What’s with the waiver?
Ah, Ewan.
Nagsimula sa impeachment trial ng dating Supreme
Court Chief Justice Renato Corona yan. Nung tumestigo ang isinasakdal mismo sa
nasabing paglilitis. Akala mo, kung ano na namang che-che-bureche niya yan ano?
Waiver-waiver pang nalalaman ampucha!
Pero bakit nga ba naging big deal na ang
isyu ng waiver na yan? Well, simple lang. Para mapatunayan ang isang tao sa
gobyerno na wala daw itong tinatago. Kung tatanungin kasi na hindi pa ba sapat
ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth para dyan, e… ewan. Yung iba
siguro kasi e magaling magtago kung totoo na corrupt man siya/sila. At sa
panahon ngayon, tanghali na lang ang tapat. Ang mga pulitiko na yan? HMMM….
Mahirap husgahan e bagamat madaling magsalita na “Pucha! asa pa kong matino ang
mga taong yan. Magnanakaw din naman yan pag naupo sa lugar ng mga kinauukulan.”
Hmmm…. Okay naman din pala e.
Sabagay, kelangan yan sa panahon ngayon para sa mga taong may adbokasiya na labanan ang katiwalian sa lipunan. Ang mga taong nagkukubra ng kaban ng yaman para sa pansarili nitong kayamanan. Yun nga lang, mahaba-haba-haba-habang krusada yan, tsong. Dahil pag may kumanta, tiyak tinutumba. At ang iba, no choice kundi sumunod na lang sa nakagawin kahit sa totoo lang e kasalanan na yang pinagagagawa nila. Ahay, kawawang lipunan.
Sabagay, kelangan yan sa panahon ngayon para sa mga taong may adbokasiya na labanan ang katiwalian sa lipunan. Ang mga taong nagkukubra ng kaban ng yaman para sa pansarili nitong kayamanan. Yun nga lang, mahaba-haba-haba-habang krusada yan, tsong. Dahil pag may kumanta, tiyak tinutumba. At ang iba, no choice kundi sumunod na lang sa nakagawin kahit sa totoo lang e kasalanan na yang pinagagagawa nila. Ahay, kawawang lipunan.
Tingin ko maganda nga na pumirma sila ng
waiver, nang may mapatunayan kung talagang malinis ang konsensiya nila (Pero
bakit si Corona e ganyan din ang sinabi niya, malinis daw ang konsensiya niya, pero
bakit na-impeach pa rin? E ibang isyu na yan tsong.).at ang sinumang tatanggi (o
actually tumanggi din, katulad ng mga nasabi sa ulat e sila Senate President
Juan Ponce Enrile at ultimo ang Pangulo daw ng bansa e kasama? Ba, gaano
katotoo ito?) Well, kesa choice man nila yun na hindi pumirma, pero choice din
ng publiko na paghinalaan sila. Wag na lang sana irason na “ang arte naman yan,
pa waiver-waiver pang nalalaman.” E kung arte lang din naman ang usapan e ba’t
pa kayo gumagawa ng batas? E nag-iinarts lang din kami sa mga ganyan. At isa
pa, paano nga naman kami magiging kampante sa iyo? Alalahanin mo, kami ang
bumoto sa iyo para manalo at maupo ka dyan sa pwesto mo. Kaya may karapatan
kami na salain ka. Public servant ka lang, at kami ang boss mo!
Pero mas ok siguro kung mas magiging
mapagmatyag tayong mga mamamayan sa mga pultikong binoto natin. Kasi ika nga,
“kung balasubas yang taong niluklok mo dyan e sorry ka na lang.” At least, alam
mo na kung sino ang pagkakatiwalaan mo sa susunod na eleksyon sa susunod na taon.
At ang mga kamalian sa pagpili natin nung 2010, e (sana naman) matutunan natin,
di ba?
Hmmm… tama na nga yang waiver nay an.
Pirmahan na kung pirmahan!
Author: slick master
(c)
2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!