Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 July 2012

A.I.D.S. – ACUTE INTELLIGENCE DEFICIENCY SYNDROME

07/21/2012 | 11: 19 PM

Pambihirang acronym ano?

Aminin mo, ang unang bagay na pumasok sa iyo sinabing AIDS ay yung Acquired Immune Deficiency Syndrome, isang transmitted disease, ‘no?

By the way, hindi ko po naimbento ang sakit na yan, ha? Teka, sino nga ba ang taong nagpauso niyan?


Una kong narinig yan sa isang nagngangalang Richard Gordon. Ang isang dating mayor ng Olongapo na naging dating chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority, Department of Tourism secretary, senador, at naging presidentiable candidate din noong 2010 elections. Naging parte din siya ng mga delegado sa pagsasagawa ng 1973 constitution, ayon sa talambuhay niya sa Wikipedia. Sa ngayon, chairman siya ng Philippine National Red Cross at broadcaster na rin siya sa TV5 sa kanyang mga palatuntunang Aksyon Solusyon (Radyo5 92.3 News FM) at Duelo (Aksyon TV 41). Sa isang episode ng kanyang programa sa radio ko napansin ito.

Ayos din  ha? Akalain mong naisip niya pala ang ganyang acronym na inihalintulad niya sa isang sakit na tila epidemya na sa lipunan. Hindi naman kasi lahat e nakaranas na makipagtalik kaya ano nga naman ang pagkakaalam ng mayorya sa AIDS na yan? Unless kung maalam sila.

Ayon sa kanyang depinisyon (kung tama nga ang pagkakaintindi ko), ang mga tao daw na may Acute Intelligence Deficiency Syndrome na yan ay yung mga taong ayaw matuto. Parang tamad mag-aral. Mas malala pa to sa mga taong natural na salat sa kaalaman o yung mga taong nagiging mangmang dahil sumasablay sila sa kanilang ginagawa. May pagkakaiba ang mga iyun.

At, linawin ko na lang - hindi ito usapin ng may pinag-aralan sa wala ha? Kasi hindi naman lahat ng edukado ay matitino. Yung iilan din dun - mas arogante pa sa mga hindi nakatapos. Porket ba may diploma ka, may karapatan ka na bang mag-angas? Nilalagay sa lugar ang mga ganyang kilos, tsong.

Sa lipunan ngayon na hindi mo matantiya kung may masipag pa ba mag-aral o nagpapanggap na estudyante dahil sa baong pera na dala at ginagawang classroom ang computer shop, mahirap husgahan kung sino ang mga taong may sakit ng "katam," o katamarang matuto. Pambihira lang, mas iisipin pa nila na ang mag-DoTA o pag-usapan ang mga crush kesa sa sagutin pa ang mga takdang aralin nila. Pero hindi naman lahat ng estudyante ang mga yun.

May mga tao din naman sa lipunan na hindi mo alam kung nag-iisip pa ba sila o ano. Yung tipong sinisisi ang gobyerno sa kanilang kahirapan pero sila mismo walang ginagawa ni katiting na aksyon para maibsan ang kanilang pinagdadaanan. Bisyo doon, talak doon, tambay diyan, ewan. Pero, hindi naman lahat ng taong kalye dun ay ganoon.

May pagkakaiba kasi ang pagiging salat sa kaalaman kung ikukumpara sa mga tao na alam na nga ang gagawin pero hindi pa rin ginawa. Hindi naman  kasi lahat ay pare-pareho ang kapasidad ng kanilang mentalidad. Pero lahat naman ay likas na talino. Walang taong BOBO. At sa malamang, yung nagpauso ng salitang yan ay ganun, isang 'B-O-squared.'

Pero habang buhay pa tayo, marami pa tayong matututunan at hindi tayo kailanman na magiging pasyente ng AIDS na iyan.

author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. Una ko 'tong nabasa sa Definitely Pinoy subalit mas pinili kong dito na mag-iwan ng aking komento/mensahe dahil website mo to - at moment mo 'to! :)

    I have to agree with what you relayed in this post. Such "disease" is plaguing humankind and Filipino people right now. Kung makapagmagaling ako mo si Jose Rizal. O sige - kaw na! Hahahaha! Naiirita rin ako sa mga ganung tao parang ang sarap lang din sungalngalin. (May pinaghuhugutan?)

    Maganda ang istilo mo ng pagsulat. Ipagpatuloy mo ang magandang mga nasimulan. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow, thank you po Ms. Tina! this comment of yours made my day, I really appreciated it. :)

      Delete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!