Sa oras ng gabi, isa akong
“batang-gala” sa kalye. Madalas nagmumuni ako mag-isa o may kasmaang barkada.
Napapunta kung saan-saan, mula sa tindahan ng uncle ko, sa basketball court, sa
kalapit na kainan, o sa isang computer shop lamang. At sa lahat yata ng mga
computer shop na nirentahan at tinambayan ko, isa lang talaga ang nagsilbing
bilang pangatlong tahanan ko.
Ilang baloke lang ang layo nito
mula sa bahay ko mismo. Madalas, kada Sabado ng gabi ako napapadayo dun, mga
banding alas-diyes ng gabi hanggang alas-dos ng madaling araw. Tamang chillax
lang, pantakas mula sa realidad na punong puno ng thesishit, este, thesis,
pagiging toxic sa mga minor subject (yung mga feeling major ba), at kung
anu-ano pa. hindi pwede wala akong pangrenta nun (aba, buti na lang may
natitira ako sa baon ko nun kahit 3 araw lang naman ang pasok ko).
“Kuya, pa-renta ng PC,” ang
sambit k okay Brian. Siya ang una kong nakilala at nagging tropa na matanda sa
akin dun. Siya din ang madalas na bantay dun. Kasama niya sa pagbabantay ang
mga may-ari nug shop na sila Allister, Jourel, at Joshua.
Tanong niya, “ilang oras ka,
slick?” Sagot ko naman ay “4 hours.” 10 piso lang kasi ang rate nila nun. Pero
sakto lang ang bilis ng internet nila. Hindi nakakainip. Sulit ba.
Maliban sa akin andun ang mga
taga-Block 2 na sila Joemar, Tutoy, Bok, John, Rhyan, Helly, Miko at marami
pang iba. Pero ang mga nabanggit ko lang na tao ang madalas na makasalamuha ko
dun. Sa totoo lang, sila din ang madals na mangtrip dun. Sila yung mga tipong
biglang mangalabait-sabay-asar. Yun nga lang, hindi nila magawa sa akin yun
dahil alam nila kung anong klaseng tao ako ‘pag nagkagulo dun.
Madalas pag nakaupo sila diun, ay
nanunuod ng mga video ng FlipTop, nag-aayos ng mga profile ng kanilang mga
Friendster account at ipinagyayabang pa nga mga lokong ito, nagpapatugtog ng
mga kanta nila Mike Kosa, Curse One, Republikan at iba pa sa mga underground
hip-hop, o minsan pa nga… ang manood ng porn. E tropa din sila ng may-ari dun
e, sa tingin mo may pipigil pa bas a mga mokong? Bagamat yan algn ang hindi ko
trip na gawin pag ako’y nagrerenta ng computer (asus, magagawa mo din yan
baling araw e, bakit ka pa magpapainggit sa mga nakikita mo?).
Kapag hindi naman internet ang
gusting gawin, nagdo-DotA sila. Pustahan, trash talk, andun na. Pero laro lang
yan. Walang personalang nagaganap.
Speaking of trash talk, ayan,
natutunan din nila yan sa kakanood ng mga rap battle videos gaya ng FlipTop. At dahil nga nasimula na
mauso ito noong panahon na tumatambay ako dun, ayun, nakiuso din ang mga
tambay. Madalas pine-playback nila yung mga laban nila Dello-at-Target,
Loonie-at-Zaito, at yung kay Batas laban kay Fuego. Mayroon pa nga sila nasagap
na nanggagaya e – FlipShop – at ang pinakapansinin para sa kanila ay yung kila
Tinapay Masaker at Abnoy. FlipCap, Rooftop, at iba pa.
Sa sobrang pakikisuo ng mga ito e
sila-sila din ang nagbabarahan. Oo, sila-sila lang dahil ayaw ko na ring sumali
(o baka wala pa makatapat sa akin nun). Pero madalas nanunood at nakikibalita
lang ako sa mga nangyari dun.
At madalas iba rin ang ginagawa
ko kesa sa tipikal pag nagrerenta ako.
Sila, nakikipagkumpitensya sa Friendsetr profile nila. Ako? Ka-chat ang
mga tropa sa Facebook. Kung ako sasabihin nilang “chickboy” e pano pa kaya ang
mga ‘to? Wag ka, pare.
Maliban dun, trip ko ang maglaro
ng NBA Live. Natsambahan ko nga na pagsamahin sila LeBron, Yao Ming, Dwight
Howard at ang beteranong guard na si Derek Fisher sa Fantasy Draft. Saying nga
lang, hindi ko natapos ang isang season ko dun na 62-0 ang record ko dahil
nagreformat sila ng mga PC nila. At lahat ng mga laro, close game ang score.
(Ano ‘kala nyo, “starter” lang ang skill ko?)
At maliban pa dun, magdownload ng
MP3 at mag-edit ng video. Kung tipikal na trip lang ang usapan, ang 4 na oras
ko ay nauubos sa Yahoo! Messenger, Facebook, at soundtrip sa YouTube. As in
yung sinabi ko nung una, CHILLAX mode lang. Wala akong pakialam sa mundo nun.
Ang gusto ko lang ay ma-destress sa lahat-lahat ng mga nangyayari.
Pag sinabing “time na” ako, well,
out na talaga. Pero hindi pa ko lumalabas ng shop niyan. Madalas, pampaantok pa
na usapan naming ng mga tropa ko. Kaya nga minsan nabansagan kami na “lee
boys.” Actually, halos tunog-wholesome lang bagamat ako ang pinakamalinis pa
rin ang konsensya kesas a mga ito. Ha ha!
Pero nakakamiss din pala yun.
Yung minsan, nanalo ako sa isang school event, sila pa ang mga unang nakakalam
dahil tumambay ako sa kanila ng alas-2:30 ng madaling araw, kakagaling lang
mula Maynila nun at dala-dala ko ang trophy ko nun. Yung tipong nagpakalasing
ako sa kanila nun dahil birthday ko.. (E nagpakatotoo lang ako nun ano? Sabi ko
kasi imagpapainom ako nun e.) Pero yun ay nung panahon na wala na ang computer
shop na tinatambayan, sala na lang siya ng bahay at tinatambayan pa rin ng ilan
sa amin.
Nakakamiss din pala.
Matagal-tagal na rin yun. Hanggang sa dalawang malapit na computer shop na lang
ang madalas na pinupuntahan ko. Maliban dun, tambay sa court,
nakiki-“bek-shoot” sa mga kumag, o kasama ang isang tropa sa ibang block na
nakikipaglaro ng chess, nakikiangkas sa delivery ng tubig, nagbibiskileta at
iba pa. hay, buhay.
Author:
slickmaster | © 2012 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!