Unang single mula sa kanyang latest album under Universal Records na “Mga Kuwento ng Makata,” ang kantang “Sirena” ni Aristotle Pollisco, mas kilala bilang si Gloc-9 ay isang kanta na tumatalakay sa isyu ng pagiging “bakla” ng isang tao sa mundo na kanyang ginagalawan. Kasama ni Gloc-9 sa kantang ito ang dating bokalista ng bandang Sugarfree na si Ebe Dancel.
Isa sa mga kantang pumatok ngayon mula sa social media, mga hits sa YouTube hanggang sa isang music channel kung saan ay naging numero uno ito sa music chart doon.
Ayon sa panayam kay Dancel ng music channel na MYX, sinasalamin nito ang buhay ng isang bakla, mula pagkabata niya hanggang sa panahaon na mamamatay na ang kanyang Ama. Kung mapapanood mo yung music video na ito, ang ama niya ay ang pinakakontra sa kanyang ginawa na maging bakla siya. Pero sa bandang huling parte ng kantang ito, maririnig mo na humihingi ang ama ng tawad sa kanyang nagawa. Aba, ikaw ba naman ang ilublob sa drum na may tubig ng ilang beses e.
Hmmm…. Hindi man ako totally na avid fan ni Gloc-9. In fact, mas iniidolo ko pa nga si Ebe Dancel e. Pero hinangaan ko ang rapper dahil sa mga kanta niya na sadyang “may sense” kaqtulad ng isang alamt sa rap music na si Francis Magalona. As in, ang lupit e. Kaya noong bago ko ko ito, ilang beses ko muna itong pinapakinggan sa YouTube (total hindi ko naman naabutan ang MYX sa Studio 23 at maliban dun, wala man akong cable).
Ito lang siguro sa akin, ano po. Karamihan sa mga kanta na tumatalakay sa buhay ng isang homosekswal ay nasa “third point view of perspective.” Ito, naiiba siya. First person point of view. Halos kahalintulad niya ay ang mga kantang “Hindi Ako Bakla” ni Michael V, at “Modelong Charing” ni Bladyak. Ibig sabihin, siya mismo ang naglalahad ng kwento niya.
Kakaiba ito considering na isa sa mga napakakumplikadong isyu ay ang gender discrimination, lalo na sa mga third sex. Sa kantang “Sirena” nilahad ni Gloc at ni Ebe kung paano naging matatag ang isang bakla, bading, beki o kung ano pa man ang termino nila diyan. Kung paano siya na nag-stand out sa pangungutya at pagdiskrimina sa kanya. Kung paano niya nilabanan ang mga ito. Magaling ang pag-uplift ng mga nabanggit na artista sa kanila. Mantakin mo, ha? Na-featured sa videong ito ang Ang Ladlad patylist na pinangungunahan ng isa sa pinapakinggan ko sa Radyo5 na si Danton Remoto at kabilang din ang TV host ng ABS-CBN na si Boy Abunda. At huwag mong mamaaliitin ang tulad nila, dahil ika nga ni Gloc-9, “'di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha, dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla.” Which is, totoo din naman, lalo na sa panahon ngayon. May mga lalaki nga dyan, pero mas duwag pa sa bakla kung umasta sa mga responsibilidad na hinaharap nila. Tunay na ang mga tao sa ikatlong sex ay dapat na nirerespeto, at nakamtan nila ito sa kantang “Sirena.”
Isa na naman ito sa mga magaganda at may kabuluhang mga kanta, hindi lang ni Gloc-9, pati na rin ng nasa industriya ng musika. Sa totoo lang, ito ang mga dapat pakinggan pa ng karamihan, at dapat na pino-produce na mga kanta. Kaya, saludo ako kay Gloc-9 at Ebe Dancel sa pagput-up ng kantang ito.
http://www.myxph.com/features/3734/gloc-9-tackles-gay-issues-on-new-song/
http://www.myxph.com/features/3933/sirena-is-1-on-the-daily-top-10-can-you-relate-to-the-song-and-music-video/
http://soulfiesta.blogspot.com/2012/07/gloc-9s-new-song-sirena-is-about-gay.html
http://www.justinbreathes.com/music/gloc-9-sirena-ebe-dancel/
http://pinoytuner.com/news/view/1285/46/yoradio/gloc_9_on_ldquo_sirena_rdquo_and_other_street_tales
http://vandalsonthewall.blogspot.com/2012/08/new-track-gloc-9-feat-ebe-dancel-sirena.html
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions.
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!