Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

26 May 2012

Going gaga on Lady Gaga?

Hindi ako fan ng popular na musika, pero hindi ko rin maituturing ang sarili ko na “hater.” Teka. Isang pasada muna sa mainit na gaga.

Kamakailanlang ay naging mainit ang pangalan ng international artist na si Lady Gaga matapos akusahan ng iba’t ibang mga grupo at personalidad na tila “Satanic” daw ang nasabing mang-aawit. Ayon sa isang post na nahanap ko sa Facebook, pinopromote daw ni Lady Gaga ang kanyang album na “Born This Way” na tila naghihikayat di umano sa mga tagapagtangkilik nito ng imoralidad sa sekswal na aspeto. (source: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150789508806568&set=t.574739689&type=3&theater)


Ang iba naming mga relihiyosong grupo’t kilalang indibidwal, inaakusahan si Lady gaga na tila nagpopromote ito ng pornograpiya at pagiging homosekswal. Ang siste, hindi lang pala dito sa Pilipinas nangyayari ang ganyang kontrobersiya kay Lady Gaga kundi pati na rin sa ibang bansa, partikular sa Asya na may mga kinanselang konsiyerto dahil sa mga protesta.

Kung may mga tao na sumasalungat, meron din naming kumakampi. At karamihan sa mga iyun ay ang mga netizens na follower niya sa kanyang Twitter account.

Pero bagamat ganun ang nangyari, hindi ito napigilan ang Born This Way world tour niya sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Pinagbigyan pa rin kasi siya na magtanghal ng lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod matapos maglabas ito ng desisyon, ilang oras bago ang kanyang ika-2 sa 2 gabi ng kanyang palabas.

Sa totoo lang, hindi na dapat pinapalaki ang nasabing isyu na ito. Nasa sa mga fans na niya kasi kung magpapaalipin sila sa idol nila. Marami dyan ginagaya ang fashion niya, naeLSS na sa kanta niya. Pero hindi porket ginagaya nila ang mga yun e babasagin na rin nila ang pinaniniwalaan nila na relihiyon. Choice na nila yun. Pero sa tingin ko, hindi naman sila basta-basta aanib sa mga kulto, illuminati o kung anu man yan.

At karamihan naman kasi sa mga music fans ngayon e, kahit papano naman e matured ang mga yan. Alam kung paano pumili ng mga musika na tatangkilikin nila and at the same time e may matututunan naman sila. Hindi yung mga tipong pambenta lang o kung anumang kabullshitan pa yan.

Pero sa kabilang banda kasi, hindi maisasantabi ang katotohanan na may mga bagay sa mga awit at titik ng mga kanta ni Lady Gaga na sadyang taliwas sa paniniwala’t pananaw ng Simbahang Katolika. At pinoprotektahan lang ng mga tao sa relihiyon ang mga nananampalataya sa kanila. Ika nga sa isang panalangin, “iadya sa lahat ng masama.” Kung sa pananaw ng simbahan na masama ang mga likha niya, well, wala tayong magagawa dun.

Parang magulang lang yan na pinoprotektahan ang kanyang anak mula sa kung anu-anong kahibangan ng mga bagay sa mundo ngayon. Alalahanin mo, nagiging talamak ang sex, sumosobra sa pagiging liberated ang iba, at tila nababaliw na ang mundo sa kung anu-anong mga pauso ngayon.  

Again, nasa sa pag-intindi na nila yan. Saka ito pa, kung hindi mo trip ang musika ni Lady Gaga, simple lang. Wag kang making. 

author: slick master | date and time: 05.26.2012, 05:43 p.m. | (c) 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!