Babala: Ang mababasa niyo po ay isang akda na naglalaman ng napakasensitibong usapin at matitinding tirada. Wastong pag-unawa ang kinakailangan.
And same thing goes sa mga babae. I mean, hindi rin lahat ng mga babae ay manloloko, maarte o kung anu-ano pa man iyan na madalas sinasabi ng iba. Mas nag-focus lang ako sa aspeto ng kalalakihan hindi lang dahil sa lalake po ang inyong lingkod, kundi mas napupuna kasi ang mga kalalakihan sa ganitong isyu. At hindi naman lahat ay kaya maging maboka. Echende?
Hay, naku. Sa kada pagkakataon na lang na nagbabasa ako ng mga posts sa news feeds ko sa Facebook, lagi na lang ang mga "patama-sa-lalakeng love quotes" na lang ang nakikita ko. Ang siste, pag nagbreak sila ng boyfriend niya (que pansamantala lang man yan o for good na nila) katakot-takot na sumpa na lang ang ibabato ng iilan sa kanila sa mga kalalakihan. Akala mo kung sinong malupit na ipinanganak sa mundo ang mga ‘to, e nadadala naman palagi ng bugso ng emosyon. Tsk.
Lalo na kapag sinabing “Pare-pareho lang naman ang mga lalaki e. Mga manloloko!”At minsan, sasabihin pa mismo sa harap mo yan. As in, “PARE-PAREHO LANG NAMAN KAYO E!”
Teka, teka, teka nga! Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo, ate? Kasi kapag sinabi mong manloloko, hindi ko alam kung joker ba yang okupasyon niya, kawatan sa lipunan o literal na niloko ka niya nung kayo pa. At sa totoo lang, sino ka ba para sabihin yan? Diyos ka ba para husgahan ang mga kapwa mo tao? Hindi naman, 'di ba?
Alam ko na magtatatalak ang karamihan dyan at papayuhan na lang ako na manahimik na lang ako sa kinauupuan ko dahil mahirap makipag-argumento sa mga ganitong klaseng usapan. E bago niyo ko birahin ng mga ganyan, bigyan niyo muna ako ng mga matitinding dahilan kung bakit ko dapat gawin yun, ano? Hindi sa pagiging ma-pride mga tsong at tsang, ha? Pero ang mali ay mananatiling mali kahit ipangalandakan pa niya na tama lang na sabihin na ang mga lalake ay manloloko. Basta para sa akin, "hindi lahat ay ganyan!" Anak ng pating naman oh.
HINDI LAHAT NG MGA LALAKE AY MANLOLOKO. Aba e bakit? Hindi naman lahat ng mga lalake ay may trabaho ah. Oo, ba ang pagiging joker ay trabaho din ah kahit trip lang nila at hindi naman sila kumikita. At hindi naman lahat ng lalake ay mag kamag-anak na nagngangalang JOKER. Kung mas malalang pamimilospo pa ang usapan, e hindi naman talaga lahat ay joker. Yun iba, Jack at King, pero tama na ang kakornihan. Kaya next!
HINDI LAHAT NG MGA LALAKE AY MANLOLOKO, dahil hindi naman lahat ay mapagbiro, katulad ng inyong lingkod (napakaseryosong tao ko kaya, 'no?). Lalo na sa aspeto ng pag-ibig, yung karamihan pa rin dyan e seryoso talaga kung magmahal. Hindi lang siguro halata.
HINDI LAHAT NG MGA LALAKE AY MANLOLOKO, dahil yung iba kahit may kakayahan silang manloko ng babae (o sabihin na natin na kapwa tao na lang) e hindi nila gagawin yun. Pwedeng naniniwala sila sa karma o dahil sadyang maputi ang budhi nila.
HINDI LAHAT NG MGA LALAKE AY MANLOLOKO, ba e bakit? Natikman mo na ba kami lahat? E ni anino mo nga nga hindi dumaplis sa paningin ko. At pambihira nga naman oh, paano ka makaktikim ng isa kung hindi mo pa naman labis na kikita, aber? Anong klaseng panghuhusga yan oh?! Kung paano magmahal ang isa sa amin? Ba, e di playgirl ka pala kung ganun. Mas malala, promiscuous pa kung sa kada lalaking pumapatol sa iyo e nakikipagtalik ka pa. May natitira pa ba sa iyo, kapatid?
HINDI LAHAT NG MGA LALAKE AY MANLOLOKO, sadyang malas ka lang sa napili mo. OO NGA NAMAN. Choice mo naman kasi kung sino mamahalin mo dyan? (May padestiny-destiny pa kayong nalalaman. Destiny your face!) e kung alam mo na mahilig man-tsiks yang lalakeng minahal mo at ikaw naman ay sobrang selosa, e bakit kasi yan pa ang pinili. At wag mong sisisihin ang pag-ibig. Tanggapin mo na lang ang katotohan. Tanga ka nung panahon na iyun.
HINDI LAHAT NG MGA LALAKE AY MANLOLOKO, hindi ka lang marunong pumili. Basta gwapo, papatusin mo, hindi mo naman ang ugali. Tama nga naman, ba e, kung sa itsura lang ang basehan mo ng pagpili ng taong mamahalin mo, hay naku. Ingat ka na lang. Kilalalnin mo naman kasi yung tao bago mo mahalin ang anuman sa kanya. At kung ayaw mong lokohin ka, e 'di magpakatino ka bilang relationship partner niya. Dahil magloloko lang naman ang lalake kung hindi na siya nauunawaan ng girlfriend niya. At para magkaintindihan kayong dalawa, siyempre, mag-usap kayo.
HINDI LAHAT NG MGA LALAKE AY MANLOLOKO dahil yung ibang lalake, naloloko o di naman kaya’y naloko. Oo, sa madaling salita, MAY MGA BABAE DIN NA MANLOLOKO! OO, dahil sadyang may mga babae na mahilig lang din mang-gago ng kapwa tao, kaibigan, ni ultimong kamag-anak, at karelasyon. Ba, may mga babae din naman kaya na sadyang mahilig mangloko sa mga partners at ex-parteners nila no. Oo nga, aminin n'yo nga yan. Masyado naman kayong bias sa panghuhusga kung kaming mga lalake lang ang sasabihan nyo ng “cheater” ano?
HINDI LAHAT NG MGA LALAKE AY MANLOLOKO dahil yung iba, sobrang MANLOLOKO. Well, reality bites. Sadyang may mga lalaki din naman na ganyan pero wag naman sana ilahat, ano? Kawawa naman yung iba na napakatino (at nagpapakamartir pa nga minsan) sa kanilang pagmamahal. Ehem!
HINDI LAHAT NG MGA LALAKE AY MANLOLOKO, yung karamihan lang sa kanila ang ganun. Ba, e kung napapaligiran ka ng mga lalake na ganyan ang gawain sa buhay, e sa malamang talagang masasabi mo yan. Pero hindi lahat ng mga lalakeng taga-Maynila ay sumasalamin na sa mga kalalakihan as a whole. Try mong magmahal ng Bulakenyo, Ilokano, Bisaya, Ilonggo, Kano, Intsek, Australyano o kung ano pang lahi yan at pustahan, kahit may magloko man dyan e magkakaiba pa rin sila bilang mga lalake.
HINDI LAHAT NG MGA LALAKE AY MANLOLOKO dahil sadyang tanga ka lang. Que tanga ka lang pumili o nagpapadala ka kagad sa paningin at emosyon mo (palibhasa bitter ka as of the moment), o hindi naman kaya ay NAGPALOKO KA KASI. Alalahanin mo, hindi lahat ng babae pag nasaktan ay katulad mo kung magsalita. At pustahan, meron at mayroon na isang tao (o mga tao) na magpapatunay sa iyo na mali ka sa panghuhusga mo. Maaring isa ako dun pero kung hindi ka pa rin kumbinsido e ayos lang, pero meron pa rin yan. Pagdating ng panahon.
Wag kasi magpadala sa mga bugso ng emosyon. Isipin muna kung ano ang sasabihin. Alalahanin mo, walang maidudulot na maganda ang isang salita na produkto ng galit ng isang tao.
Alam kong nasaktan ka ng husto sa sinumang loko-lokong yan pero hindi ibig sabihin nun e ganun na kami lahat. Easy lang, mars.
At iwas-iwasan mo ang mag-generalize. Dahil hindi lahat ng lalake ay magkakatulad. Si Juan ay si Juan, si Pedro ay si Pedro at hindi siya kailanman magiging katulad ni Juan kahit may mga magkakaparehong bagay sa kanilang dalawa.
Uulitin ko, talagang-talaga. Sa ayaw o sa gusto mo, HINDI LAHAT NG MGA LALAKE AY MANLOLOKO. Palag?
P.S. Paulit-ulit ba? UNLI? 'di. Supalpal ka lang talaga. At sinadya ko na paulit-ulit kang supalpalin katulad din ng ilang wagas na beses mong paglilitanya na "lahat ng lalake ay manloloko."
This article was published at the community blog site Definitely Filipino dated July 16, 2012. (URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/07/16/hindi-lahat-ng-mga-lalake-ay-manloloko/)
P.S. Paulit-ulit ba? UNLI? 'di. Supalpal ka lang talaga. At sinadya ko na paulit-ulit kang supalpalin katulad din ng ilang wagas na beses mong paglilitanya na "lahat ng lalake ay manloloko."
This article was published at the community blog site Definitely Filipino dated July 16, 2012. (URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/07/16/hindi-lahat-ng-mga-lalake-ay-manloloko/)
Hindi naman masyadong obvious na affected ka sa sinabi ng kung sino man yung babaeng yon na nag-inspire sa post na to. Hahaha! With good reason naman though. Kung ako din yung lalake, maaapektuhan din ako. I agree sa sinabi mo eh, hindi talaga lahat ng lalake manloloko. Proven ko na yan. :)
ReplyDeleteNakakatuwa tong article na to. Madami dapat makabasa nito lalo na para sa mga naloko na. Haha! Totoo naman,wag tayo mag generalize.
ReplyDeleteWait. Sino ang manloloko? That's a-never-ending-question depends nalang sa situation. Pero parang effective ka? Good thing, na-inspire ka para masulat mo to! haha
ReplyDeleteNakupow, sa ganyang love quotes rin ako naaasar. Actually, love quotes in general.
ReplyDeleteIka nga nila, walang manloloko kung walang magpapaloko. Ietsa pwera na natin 'yung mga matinik na akala mong Keyser Soze sa lupet. Pero, meron kasing hindi pinag-iisipan ng mga bubae. Alam namang good time laang ang habol, umaasang seryosohan. Alam namang bad boy, akala mapapagbago nila at ginagawang proyekto. Kapag lumabas ang natural, ikasasama ng loob.
Pero, meron talagang manlolokong gaya ng isang kakilala kong kahit me asawa na e nambubuae at sinasabi pa sa bubaeng sya raw ang ihaharap nya sa altar.
Madami talagang manloloko. Bababe man o lalaki. Kaya dapat, wag tayong mag-generalize. Hehe! :)
ReplyDelete