Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

11 June 2012

Why so upset on Manny’s loss, man?

Luto nga ang laban, kaso wala e. As in wala tayong magagawa dyan.

Alam kong sobrang badtrip ka nung natalo si Manny Pacquiao kay Timothy Bradley noong nakaraang Linggo. Hindi masama ang madismaya, lalo na kung masugid ka na tagahanga ng isang atleta sa sports. Kaw ba naman ang makapansin na mas marami pa ata ang yakap ng Kanong boxer kesa sa mga suntok mismo niya e.

Sa sobrang “luto” nga ng laban, ang daming naglabas ng matinding sama ng saloobin nito sa mga social networking sites, at isama mo na dyan ang tweet ng batikang sportscaster na si Ronnie Nathanielsz na tila nagpoprotesta ito. Ayon sa kanya, kahit ang mga estudyante sa k-12 e alam na panalo si Pacquiao sa laban na iyan. Kaya nung lumabas ang resulta e parang ninakawan daw ang dating nito sa pambansang kamao.
Sabagay, hindi naman natin masisisi ang pananaw ni Manong Ronnie dyan. Pananaw niya yan e.

Ika nga ng isang TV commentator na si Teddy Atlas, boxing is a corrupt sport. Actually, sa kahit anong sport naman ay nag-eexist ang corruption e, by all means of dirty politics man yan, game fixing scandals, off-sport issues, etc. Hindi na bago ang mga ito. Kung aalamin mo ang mga ganitong bagay sa larangan ng pampalakasan, pustahan, marami kang matutuklasan.

Pero alam mo, dito ka rin hahanga kay Manny kahit sa mata ng karamihan sa atin e nalamangan siya. Ipinakita niya ang pagiging sportsmanship. Tila maluwag itong tinanggap ni Pacquiao. Nakakapanibago ba? Sabagay, nagbabagong buhay siya e.

Kaya siguro nauso ang hashtag nun na #MannyPacquiaoIsStillTheWorldsBest. Sabagay, marami naming napatunayan si Manny. Isa na siyang alamat sa larang ng pagboboxing. Aabutin pa ng siyam-siyam bago maalpasan ng sinuman ang record na ginawa niya. Dun pa lang, marami na siyang napatunayan. At ang mga talong tulad nito? Nah, maliit na bagay na lang yan. Pero sabagay, pride din kasi ng bansa ang isa sa mga nakataya din e. At, come on, either way naman kikita pa rin si Pacman e.


Losing is part of being a winner. Sa madaling salita, natural lang na natatalo ang magagaling na tao. After all, tao pa rin naman sila kahit sobrang taas na ng tingin at paggalang natin sa kanila. Halos wala yang pinagkaiba sa feeling ng natalo ang idol mong si Kevin Garnett sa mga tropa ni LeBron James, o di naman kaya ay…. (ito, para Pinoy naman ang dating) pag natalo ang paborito mong Brgy. Ginebra sa isang panibagong crowd favourite na B-Meg Llamados. Yan ay unless kung either iba ang kinakampihan mong koponan o di mo lang trip ang manood ng PBA.

O kung bibira ka pa na bakit ang mga tulad ni Bradley na ang linis ng record e tila wala naming beses na natatalo sila ah. Tol, hindi naman kasi lahat ng pagkatalo e magrereflect sa record mo. May mga pagkakataon na panalo ka nga sa ganito, e talo ka naman sa ibang aspeto ng buhay mo. Mas matindi yun. Talagang may pagdadaanan ka.

Kaya bakit nga ba tayo bibira sa Twitter na nahimatay daw si Mommy Dionesia dahil wala na itong Hermes na maiuuwi? Laughtrip ang dating, pero…easy, baka magalit ang ale, ha? Sabagay, lagi naman siyang laman ng ilang napapanahong jokes minsan e. Pero, tol, respeto pa rin.

And speaking of jokes, ba, tama din kayo. Idaan na lang sa laughtrip ang pagkabadtrip. Tulad ng mga ito.
photo courtesy of:  https://www.facebook.com/pages/Pinoy-Laugh-Page/147338178666849   
photo courtesy of the watermark text displayed at the lower left portion of this photo
photo courtesy of 9GAG
Pero, tama na ang pagsakay sa bandwagon. Mag-move on na tayo. Tumunog na ang bell, inanunsyo na ni Michael Bufford ang resulta. Naka-wheelchair na si Bradley sa press con. Hindi ka pa kuntento? Mamamatay din yang isyu na yan. Kaya bakit ka pa maglulupasay at magrarant diyan sa Facebook at Twitetr mo?

Move on na kasi, parang hindi ka naman sanay sa mga heart-breaking moments oh!
author: slick master | date and time: 06/11/2012, 07:23 AM

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!