Call me maybe?
Familiar sa tenga mo no? Aminin mo.
Isa sa mga catchy tunes sa panahon ng pop
music ngayon ay ang kanta ni Carly Rae Japsen na “Call Me Maybe.” Teka, ano nga
ba ito?Isang kanta ng pagkahumaling ng isang babae sa isang lalake na unang beses
niya nakita at napapaisip kung paano siya gagawa ng paraan para mapalapit sa kanya?
Hmm…
Sabagay, para nga naman mapalapit ang tao sa
kapwa, kailangan may matapang na magpapakilala. May mag-eeffort, in short. Kung
babae sa lalake yan, pakikipaglandi ay isang pwedeng makukunsidera na termino.
Pero anthem bang kalandian ito? Hindi ah. Grabe naman. Masyado naman yata tayong
mapanghusga. Kala mo mga music major.
May konek? Oo, siyempre naman. Kaya nga nagiging
hurado ang mga batikang mang-aawit sa isang singing contest di ba? Hindi naman sila
instant celebrity na walang pormal na training.
Sa sobrang patok niya, ultimo mga celebrity sa Hollywood, napapagawa ng mga kanya-kanyang bersyon. Sabagay, uso naman ngayon ang gumawa ng mga cover e, tulad nila Tyler Ward, Megan Nicole, at iba pa. Pero ang siste kasi, may pagka-dancing version ang mga ito e. may pagkalip sync al a Moymoy Palaboy (remeber them?) yun nga lang, may iba-ibang camera cut.
At dito sa Pinas, wag ka. May gumawa din
niyan. Ang mag-babarkada na mga celebrity at modelo at ultimo si Manny Pacquiao
ay kasama nila dito. Nis-pa, nayswan!
Ngayon, bakit ito ang napilikong kanta na gawing
paksa? Ah, ewan. Alam ko na mas patok pa ang kantang paborito kong banda na
Maroon 5 kesa dito. Ultimo ang Boyfriend ni Justin Bieber na isa sa mga hits na
sa ating lipunan ay di ko napling isulat. At hindi ko masyado linya ang gumawa ng
anumang paksa ukol sa popular na musika (alam naman ng ilan na ang paborito ko
ay hip-hop at rock).
Siguro ito lang, na gustuhan ko yung beat.
Astig na chorus na lyrics na talagang gets na gets mo ang motibo ng kanta.
Ayun, haha. At nasaktuhan pa to sa panahon na na uso ang isang reality show na tahaasang
binabatikos ng iilan dahil daw sa naglalarawan itong kalandian sa mga kabataang
Pinoy. Ba, GANUN?!
Coincidence lang siguro yan, tsong. And come to think na pag
napanood mo yung ending part ng original na music video nito… Baka mapamura ka bigla.
Akala mo yun na. sabay…. Ops, hanggang ditto na lang. (Panoorin nyo kasi.)
Author: slickmaster
Date: 06/23/2012
Time: 10:11 AM
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!