17 May 2012

Salpukan sa NAIA

05/17/2012 | 12:21 p.m

Kaya pala nagtataka ako kung bakit nagtrend ang pangalan ng nakaktandang utol sa Twitter nung araw na yun.

May 6, 2012. Linggo ng tanghali nun, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, may magulong insidente na kinasangkutan ng isang mamahayag at mag-asawang artista.

Napakagulo nga lang ng mga istorya para malaman kung sino talaga ang nagpasimuno ng komosyon, bagtamat sa isang kumalat na bidyo sa YouTube, pinagtulungan di umano ng grupo ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago ang beteranong mamahayag na si Ramon Tulfo. At ang mga pinakaugat ng insidente? Ang reklamo ni Claudine sa isang staff sa Cebu Pacific at ang pagkuha ng mga litrato ni Mon sa nasabing pangyayari.

Napakakumplikado lang para maikwento bagamat mas lumala pa kamo ang sigalot pagkatapos ng isang napakainit ng Linggo ng tanghali nun.

Lunes, a-7 ng Mayo, nagsalita ang mga kapatid ni Mon na si Raffy, Erwin at Ben sa kanilang palabas na “T3: Kapatid, Sagot Kita.” At dito nagbitaw ng napakainit na pahayag ang tatlo, kasama na dyan ang pagbabanta sa mag-asawang Santiago. Kabi-kabilang mga panayam sa mga newscast sa telebisyon ang magkabilang panig.
Parehong nagdemandahan sa korte (wag mo na lang paalala sa akinang mga kaso. Jeskeng mga kasong yan, ang dami-dami!). Sa takot ng mag-asawa sa mag-utol, humihingi sila sa isang QC judge ng proteksyon laban sa kanila. At ang mga tao, as usual, may kani-kanilang panig. (Given na yan no?) nasuspinde ang T3 ng MTRCB, pero bad move daw yan sabi ng TV5. Sabagay, public service at uinscripted yan at may karapatan lang na magsuspinde dyan ay ang network mismo.

Siguro, ito lang akin. Teka, kung tama nga ang nabasa ko na isa sa mga kaso na sinampa  ni Claudine laban sa nakakatandang Tulfo ay ang “child abuse,” ba, parang nakakaloka naman yata yan, ate. Imbes kasi na makipagsabunutan ka kay manong e dapat nilayo mo yung anak mo sa gulo. Paano hindi mato-trauma yan? Hala!

Teka, tama ba ang sinasabi ng witness na nanipa si Mon? Hmmm.... Pero saan or I mean kailan banda nangyari yun kasi nung nakipagsabunutan siya, e wala yung scar sa tuhod niya bagamat possible na iika-ika talag siyang maglakad. Makikuyog ka naman e. Pero ewan. Magulo pa rin.

Maraming pwdeng sisihin dito. Pare-parehong may mali ang mga kampong involved.

Una, ang airline company sa palpak di umano na serbisyo nito. Sino ba naman ang hindi mauurat sag alit kapag nalaman mong naiwan pa ang bagahe mo na ang laman ay ang mga pangangailangan ng bata? Siyempre, nanay ka. Natural na mag-aalala at magagalit ka dahil gamit mo yun at kailangan ng anak mo yun. Yun nga lang. Pasintabi lang sa kapatid ko na nagtatrabaho dun.

Pangalawa, yung pagra-rant ni Claudine. Alam kong nagagalit ka pero walang mangyayari say o pag dinadaan mo ang pagrereklamo mo sa init ng ulo. At isa pa, public figure ka. Anuman ang kinikilos mo, siguradong magrereflect sa pagkatao mo. Kung may mali, siguradong huloig sa blind items sa showbiz pages yan.

Ikatlo, bagamat ito ang pinakaleast. Yung ginawa ni Mon Tulfo na pagkuha ng video. Possibleng mas naging triggering factor ito ng insidente, at nagprovoke lang ang kabilang partido. Kung asawa ka nga naman at ganun ang ginawa, sino ang hindi mababadtrip? Bagamat ang kabilang banda nito e, journalist siya e. Kung ano ang makikita nya na dapat ibalita talaga, then take a scoop. Pero kung totoo man na nakipagengage kagad sa pisikalan si Mon, yun lang.

Pang-apat, yung statement ng magkakapatid. Bagamat pinagtatanggol lang nila ang Kuya Mon nila, e kaso nasa ere kayo nung nagbitaw kayo niyan e. Broadcaster kayo e. Wala na ata sa hulog yun binitawan niyo, sobrang subjective. Medyo hinay-hinay lang. Nakaktakot sa aming mga manonood e. (Bagamat hanga pa rin ako sa angas ng pagsasablita ni Ben.)

Pang-lima, ang MTRCB. Katulad ng sinabi ko kanina, Bad move. Public service program yan, unscripted. Bakit mo isususpinde? Parang naalala ko tuloy ang sinabi ng ermat ko na “pumapanig kasi sa artista yan e.” ano to? Pagallingan ba sa aktingan kung ganun?

Siguro may umiral na pagiging machismo sa gulong ito. Pero, ewan, magulo pa rin. Pustahan, maya-maya matatabunan din ang isyu na yan kahit media pa ang sangkot dyan. Tama na to! At yan ang patunay na.... wala talagang mangyayaring maganda kung sa init ng ulo idadaan ang lahat.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.