07/13/2012 | 12:26 AM
Long overdue na kaya! Dapat nga noong 2009 pa ginawaran yan ang National Artist Award e.
Malapit na ang Agosto, ang buwan na maghihirang na naman ng mga taong karapat-dapat na tawagin na National Artist. At halos 1 buwan na rin mula noong nagulantang ang mga milyun-milyong katao na minsa pinatawa ng Hari ng Komedya sa loob ng halos 7 dekada.
Pero sa totoo lang, madaling magsalita at madali lang umaangal sa mga tila usad-pagong na proseso ng sistema sa paggawad ng mga Pambansang Alagad ng Sining.
Ayon sa isa mga napanood kong balita noong mga araw na kamamatay pa lang ng hari ng komedya, awtomatikong nominado na si Rodolfo Vera Quizon Sr.
Twing ikatlong taon kasi nagagawaran ang isang taong may matinding mga kontribusyon sa Sining, at ang huli ay noong 2009 kung saan ay naging kontrobersyal ang mga ilan sa mga nakasali dun kabilang na si Director Carlo J. Caparas, ang isa sa mga tanyag na tao sa likod ng iba’t ibang mga palabas sa telebisyon. Sa nasabing pangyayari, maraming kumuwestiyon sa ginawa na yun ng National Commission of the Culture and the Arts.
Matinding proseso ang inaabot ng mga tao para maging National Artist. Sa darating na buwan ng Agosto, magsisimula ulit yan, at inaasahan sa susunod na taon, maigawad na yan sa mga taong deserving ayon sa nasabing ahensya.
Matinding pagsasaliksik sa mga akda at buhay ang ginagawa ng mga tauhan ukol sa nasabing nominadong personalidad.
Pero patay na yung tao. Bakit ngayon lang? Hindi ba mas maganda kung yung mismong nominado ang makakaappreciate niyan? Yung tipong hindi pa siya umaabot sa kritikal na kundisyon ng kalusugan niya? Oo nga naman.
May proseso kasi yan e. Ayon yan sa Executive Order 236.
Pero kasi, maraming mga benepisyo ang makukuha ng isang pambansang alagad ng Sining eh. Pensionado siya habang-buhay.
Teka, bakit hindi matuloy-tuloy ang pagnonomina sa mamang ito? Naalala ko na may umalma sa kanyang pagpoportray ng mga gay role sa mga pelikula noong mga nagdaang dekada. Ha? Ganun?
Hindi na nakialam ang Malakanyang sa nasabing isyu. Pero sabagay, sa lipunang Malaya pero napapaligiran ng maruruming isip at tagahanap ng butas, ididiin pa rin ang pamahalaan sa ganitong isyu. May halong pulitika daw. Ba, ang sa lagay ba e dahil sumuporta si Mang Pidol sa karibal ni PNoy noong eleksyon dalawang taon na ang lumipas? Wag ganun, mga tol. Walang pulitika ang motibong ito. Kayo naman oh.
Pero tingin ko, hindi lang nag-iisa si Dolphy sa ganitong klaseng senaryo.
Pero que national artist man si Rodolfo Vera Quizon Sr., o hindi, isang bagay ang sigurado diyan – isa na siyang maituturing na national treasure. Ang tindi ng kontribusyon niya sa industriya ng pagpapatawa at pag-arte sa loob ng 65 taon. Hindi biro yun, ha? Mantakin mo ha? Ang tindi ng mga ginawa niya? Mula sa pagiging bakla hanggang sa mga pagiging salamin ng tipikal na Juan dela Cruz sa kanyang mga pinagbidahang mga pelikula at sitcom.
Kaya para sa akin, idol pa rin si Pidol. Saludo ako sa iyo.
Sources:
http://en.wikipedia.org/wiki/National_Artist_of_the_Philippines
http://www.ncca.gov.ph/about-ncca/org-awards/org-awards-national-artist-list.php
Author: slickmaster| © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!