(halaw mula sa pangalawang berso
ng kantang ito)
‘Pag COLD SUMMER NIGHTS ay napapraning
MERON AKONG ANO na ‘di bading ang
dating
Silang mga UBOS BIYAYA na laging lasing
Mga NILAMON NG SISTEMA na andyan pa rin
Kabulok ang nangangamoy
kahit dumadaan sa korte
Sino ang kumain
ng isang kilong MAHIWAGANG KAMOTE?
Kaya MGA KABABAYAN, ITO ANG GUSTO KO
Hindi ka dapat
mahiya KAHIT ILONG MO AY PANGO
Kasi TAYO’Y MGA PINOY, anuman ang mangyari
May MAN FROM MANILA na palaging magsasabing
ONE CAN’T TALK PEACE IF YOU HAVE A GUN
Handa ka bang
ipaglaban ang THREE STARS AND A SUN?
Hindi ko alam kung naging single
na ba ito ng rapper artist ni Gloc-9 sa ngayon. Ito ay isa sa mga kanta niya na
nagawa mula sa kanyang album na Mga Kwento Ng Makata na kaka-release lang
ngayong taon under Universal Records. Kasama niya sa kantang ito ay si Allan
Mitchell Silonga na siya naman kumanta ng chorus nito. Nagkasama na ang dalawa
sa kantang Alay .
Nilarawan ni Gloc-9 dito ang iba’t
ibang kwento na gusto niya ilahad. Ang kwento ng isang artistang tulad niya
kung paano siya nakagawa ng kanta, nagpursige sa kanyang karera, nagustuhan ng
tao at napahanga ang mga ito. Tila isang tribute ito sa isang tinaguriang
master rapper, ang pinakahaligi ng rap sa Pilipinas na si Francis Magalona. Si
Francis M kasi ang lubos na nakatulong kay Gloc-9 na maging isang ganap na rap
artist. Isang pagtanaw ng utang na loob? Hindi lang. Pagsunod sa yapak ng isang
alamat? Hmm… Basta, astig lang ng kantang ito.
Kung napanood niyo ang kwento
niya sa palabas na documentary ng GMA News na iWitness, malamang, napakinggan
niyo ito kahit minsan at saglit lang dun.
Nakaka-LSS (Last Song Syndrome)
lang siya para sa akin ngayon dahil sa totoo lang, ito ang mas gusto kong
pakinggan na mga kanta. Hindi lang ang genre ng hip-hop, kundi ang mga kantang
may matitinding mensahe sa buhay. Inspirasyonal pa nga ito kung maituturing, na
parang kung bibigyan mo ng magandang kahulugan e para kang nakikipag-usap sa
supreme being mo. Na ‘wag kang sumuko kahit sabihan ka pa ng tao na “bakit ka ba laging kasali?”
At kung mapapansin niyo ang ilang
linya mula sa kantang ito na binanggit ko sa akda po na ito, mapapansin niyo na
karamihan sa mga naka-CAPITALIZED at BOLD
na mga salita ay mga kanta ni Kiko, at kung hindi man ay mga ilang mga
linya sa mga ito. Parang kumbaga sa mga elemnto ng rap battle bars, ito ang
tinatawag na reference – ang pagtukoy sa mga pangalan na pamilyar sa hip-hop o
rap. (Kung tama nga ba ang pagkakaintindi ko ayon na rin sa pag-eksplika ng
isang underground rapper sa kanyang Facebook notes) at wordplay, kung paano
niya nilalaro ang salita na ayon sa kanyang kagustuhan at pagkakaayos.
Maliban pa diyan, parang may
patama sa mga napapanahong mga pangyayari at mga tao ang ilang mga kataga sa kantang ito kung
pag-iisipan ng malaliman ito.
Agree ako sa sinabi ng isa sa mga
online buddies ko sa Facebook, ang nasabing mga kataga dun ay ang pinakamagandang
part eng kantang ito.
Nang dahil sa kantang ito, mas
sumasaludo ako kay Gloc-9 para sa pagtaas ng bander ng rap sa Pinas. Maliban pa
sa kanyang mga nagdaang album at kanta, tunay nga na maituturing na makata ito.
Author:
slickmaster | © 2012 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!