Ayon kasi kay Palatino, ang mga relihiyosong simbolong nakikita sa mga lugar na ito ay tila nagendorse ng isang particular na pananampalataya. Yung ibang empeyado daw e napipilitan daw na umattend ng mga misa at iba pang mga relihiyosong aktibidades ng kanilang mga superiors. Yung iba, hindi makagawa ng mga dapat na transaksyon tuwing lunch break dahil sa nasa misa ang mga kawani nito.
Naging isang mainit na balita na naman to sa iba. Kaliwa’t kanan ang mga taong naglahad ng opinion sa panukalang ito sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at iba pa; at pati na rin sa mga blogs, at diyaryo sa iba’t ibang panig ng bansa.
May mga sumang-ayon. OO nga naman, ‘di ba dapat ang isang opisina ay isang lugar para magtrabaho? Bakit hahaluan to ng ibang mga bagay tula ng relihiyon? At isa pa, hindi lahat ng mga nagtatrabaho sa ating bansa ay magkakasapi rin sa pananampalataya. Talagang may tao sa ating mga pamayanan na iba ang Panginoon na sinasamba, yung iba, walang relihiyon pa nga e. Hindi nga naman magiging pantay yun, di ba?
At sa kabilang banda, meron ding tumuligsa. Sabagay, sa isang bansa na ang dominanteng relihiyon ay ang Kristiyanismo at Katoliko, hindi yata pwede yan. Lalo na kung ikaw ay yung tipong nagsa-sign of the cross bago mo buksan ang mga papeles at PC mo para simulan ang isang nakakastress na araw dahil kailangan mong magtrabaho para may mai-contribute ka sa iyong kumpanya at pamilya.
As usual, talagang kokontrahin ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Asahan mo na iyan. Ayon sa kanila, hindi freedom ang nasabing panukala. Pagkitil daw ito sa sa kalayaan ng tao para manampalataya.
At yung iba, ang OA lang. May masabi lang kasi. Isa sa mga matutunog ay yung tila sinusumbatan ang mambabatas na Palatino ng “anti-God.” Oo, OA na nga. Pag-aralan niyo kaya yang mga salita niyo bago niyo isumbat yan sa iba, ano?
Pero dahil sa tahasang pagbatikos ng nakararami e humingi siya ng paumanhin at hindi na niya ipatuloy na ipagsabatas ang Constitutional Provisions on Religious Freedom in Government Offices. Nilinaw ni Mong na hindi niya intensyon na i-ban si God. Sa malamang, ay hindi naintindihan ng karamihan ang batas na ito. Names-interpret.
Hmmm... sa tingin ko, oo. Baka nga hindi ito lubusang naintindihan ng iba. Iba kasi ang mga bagay sa ganitong aspeto e. At isa pa, mahirap makipag-argumento sa mga bagay-bagay na may relasyon sa pulitika at relihiyon.
Ito lang siguro, ano? May mga bagay kasi na dapat e nilulugar. Katulad ng opisina, simbahan at iba pa. Kung idadagdag mo ang bahay na “bakit may mga taong nagrorosaryo sa kani-kanilang mga tahanan?” e ibang usapan nay an. Ang sa akin, pwede ipatupad yan. Dapat talaga ipagbawal mo ang misa, Bible Study at iba pa dahil nga hindi naman lahat ay nakakrelate sa mga ganitong bagay.
Pero sa kabilang banda kung hindi mo trip ang nakikita mong mga ganito sa workplace mo, e respeto na lang din sa relihyon mga tol, at tanggapin mo na lang din ang katotohanan na hindi mo kasi garantiya na masusunod yan ng mga manggagagawa yan e. Kasi nga naman, may mga tao na pinaka-top priority si God, which is tama lang din naman para sa akin. Ayon na rin sa mga obserbasyon ko, may mga tao kasi na nagdadasal muna bago magtrabaho at yung iba, pagkatapos ng isang mahaba-habang araw ng pagtatrabaho. At hindi mo na matatanggal yun sa kanila, hindi dahil sa nakasanayan nila pero dahil sa magandang kapakanan nila.
At, bago ko pala tapusin ang lahat, isang bagay na lang dapat ang ipagbawal sa relihiyon. Ang pagiging IPOKRITO.
Author: slickmaster
Date: 06/26/2012
Time: 2: 50 PM
Sources: http://www.spot.ph/newsfeatures/51371/cbcp-opposes-rep-raymond-palatinos-bill-to-ban-religion-in-government-offices-
http://www.abs-cbnnews.com/nation/06/22/12/cbcp-exec-blasts-filer-ban-god-bill
http://www.abs-cbnnews.com/nation/06/22/12/solon-withdraws-ban-god-bill-says-sorry
(c) 2012 september twenty-eight productions
Date: 06/26/2012
Time: 2: 50 PM
Sources: http://www.spot.ph/newsfeatures/51371/cbcp-opposes-rep-raymond-palatinos-bill-to-ban-religion-in-government-offices-
http://www.abs-cbnnews.com/nation/06/22/12/cbcp-exec-blasts-filer-ban-god-bill
http://www.abs-cbnnews.com/nation/06/22/12/solon-withdraws-ban-god-bill-says-sorry
(c) 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!