“tol/friend/pre,
pa-like naman ng status ko oh. Thanks. J”
Aminin mo,
minsan sa buhay mo e nakabasa ka na sa mga chat messages mo ng ganito, kahit
hindi sa eksaktong konteskto ng salita. Na minsan e may nagsend sa iyo ng
mensaheng iyan. At... alam mko na idedny mo to, ikaw din mismo nakapagsend na ng
ganyan sa mga friends mo sa fb.
Well, ganun
talaga ang kalakaran sa mag social networking sites. Hindi mo lang binebenta
ang sarili mo na base sa kung ano ang nakalagay sa About Me section mo, pati na rin yung mga bagay na lumalabas sa
isip mo na siyempre e natatranslate sa mga post mo, and at least hindi naman sa
mahaliparot o mala-putang pamamaraan ha?
Pero may
mga bagay kasi na dapat e nasa tamang lugar lang. Magpi-PM ka lang sa isang
tropa mo para lang magpalike ng status? Hmmm...
Kung ibang
bagay yan tulad ng may ipaplug ka na page/litrato/ibang entry, pwede pa. Pero,
status lang? Pasensya ha, pero hindi kaya, masyado naman tayong desperado niyan
para lang hindi tayo tumumal sa mga Facebook profile natin?
Sabagay,
iba-iba kasi tayo ng persona e, kaya sa totoo lang hindi ko rin masisi ang mga
taong yan o kung sinuman na naalibadbadran pa sa mga taong lagi nakakarecieve
ng “palike naman ng status ko” message sa Facebook chat.
Sa kabilang
banda kasi, ito ang paraan para sumaya sila. Yung tila pag naka-30 likes na ang
post nilang iyun e, nagtatatalon sa tuwa’t galak at baka kinikilig pa.
Yun nga
lang sa mata ng ilan, e hindi na to sibilisado, hindi na lubos na nakakatuwa,
na tila nababasag na ang trip nila.
Sabagay kung
sa isang sitwasyon na kunwari e... parang ganito. Heart-broken ka, tapos may
nagsend sa iyo ng mensahe na pakilike naman ang status ko, at nung tinignan mo
yun e isa palang sweet na banat quote para sa boylet niya, parang.... sama naman
ng dating nun para sa iyo lalo na kung bitter na nga ang pakiramdam mo, galit
ka sa pag-ibig at makakabasa ka ng ganung bagay. Maswerte pa siya kung hindi ka
naasar ng panahon na iyun. E pano kung nadala ka sa bugso ng emosyon? Pustahan,
laking away niyan, tsong.
O di naman
kaya ay hindi maintindihan ang pinagsasabi sa status mo at ipapalike mo pa bas
a iba? Kahit sabihin mo na hindi naman siguro tatanga-tanga ang mga yan kung
magbasa e hindi mo rin maiwasan na kahit andyan na nakalahad na pero hindi pa
rin maintindihan ang pinakapunto ng menshaeng sinasabi mo sa status mo.
At minsan nga
nakaengkwentro ako ng isang tao na sa sobrang pagakahumaling sa fb status niya,
pati pa naman sa text e yun pa rin ang sasabihin. “Pakilike naman ng status ko
sa fb hehehe thanks.”
Wasak.
Kung gusto
mo maging mabenta ang Facebook post mo, makipag interact ka din. Hindi pwedeng
maging self-centered ka lang, pwera na lang kung sikat ka. As in lehitimong celebrity
ka. E pano kung isa ka lang hamak na user ng social networking site na to? Magreresort
ka sa mga autolike na cheat? Hmmm... nasa sa iyo yan pero iba pa rin ang
essence ng tunay na tao na talagang nakakaintindi sa mga post mo.
At ito pa,
siguraduhin mong makakarelate talaga ang mga tao sa post mo. E pano kung
bibitaw ka ng isang mala-galit-sa-mundong linya dyan sa What’s-on-your-mind? Box
mo at yung taong nakakabasa nyan ay yung mga taong taliwas sa saloobin at
ideolohiya mo, e wag kang mag-expect na may bebenta talaga niyan. Baka pa nga e
may magalit din sa mga sinasabi mo. Tahasang kokontrahin ka pa.
Basta, para
sa akin... ANG TUNAY NA STATUS, KUSANG NILALIKE, HINDI PINAPALIKE. Take time
lang kung gusto mo maging social media elite or maging pamoso sa mga ganitong
bagay. Hindi lahat nadadaan sa sapilitan. Keep working on it and make it good and better.
Author: slickmaster
Date:
07/02/2012
Time: 09:35
pm
(c) 2012
september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!