Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

11 August 2012

Asal sa Internet 101

08/11/2012 02:10 PM


Think Before You Click,” ika nga ng GMA-7. Ginamit ng istasyon na iyan ang mga nasabing salita bilang slogan nito sa kanilang adbokasiya ukol sa internet etiquette – bagay na dapat gawin at hindi dapat gawin ng mga tao sa harap ng computer na naglilink sa kanila sa cyberspace.

Parang asta lang din ng tao yan sa kalye. Kung gaano ka magsalita ay kahalintulad sa kung gaano ka maglahad ng mga salita sa inyong mga tweet, status o ultimo mga blog. Kung ano ang iyong itsura sa kalye o mga pampublikong lugar ay ayon naman sa mga litrato mo, lalo na sa album mo na Profile Pictures. Kung may kwenta ba ang sinasabi mo o wala, kung pangit ba ang itsura mo o maganda, iyan ang basehan, lalo na kung asal-gago ka ba o sadyang matinong tao lang talaga.

THINK BEFORE YOU CLICK, o mag-isip bago mag-click.


Bago ka gumawa ng kung anu-anong mga account, siguraduhin mong naiitindihan mo ang mga ito. Parang kasing kapag sumabak ka sa giyera, siguraduhin mo na alam mo ang pinapasok mong gulo. Sigurado ka ba na gusto mong magkaron ng Facebok account? Handa ka ba na tanggapin ang mga taong magmamahal sa iyo at yung mga taong makikipagplastikan din sa iyo sa loob ng social network mo? Handa ka ba sa mga kumento ng mga matitinong mambabasa at ng mga taong “may masabi lang” sa iyong mga blogs? O dapat alalahanin mo na ang Twitter ay parang isang battlefield a la wannabe World War III. Lahat ng mga iyan ay maliban pa sa pag-tsek ng box na “I agree on the terms and conditions applied.” Diyan pa nga lang, malalaman mo kung sino ang malinis ang budhi sa hindi. O mas maganda, kung sino ang sinungaling sa hindi.

Intindihin mo muna ang iyong mga sinusulat bago mo ito ipaskil. Halos katulad iyan ng isang kasabihan na “Wag magdedesisyon na ang basehan mo lang ay ang iyong pansamantalang emosyon.” Kung puwede nga lang e i-double-check, i-triple-check, quadruple-check o... basta, siguraduhin mo lang na tama ang mailalhad mo ayon sa kagustuhan mo. Ang dami pa namang superficial na tao sa mundo. Hindi lang sa sila ay hindi sumasang-ayon sa mga punto na ipinapahiwatig mo, kundi mga instant Grammar Nazi din sila. Ultimo ang spelling mo, o kapag na-typo ka kahit sa ni isang salita man lang, pinag-iinteresan na kaagad. Parang mga hindi makaintindi, e no?

Huwag ipost lahat ng mga bagay na sa tingin mo ay magpaphamak sa iyo. Bigyan mo ng respeto ang sarili mo. Sa panahon na ang karamihan ay mga Photoshop literate na nasa wannabe-expert level, kaya nitong manipulahain pa lalo ang mga litratong inupload mo. Kung mas mamalas-malasin pa, pagmumukhain ka pa talaga na tanga. Ang lalakas manghusga, palibhasa hindi yata nila naranasan ang malagay sa kahihiyan dahil sila mismo ang nanghihiya sa kapwa nila.

Kung pa-cute ang post mo, well, siguraduhin mo na cute ka. Dahil kung hindi, alam mo naman ang karamihan, sadyang mapanglait sa kapwa.

Mag-tag lang ng litrato ng naayon sa kanyang kagustuhan o yung mga bagay-bagay ka kahit papano ay interesante talaga. Kung iyan pa ang mga litrato na wasak na wasak siya sa kalasingan noong nag-night out kayo e parang nilalaglag mo na rin ang pagkatao niya bilang kaibigan mo. Respeto lang, men.

Simple thought is better. Parang “less is more.” Ganyan din ang kadalasang istilo sa pagsusulat ng mga balita. Sa isang foreign news pa yata, pag zigzag ang istorya mo, may KISS ka... as in Keep It Straight, Stupid. Yun nga lang hindi sa laht ng oras ay applicable yan sa mga social networking sites dahil ang daming mga gunggong din dun. At hindi sa lahat ng mga blogs... aba, medyo taliwas sa istilo ko to ha? 'de. Ang punto lang nyan (at kung bakit may konek yan sa akda na ito) ay kung puwede naman ay gawing simple at straight na lang ang mga puntong gustong sabihin. Wala na sanng paliguy-ligoy pa. Kung magsasabi ng katotohanan, 'wag idaan sa panglalait. Gawin mong a la Simon Cowell. Pero be polite ha?

Kung hindi talaga mapigilan ang magpost ng mga matitinding bagay na ukol sa iyo, siguraduhin mo lang na at least ang mga makakapansin na mga tao dyan ay yung mga taong mapapagkatiwalan lang. Siguraduhin mo na nasa tamang lugar yan. I-customize mo ang audience/privacy options mo sa mga taong may karapatan lang na makakakita ng mga sexy pose mong litarto, yung naka-2piece na bikini ka kahit may stretchmarks ka, ang bidyo mo na panay prangkahan at mga gag ang nilalaman, ang cover mo ng paborito mong kanta na may pagaksintunado pa ang isang chorus o stanza, at ultimo ang scandal niyo ng iyong kasintahan. Libre lang ang mag-upload pero libre lang din ang manglait. Alalahanin mo iyan. Maaring magbigay sa iyo ng pansamantalang kasikatan o kahihiyan ang mga iyan pag nakita ng iba. Pero hangga't may privacy settings, gamitin mo.

Kung may gusto kang i-add na friend sa Facebok mo, e 'di i-add mo! Hindi yung ikaw pa ang magme-message sa kanya na “”uy, pa-add naman sa Facebok. Hehehe. Salamat!” Ano ka, Superstar? VIP ka ba? Kahit may pangalan ka sa world wide web ay wala ka pa ring karapatan na magdikta sa kanya ang “first move” sa pakikisalamuha sa mundo ng social networking sites. Ganito lang, pre. Magpakita ka ng tamang motibo at intensyon na gusto mo siya maging parte ng social network mo, bilang Facebook friend man, Twitter follower, o kung ano pa iyan.

Speaking of Private Messaging, e 'wag mag-PM ng “pakilike naman ng status ko please.” Anak ng pating, e pa'no na lang kung patama sa akin yang status na yan. Ano ako, tanga?

Magpost ng naayon sa tamang intensyon, magrespond ng mkaayos at naayon sa tamang approach. Dahil sa mundo ngayon, uso ang pamimilosopo na a la Vice Ganda o minsan si Papa Jack ang istilo (Ako ba? Hindi, hindi... Siya, pati yung kalabaw.). Akala mo ang tatalino na ng mga tao porket kaharap nila buong araw ang computer. Ika nga ng idolo kong si Lourd de Veyra, “Kung tarantado ang tanong, tarantado din ang sagot.”

'Wag magpost ng walang ka-kwenta-kwentang mga kumento. “FIRST” ka nga... e pucha, ano naman ngayon? Karerahan ba 'to? Pakibigyan na nga lang ng jacket ito!

Isa pa, kung alam mo na galit ang nilalman ng post na ito, bakit ka magpopost ng “U MAD?” Hindi siya galit, nagpapaliwanag lang. Tuwang-tuwa pa nga e! Lakas maka-tanga lang ah.

Kung admin ka ng isang page sa Facebok at may order na binigay ang owner nito, sumunod ka. Hindi porket ginawang admin ka ng page ay kung anu-ano na lang ang gagawin mo riyan. Parang ganito. Kung inutos niya muna na “wag magpaskil ng mga bagay-bagay na ukol sa pag-ibig ngayong araw” e sumunod naman sana. Natiyempuhan niya na nagpaskil ka ng taliwas sa utos niya isang oras matapos nun, dinelete niya yun, at ikaw pa ang may ganang magreklamo? Kapal namn yata ng mukha mo. Magbasa ka kaya muna bago mag-rant, ano?

Kung liker ka ng mga page sa Facebok at may mga batas o rules sila, sumunod ka. Hindi yung magpapasaway ka pa na a la TROLLOLOL style. Kapag binan ka, ikaw pa ang may lakas ng loob na maghimutok. Gago ka rin kasi e. 'Yan tuloy.

Huwag masyadong gumamit ng mga pausong salita... kung sa mga jejemon e ang lalakas niyong mangastigo't magsalita! Shunga, muntanga lang? Halatang saby sa uso e 'no na parang gumagamit ng hashtag sa Facebok na dapat lang sana e sa Twitter lang iyun? Mas gugstuhin ko pa kay na gumamit ng kolokyal na wika kesa sa mga “makabago kuno” na lengwahe. 

DAFUQ did I just read? Oh, shut the fuck up, man. Sablay pa nga ang grammatika mo! The Fuck still sounds better than that.

May mga bagay kasi na talagang nilulugar sa tama, joke time man o seryoso ang usapn. At ang pagme-meme, ayos lang yan, kung nasa wasto nga lang. Pero maraming kontra dyan sa malmang. Ang pag-to-troll kasi ay literally, wala sa lugar.

Huwag gawing chat box ang isang status lalo na kung wala na sa paksang nilalaman ang pinag-uusapan naman na. RH Bill lang ang pinagtatalunan kanina, naging personalan na? Pa-awat na nga kayo, hoy!

Ayos lang mag-share, wag nga lang mag-SPAM lalo na kung wala namang kabuluhan ang mga bagay-bagay na ikinakalat. Mabuti pa, kumain na lang tayo ng SPAM.

'Wag basta-basta magpost ng where-abouts mo. Kung saan ka ngayon, anong event ang pinapasok mo kasama ng iyong mga kasama. Maaring nagiging updated nga ang mga kaibigan mo ukol sa mga nangyayari sa iyo, pero dapat nasa tama lang din dahil baka hindi mo nalalman, napuput at risk din ang sarili mo kung seguridad ang usapan. Alalahanin mo, uso ang stalking kahit hindi ganun ka-astig ang iyong beauty.

'Wag basta-basta magtitiwala sa mga tao sa social network mo. Pakiramdaman mo muna. Mahahlata mo yan sa mga mangyayaring inetraction sa pagitan ninyong dalawa. Hindi kasi lahat ng mga kaibigan ay “kaibigan” talaga. Ganun din sa mga “followers,” at “likers.” Yung niba dyan, akala mo tao lanmg? Baka pakitang tao lang. Palihim na tumitira ng mga gawa mo. Binabalasubas ka pag offline ka. Niloloko ka sa ibang mga kaibigan mo sa wall, group man o sa chat room lang. Manggagantso pala. Pag nagpadala ka, olats ka.

Speaking of posts, kung orihinal na gawa niya ang gusto mong kopyahin at ikalat, humingi ka muna ng permiso o pasintabi. Kapag kinopya yan, paki-cite kung saan mo orihinal na kinuha iyan. Hindi yung angkinin mo pa. Kapal naman ng mukha mo kung ganun. Ikaw kaya ang maging manunulat? Tignan natin kung makakaisip ka ng mga ganyang klaseng bagay. Tigas, ha?

Huwag mong palitan kagad ang relationship status kung hindi pa naman ganun talaga ng sitwasyon ninyong dalawa ng partner mo. Nag-away kayo ukol sa napakababaw na bagay, palit na kagad sa “single” at pagkatapos ng ilang araw at nagkabati na kayong dalawa, “in a relationship” na ulit. Tapos, nangyari na naman yan sa mga sumunod na linggo, ganyang-ganyan na naman ang senaryo. Anak ng tokwa naman oh. Pinapahiya n'yo lang ang sarili nyo kung halata naman mismo na on-and-off kayo base sa mga wall-to-wall post niyo. Alam ko na ang pag-ibig ay isang napakakumplikadong isyu, sa sobrang kumplikado nito ang mga maliliit na bagay, nagiging malaki o big deal. Pero hindi iyan sapat na dahilan para palitan yan ka-agad-agad. At puwede ba, yung nasa wasto lang Mag-syota pa lang kayo, pero “married” na? Married your face. Panindigan mo iyan ha? Kapag naghiwalay kayo dapat ang makikita ko ay “separated” o “widowed.”

Ang lawak kasi ng mga posibilidad sa internet. Puwede nitong -build ang reputasyon mo, o puwede ring ikasira nito ang buhay mo. Depende sa kung ano ang asta mo kung ang pagbabasehan ay ang mga bagay na pinagkaka-abalahan mo, kung kalokohan man iyan, kadramahan, o kung ano pa man iyan. Mag-isip muna bago gumawa ng mga pagpapaskil o mag-click sa mga sites sa world wide web.

Siya nga pala, bago ko tapusin ito, last tip. Huwag niyo kalimutang mag-log-out, lalo na kapag may ibang tao na gagamit sa PC na inupuan mo. Kasi ang dating niyan ay parang ganito lang. Instant hack kagad ang account mo (as in nakaw na), o hindi naman kay ay na-hack din pero palakasan ng trip yan. Parang mga status ng... ganito:

“I'm sexy and I know it.”
“In love ako kay **name censored**”
“Ang gwapo ni **name censored**”
“Bakla ako.”
“P******** ano ba naman klaseng grupo ito? Parang yung may-ari lang ang sarap ********.”
...at iba pa.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagramFacebookFlickrand Tumblr.

1 comment:

  1. Nasapul mo lahat pre ang problema sa internet tama think before you click..dati ganito ako like lang ng like nakikipaga sabayan sa kumento sa facebook wall ng mga friend tungkol sa breakup or away nilang mag asawa or girlfriend boyfriend. Naisip ko one time na parang hindi na normal ang mga binibitiwan kong mga salita sa comment ko parang nakakapag pababa ng pag katao. Kaya noon iniwasan ko na ang mag comment kung about lang naman sa away mag asawa or boyfriend girlfriend ang post ng friend ko para kasi sa akin.pribadong buhay na iyon dapat dalawang tao lamang ang nag uusap kapag problemang pag-ibig na ang pinag uusspan. Hindi muna kailangan ipaglandakan pa na inaway ka na naman ng bf or gf mo hindi ka ni chat ng asawa mo sa abroad..think before you click.....

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!