23 June 2012

Ang Litanya ng Isang Desperadong Mangingibig

06/23/2012 09:03 AM

Ayokong itoma ang lahat, hindi rin naman makakatulong kahit mawasak pa ko sa kalasingan. Hindi naman na mababago nito ang takbo ng aking kasaysayan. Isa na nga kong desperadong romatiko sa panahon na ito.

Hindi ko alam kung bakit ganito katindi ang aking nadarama. Siguro dahil matagal na ring tulog ang kamalayan ko ukol sa pag-ibig. At nang dahil sa iyo, nagising ito. Pero linawin ko lang, wala kang kasalanan dun. Ang tagal ko hinihintay ang ganito.

Pero, sa isang iglap na hindi ko inaasahan,  tila nawala na. Wala na naman. Malulungkot na naman ako sa isang sulok. Iiyak. Magmumukmok  sa kada gabing hindi makatulog. Nag-iiba ang estado ng emosyon at pag-iisip. Mababaliw. Masisiraan ng ulo. Mawawalan ng gana. Hindi matiis ang sakit na nadarama. Ilang beses na ko nasaktan, hindi dahil sa iniwan ako, pero dahil sa katotohanan na hindi na naman ako nagtagumpay makalipas ang mahabang panahon.

Na naman? Oo, na naman! (sabay sabunot sa sariling buhok)

Sa isang iglap, naudlot ang lahat. Wasak na wasak na naman ako, hindi sa kasiyahan, kundi sa pagiging miserable na naman. Mahirap tanggapin talaga. Ang tagal kong hinintay ‘to. Sabay, ganito na naman? PUCHA!

Anyare sa isang iglap? Ayun… ang minimithing hiling kasama ng aking panalangin ay naging isang abo na nasunog at hinangin patungo sa kawalan, na kahit habulin ko pa at pilit ipuning muli, wala na rin. Kahit maglupasay pa ko sa luha’t poot, wala na rin. At kahit magmakaawa na may dugong tumulo sa aking mga mata’t tuhod na sugatan sa paglalakad na nakaluhod, wala na rin.

Bagamat parang ganun, wala na akong pakialam kahit magmukha akong tanga. Kung pwede lang sana, 
hahamakin ang lahat, mahangad lang kita sa huling pagkakataon at huling sandali.

Isang bagay lang sana ang aking pakiusap. Sana mabigyan mo pa ako ng pagkakataon na mapatunayan ang lahat, kahit sandali lang, at kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon na lang.

Hinahangad ang pag-unawa, minsa’y masabi mo pa na mahal mo pa rin ako. Kahit sa pekeng nararamdaman na lang ang mga ito.

Sana mayakap at mahagkan kita na akala mo’y wala nang bukas, at maramdaman mo ang tinitibok ng puso ko, kahit sa totoo lang wala na talaga sa iyo ang lahat.

Sana makapiling muli kita, kahit segundo na lang ang ating itatagal.

Dami kong hiling no? Pero totoo, mahal pa rin kita. Hindi ko lang alam ang gagawin ko para i-let go kita kaya siguro ito na lang ang naisip ko.

Umaasa ako na sana matugunan mo ang panalangin ko. Pero kung wala na, sige na. Please?
Pero kung wala na talaga, siya, sige na nga po. Ito na siguro ang lahat sa ating dalawa. Ayaw ko lang sana bumitaw sa mga bagay na para sa akin e kakayanin ko pa. Ayaw ko sana sumuko na hindi ko pa naibibigay ang lahat sa aking pakikipaglaban para sa iyo. Ayaw ko pa sana. (umiiyak) ayaw ko.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.