12:02 AM 08/11/2012
Ika nga ng kasabihan, "Ang basurang tinapon mo, tiyak na babalik rin sa iyo."
Maliban sa tunog na kahalintulad ng karma, iyan din ang moral lesson kay Bessy Basura, isa sa mga antigo (at noong panahon na iyon ay sa Linggo ng gabi lang umeere) na episode ng sotry-telling program ng ABS-CBN na Wansapanataym. Kunsabagay, una ko yan napatunayan sa aking sarili iyan noong nanalasa ang bagyong Ondoy noong 2009, kahit sa totoo lang, hindi ako palatapon ng basura sa kung saan-saan lang.
Noong kamakailanlang, tone-toneladang basura ang naglutangan sa baybayin ng Manila Bay, at noong panahon nan iyun, nagmistulang extension ng dagat ang kahabaan ng Roxas Boulevard. Aba, ilang trak din ang nagkarga ng mga iyan, no?
At sa dami ba naman ng naglipana sa mga daluyan ng tubig, lalo na sa mga ilog, ang mga basura ang pinakapansinin sa lahat. Mula sa mga sanga ng puno, kahoy na natapyas na furniture, inanod na speaker, ayan, hanggang sa ultimo mga wrapper ng kendi, diaper ng batang may laman pa, at kung anu-ano pa na napakanibangan na natin, at kahit yung mga bagay na hindi na mapakinabangan pa matapos malubog ito sa pagbaha… kapag ito ay hindi naisalba. Wala na. basura na.
Sa dami ng tone-toneladang mga basurana tinatapon natin araw-araw, e may mapglulugaran pa ba kaya ang mga ito? Lalo na sa panahon na ang Payatas ay tila isang kommunidad na? o sa kabilang banda, sa totoo lang, ganun ba kawalanghiya ang karamihan sa atin? As in walang disipilina sa sarili?
Madaling sumagot, madaling mamintang, madaling manisi na balasubas at tarantado ang mga iyan. Yun nga lang, maihrap pangatawanan kahit napakadaling manghusga.
Pero iyan kasi ang realidad e. lalo na ngayon na unti-unti nang nagbabago ang klima ng mundo. Ang kawalan kasi ng disiplina sa ating sarili ay ang siya ding nakakapgpahamak sa ating mga sarili, lalo na sa mga panahon na sinisingil na ng Inang Kalikasan ang bawat isa sa atin.
Maaring hindi ito alam ng karamihan, pero ang simpleng bagay ngayon ay nagbibigay ng higit-sa-simpleng mga epekto. Ang simpleng pagtapon ng basura ay tila magdudulot ng isang napakalaking trahedya sa kapaligiran bilang kabayaran sa hinaharap. Ang simpleng wrapper ng kendi pag tinapon mo sa kanal, baka bumalik sa iyo yan pag baling araw binaha ka at naglinis ka ng iyong lugar na sinalanta ng masamang panahon.
Katulad ng pagputol ng puno, pagkakaingin, pagtatapon ng mga nakakalasong kemikal sa daluyan ng tubig at iba mga simpleng akto na posibleng magbigay ng malaking dulot sa ating kapaligiran.
Hindi natin mapipigilan ang climate change. Pero kaya pa natin na mapabagal ang paglaganap ng mga epekto nito habang may panahon pa. Kaya mabuti pa na ikabubuti ng ating kapaligiran. Ika nga ng kantang “Sala” ng Pupil na banda ni Ely Buendia: “Iisa lang ang iyong mundo. ‘wag mong tatapusin.”
Ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar ay higit na makakatulong sa ating naghihingalong kalikasan.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!