook kaya kahit papano e maalam ako sa mga ganayng aspeto pagdating sa pagkilala ng isang user.

Sa pagkukumento ba ng “FIRST” malalaman kung gaano kakabilis
mag-refresh ng browser mo (either via mouse click sa refresh icon o thru
pressing F5 sa keyboard) sabay type ng F-I-R-S-T (minsan all caps at with
matching exclamation mark pa) sabay pindot ng ENTER (mas mabilis pa to kesa sa
pindot ka ng comment , ‘no? lalo na kung pasmado ka), kung gaano katikas ka
tumantiya sa news feed, o sadyang yan lang ang alam mong gawin sa harap ng
computer mo?
Ah, ewan. Pero sa kabilang banda, hindi naman kaya’y masyado
rin tayong nagiging mapanghusga sa mga putok sa buho na yan? Yung feeling natin
e masyado tayong mataas?
Alam n'yo kasi mga 'tol, sa Facebook na rin kasi makikita kung gaano kataas ang morale ng isang tao sa sarili niya (via his or her posts, obvious) at hindi na bago ang mga ganitong itsura kung panghuhusga lang naman ang usapan. Ang dami diya mga tila screenshot ng isang “epic fail” (actually, yung term din na yan e isang malaking PAGKAKAMALI din) na posts o litrato o kung anu-ano pa. Andito mo malalaman kung sino ang mga elitista kung pagdating sa pag-iisip. (Korek ka kung ang sagot mo sa Ingles ay “elitism”)

Pero ito lang naman kasi ang punto ko dito, kung walang
sasabihing matino e di manahimik ka na lang. Magpakasibilisado ka sa harap ng iyong
monitor at keyboard at isama mo na dyan ang CPU pati mouse, headset at kung
anu-ano pang nakakabit sa computer mo. Wala kaming pakialam kung nauna kang
magkumento dahil hindi naman lahat ay nakikipagkarerahan sa iyo. At hindi rin
magtatalak ang mga matitino dyan kung hindi sa mga hindi umaasal ng maayos sa
internet.
Pero, pambasag lang dyan, “E, pakialam nyo din?
Self-expression namin to e.”
Ah, ganun? Self-expression ba kamo?
“SELF-EXPRESSION” YOUR FACE!
Kaya ang daming bastardo sa internet e. Ika nga ng isang video, “Sa comments section, wag na wag magpost ng FIRST, kasi FIRST ka saan? FIRST ka lang KABOBOHAN.” Napaka-rude nga lang ng approach pero sa lipunan na kung saan ay dominante ng masa ang populasyon, tama lang ang salitang yan.

Author: SLICKMASTER | | © 2012 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!