06/04/2012 09:43:00PM
Minsan ako nagmasid sa mga bagay-bagay noon. At sa unang pagkakataon, bigla akong na-culture shock.
Mantakin mo ha? Nagja-jogging ako sa bandang riverpark at madalas kong makita ay ang mga batang nagaakbayan. Yung iba, dun sa gilid ng puno, halos makipaglaplapan. Sa isang banda naman nakikita ko ang mga babaeng may kargang bata pero halata naman na bata pa, at sumususo pa ang anak sa kanyang dibdib. At minsan namang gumala ako sa isang sikat na gimikan, at wag ka, alam kong hindi pa 18 tong si totoy at neneng pero kung makapag bump and grind sa dance floor, akala’y nakikipag-sex sa kanyang master’s bedroom. Ito pa ang siste, ilan sa mga batang napansin ko, kamag-anak at kaibigan ko pa. Aba, nadaig pa ko, ‘no?
Well, dapat matuto na rin ako. Nagbabago na ang panahon ngayon. Kaya huwag na rin tayong magtataka kung bakit karamihan sa mga bata ngayon ay daig ka pa sa pakikisalamuha sa opposite sex at isama mo na dyan ang pag-ibig. Kung bakit nagiging liberal na ang pananaw ng mga tao sa sex, at makikita ito sa pananamit at kilos o asta nila.
Marami ba
dapat sisihin dyan? Posible.
As in, oo naman. Pinakamatindi dyan ay ang
environment, yung mga bagay na kinalakihan niya bilang tao. Pero mas makikita
ang pagsisis ito sa karamihan sa mga palabas at popular na kultura ngayon.
Ang lawak
kasi ng sakop ng media kaya hindi kataka-taka na sa kung anuman ang napapanood
natin, naiimpluwensyahan tayo little by little. Tipong mga telenobela na panay
romantikong drama ang tema? Isang malaking TSEK. Mga music video ba ng sikat na
mang-aawit? Isa din yan. In fact, kung mapapansin mo lang, karamihan sa mga
tema ng pop music mula noong dekada ‘80 hanggang ngayon, sa dalawang bagay
umiikot ang mga ito: kung hindi ROMANTIKONG PAG-IBIG, ang akto ng pagroromansa
mismo... ang SEX.
Isama mo na
dyan ang pornograpiya, kahit sa totoo lang ay maypagka-labag sa aking kalooban.
Hindi dahil sa minan ay nanonood ako sa mga ganitong bagay ha? Pero the fact
ngayon na napaka-accessible ang internet sa lahat ng tao, ba wag ka nang
magtaka kung yung isang totoy dyan sa computer shop e nag-you-Youjizz sa oras
ng klase niya sa halip na nasa eskwelahan siya, at take note, may karatula pa na
“bawal ang mag-browse” sa ganung sites. Ba, ayos ah.
At isa sa
mga matinding binabatikos ngayon ay ang isang reality show na naglalarawan ng
mga “kalandian” daw ng kabataan ngayon. Well, sa totoo lang, hindi ko
kakastiguhin ang naturang palabas tutal hindi ko naman napapanood yan. Bagamat ayon
sa feedback ng karamihan sa mga social networking users e naglalarawan daw ito
kung gaano lumandi ang kabataan ngayon. Ganun? Kaya pala nauso ang mga patamang
quotes na ang tema nito ay kalandian.
Sa kabilang
banda, ang magulang din daw ang possibleng pangunahing dahilan kung bakit
lumalandi ang mga kabataan ngayon. Sabagay, anong klaseng magulang ka kung hindi
mo madispilina ang anak mo? Kung mas malakas pa sa iyo ang mga porn, drama, at
ibang mga material na bagay na may kinalaman dun.
Pero ang hirap naman kasi
kung magulang ka ngayon na umaabuso na ang mga bata. Porket may anti-child abuse law
ba? Kung dati okay na okay sa atin ang minsan mapalo ng dos por dos sa ating mga
pwetan, aba ngayon ay good luck kung magagawa mo pa yan sa anak mo. Ang hirap
gawin ang anak ng ayon sa kagustuhan mo ngayon.
Hindi rin
kaya masyado tayong nakikiuso sa mga bagay sa kanluran na kung saan ay nagiging
liberal ang mga tao doon? Well, ok naman maging liberal, in fact, may pagkakataon
na magiging open-minded ka e. yun nga lang, lahat ay may limitasyon pa rin
kahit sa paglalantod.
May tamang
lugar at panahon kasi kung saan ka pwedeng makipaglandian. Kung bahay man yan,
siguraduhin mong wala kang kasama dyan, o di naman kaya’y wag sa bahay ni Kuya.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!