Alam ko na likas sa atin ang mahilig
makialam sa buhay ng ibang tao. Yun nga lang, nilulugar ang mga yan, lalo na sa
isa sa mga pinkapaboritong estado ng ating buhay – ang lovelife.
Ha?
Oo, lovelife nga. (Kulit!)
Aminin natin yan. Kapag pag-ibig ang usapan
ng magbabarkada o sa mga magkakapitbahay, halos lahat, gising. Buhay ang dugo. An
paboritong babasahin ng ilan sa mga ale? Pocketbook. Kung hindi yun (at techie
ang pagkatao nila),mga blog na nilalaman ay ang mga kwentong romansa. (Saan pa
ba? Maliban sa mga katulad ng Wattpad?) Pag may matinding inuman sila pare, ano
ang isa sa mga paksa nila? Mga babae, ke minamahal yan o trip lang nilang
pormahan o binasted sila o kakabreak-up lang.
Karamihan sa mga intriga’t balita sa
showbiz, kung hindi alitan sa mga kapwa artista ang laman, relasyon ng
pagmamahalan ang binabalita. Kung may pulitkong single, pinputakte rin ng
ganyang klaseng kwento. Worse? Nagiging pambansang isyu pa ata ang
pakikipagdate ng isang public official sa isang artista. Mantakin mo oh. Ang
daming problema ng Pinas, lovelife pa ang napili niyong pag-usapan.
Sa buhay estudyante pag recess, ang usapan,
ganyan din mula sa mga crush ng mga gurlaloo hanggang sa kartada ng mga totoy
sa isang naispatan na tsikas. At kung taken naman, ang blow-by-blow account ng
mga pangyayari. Pagkatpos tanungin ng “Kumusta ang lovelife natin, mag
pare/mare?” mahaba-habang kwento na yan, hanggang sa mababanggit na lang nila
ang mga katulad ng… “Wow, pare! Sinagot na ko ni Mae!” o di naman kaya’y “HMP!
Nahuli kong mababae si Rowel dun sa Padi’s kagabi!” hanggang sa “Tangina, ang
lupit niya sa kama, dude. Ilang rounds kami oh kaya nga naubos ang lakas at
pera ko sa Sogo e.”hanggang doon sa “Mga ‘te! I can’t take it anymore! Nakipagbreak
na ko kay Justin! (with matching emote yan, syempre.)” ang iba pang mga linya?
“Nice. Nakuha ko rin ang number ni Micah.” “Hoy. Ang sweet nyong dalawa ni
Kenneth ah. Kayo na?” at kung anu-ano pa at siyempre, hindi mawawala dyan ang
lagging pahabol na reaksyon ng mga tao. “Yihee!” O di naman kaya’y “Ayiee….”
Wooh. Mawawala ba yan? Siyempre, hindi.
Kasi aminin natin. Parte na nag ating kultura ang makialam sa mga bagay. Pero ang pakikialam na tunutukoy ko ay ang pagmamalasakit sa kapwa, bagamat may iba ang purpose para mangialam. Likas din kasi sa atin ang pagiging mapagmahal. Yung maging romantiko. At isa pa., ang mga ganitong paksa ay isa sa mga nagpapabigay-kulay sa
ating buhay. Hindi nga lang maipaliwanag ng basta-basta. Peer pressure? Asus.
Lokohin mo nga ko! Choice ng tao ang magpadala sa tukso ng nakararami ano?
Pero ito lang ang punto ko dyan, mga tol.
Ayos lang makialam ng lovelife ng iba kung siya mismo ang mag-oopen niyan sa
conversation niyo. E pano kung sabihin niya ang mga kataga tulad ng “zero,”
“ay, hindi uso sa akin yan,” o di naman kaya’y “pucha! Ang dami-daming pwedeng
pag-usapan natin, lovelife pa!” Yan ang hirap sa pagiging curious natin sa mga
bagay-bagay. Siyempre, gusto natin malaman kung bakit, di ba?
Pero kung ayaw
niyang sabihin o ikwento ang estado nun sa buhay niya, e irespeto natin yun.
Hindi naman kasi lahat ng tao e ma-vocal sa ganyan. Yung iba dyan
tatahi-tahimik pero wag ka. Mas ok ang buhay niya ke single man siya o taken.
Tanggapin natin ang katotohanan na hindi porket lumalovelife ang topic, e lahat
ay makakarelate. Dahil hindi naman lahat tayo ay magkakatulad, ke magkaibigan
pa, kamag0anak o di naman kaya’y yung mga kakilala lang sa kanto.
Kaya que may lovelife ka o wala… matuto ka
kung kelan dapat makialam.
Author: slick master
Date: 06/10/2012
Time: 11:52 AM
© 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!