Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

04 July 2012

BARS OVER BULLSHIT

10:29 PM 07/04/2012

Rap is a joke. Rap is an entertainment. But rap is also an art. An expression.

It’s everything. Pero ewan ko kung bakit naisip ko pa ang mga ito.

Bars over bullshit, isang bagay na matimbang sa rap ngayon na dapat maintindihan ng bawat tao. Actually nakita ko lang yang 3 salitang parirala na yan sa isang Facebook status ng isang underground rapper. Masyado lang akong curious siguro.


Alam ko na hindi ako isang lehitimong hip-hopper. At hindi pa ganun kaganap ang mga kaalaman ko sa musika ng isa sa mga modernong kultura. Bagamat natuto mag-rap pero minsan nauutal pa rin pag ginawa.
Pero dahil sa minsan kong labis na pagkahumaling sa FlipTop na isa sa mga rap battle league dito sa Pilipinas, sinbukan kong panoorin ang mga bidyo nun sa YouTube, at minsan pa nga e magdownload ng mga ito at iplayback sa computer na walang distorbo (tulad ng internet) sa paligid at sinubukang pag-aralan ang mga rap battle.

Kung sa mga sinaunang mga video ng FlipTop ay mas napansin ang mga hype, generic, o basic jokes sa mga kataga ng karamihan sa mga rappers, mukhang sa mga sumunod na buwan at taon ay mas pinagtutuunan ng pansin ang mga malalalaman na kataga. Yung mga mabibigat na linya. Yung tipong mas tatatak pa sa kanila bilang mga indibidwal at sa kanilang mga karera. Yung tipong maalala ng mga tao na nakasaksi sa laban nila mapa-live na venue man o sa internet.

Sabagay, kung magpopromote ka nga naman na isa o mga bagay na naglalaman ng kultura mo e siyempre mas gusto mong ilahad ang mga bagay na hindi lang nakaka-entertain ng tao kundi bagkus ay yung may matututunan ka rin sa mga ito.

Yun nga lang, kahit sa panahon ngayon na mas maraming mga intelektwal, e hindi lahat ay makakaintindi pa rin, at hindi lahat ng tao na naiintindihan ang mga bagay-bagay sa isang upuan lamang. At yung iba na sadyang nakikiuso lang, birada lang ang alam na gawin bilang pang-react. Pero...

Kung tutuusin, para sa mga tulad ko na sadyang nakikiuso lang at mga hamak na baguhan sa hiphop na mga bagay-bagay sa panahon ngayon, isa lang ang p'wede mong sandalan ngayon – ang INTERNET. Tama, ang internet nga. Mag-research ka sa mga bagay na may kinalaman dito. Kung nagtataka ka kung bakit ang daming nilalamang mga pangalan at salita sa bawat linyang binibitawan ng isang battle MC, kung bakit sinali niya ang pangalang na tulad ni Francis M, Mastaplann, Pamilya Dimagiba, Death Threatt, DJ M.O.D., at iba pang may kinalaman sa industriya ng rap pati na rin ng ibang aspeto tulad ng mga istilo ng ibang rapper, e mag-research ka. Replay mo yung part na yun. Analyze mo yun. Matututo ka din.

Sa panahon kasi ngayon, kung may gusto kang matutunan, ayan, ang dali lang. May paraan. Ngayon, manood ka ulit ng mga videos, ano gets mo na ang mga pinagrarap nila? Kung bakit tila ang lalalaim ng iba, pero nasasapul pa rin ang mga kalaban? Hmmmm....

Bars over bullshit. Dapat lang talagang mas matimbang ang mga kataga kesa sa mga jokes na sadyang panginsulto sa karibal sa isang battle. Dyan mas lumalabas kasi ang galing o talent ng isa sa pagrarap. Well, para sa akin siguro, katulad ng kanya-kanyang pananaw sa pagjudge sa isang rap battle. At walang halong lutong judgment o whatsoever na nirereklamo ng mga trollers ‘to ha? Dahil nga, hindi naman ako ganap na hip-hopper. Peace!

Author: slickmaster |(c) 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!