LUTO!!!!!
Yan ang sentimiyento ng karamihan ng mga boxing fans sa buong mundo noong nanalo di umano si Timothy Bradley kay Manny Pacquiao. Na-strip-off-an si Manny ng isa sa kanyang world-record 8 boxing titles sa kontorbersyal na pagkatalo nito sa Amerikanong boxer.
Sa sobrang luto ng laban e nag-alburoto ang mga tao sa social networking sites, mula sa mga ordinaryong tao na first time gumamit ng Facebook hanggang sa mga celebrity na tweet lang ng tweet ng kani-kanilang mga blow-by-blow account sa buhay nila. Ang expresyon nila, pagka-dismaya sa resulta ng laban.
Ayon na rin sa ilang beteranong boxing analyst tulad nila Ronnie Nathanielsz, isa sa mga “worse boxing robberies of all-time” ang labanang Pacquiao-Bradley.
Yan ang sentimiyento ng karamihan ng mga boxing fans sa buong mundo noong nanalo di umano si Timothy Bradley kay Manny Pacquiao. Na-strip-off-an si Manny ng isa sa kanyang world-record 8 boxing titles sa kontorbersyal na pagkatalo nito sa Amerikanong boxer.
At walang kinalaman ditto ang pagkanta ni
Jessica Sanchez sa panig ng Estados Unidos, ha? (wag shunga, mga pare)
Luto nga daw maituturing ang laban, e pano ba
naman? Dalawa sa tatlong hurado ang nagbigay ng iskor na pabor kay Bradley, na tila
taliwas ito sa mga nakapanood ng laban mismo. Mas lamang pa nga daw ang mga yakap
ni Bradley kay Pacquiao. At sa majority ng mga parte o round ng laban e lamang
daw talaga si Pacquiao. Ayon na rin yan sa iba’t ibang mga punch stats, pati na
rin ang scoring ng media sa nasabing laban.
Teka, statistika ba ang usapan? Ba, ayon sa
artikulo ng isa sa aking mga idolo ng si Quinito Henson, taliwas nga sa mga puntos
ng hurado ang mga numerong lumabansa performance ng laban. Wala pa nga sa kalahati
ng mga nagawa ni Manny ang kay Timothy, mula sa punches landed (253-139),
percentage ng accuracy ng mga ito (34-19), more connected jabs (63-51) at power
shots (190-108).
(source: Roach calls for investigation, pp.
A-33 of the June 11, 2012 issue of The Philippine STAR)
Sa sobrang luto ng laban e nag-alburoto ang mga tao sa social networking sites, mula sa mga ordinaryong tao na first time gumamit ng Facebook hanggang sa mga celebrity na tweet lang ng tweet ng kani-kanilang mga blow-by-blow account sa buhay nila. Ang expresyon nila, pagka-dismaya sa resulta ng laban.
Sa sobrang luto ng laban, ang unang hininging
bagay ni Freddie Roach, ang coach ni Pacman? IMBESTIGASYON. Ayon kay manong
Freddie, dapat daw ma-expel ang mga huradong humusga sa laban na tila bumura sa
malinis na record ni Pacquiao sa nakalipas na 7 taon. Pero hind isinisisi ni
Roach ang Kano dun.
Ang kontrobersyal na resultan ito ay maihahambing sa laban ni Erislandy Lara at Paul Williams noong nakaraang taon. Naging majority ang desisyon noon pabor kay Williams bagamat mas nagpakitang gilas si Lara nun.
Isa rin ang dating world champion nasi Roy
Jones sa mga nakaranas ng pandaraya sa boxing noong 1988 Seoul Olympics. Natalo
siya sa final match bagama tna-awardan siya bilang Best Boxer.
At di mo akalain, ang isa sa mga numero unong
tagatuligsa ni Pacquaiona si Floyd Mayweather Sr., dismayado din! Ayon sa tweet
ng ESPN correspondent na si Brett Okamoto, maganda ang ipinakitani Bradley pero
ang panalo ay dapat daw kay Manny.
Pati si "Golden Boy" Oscar dela Hoya, hindi
sang-ayon sa desisyon. Dapat daw binigay ni Bradley ang belt at iprinokalamang
panalo si Pacquiao, ayon sa kanya.
Sa sobrang luto ng laban, si Mommy Dionesia,
humihingi ng rematch! At iba ito sa mga nauunang litanya niya sa kada pagkatapos
ng laban ng kanyang anak. Kung maalala mo, laging humihirit ang matandang Pacquiao
na mag-retiro na sana siya. Ba, na iba yata ang ihip ng hangin.
Pero sa kabilang pagkaluto ng laban, si Pacquiao,
dito kahahanga, ipinapasa-Diyos na niya ang lahat. Ba, yan ang dapat.
At ayon na rin sa review panel ng World Boxing
Organization (WBO), dapat nga nanalo si Pacman. In fact, unanimous pa nga ang boto
ng mga ito pabor sa pambansang kamao. Bagamat kahit ganun pa ang lumabas, isa lang
ang maskalap na katotohanan diyan: hindi na mababawi pa ang resulta ng nasabing
kontrobersyal na duelo noong Hunyo 9, 2012.
Well, let’s face it. Kahit sa sports, may
pulitika. May dayaang naganap, nagaganap at magaganap.Mula game-fixing scandal
sa basketball hanggang sa mga tulad nitong “nakaw na panalo.” Kung tatanungin mo
ang inyong lingkod kung kelan mawawalaang mga ito, ah… ewan. Bagamat mas masaya
pa rinsana kung malinis ang resulta ng mga laro, di ba?
Author: slickmaster
Date: 06/23/2012
Time: 08:25 AM
© 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!