09/27/2012 09:27 PM
Baguio Herald Express |
Isa sa mga bagay kung bakit tila nababalot na sa takot ang
ilang mga kababayan sa ilag ng mga lugar ditto sa Kamaynilaan ay ang mga taong
mapagsamantala sa kapwa. Yung mga tao na kayang tumakas ng basta-basta ang mga
modus na kanilang pinagagagawa. Sila ay kilala sa terminong “riding in tandem.”
Karamihan sa mga nagsitaasang kaso ng krimeng naganap sa
Metro Manila ay kinakasangkutan ng dalawang
tao na nakasakay sa motorsiklo. Pagnakakaw man, holdap, o ultimo ang pagpatay.
Wala silang sinasanto, walang delikadong lugar o ras para sa mga ito, dahil nga
kaya nilang takasan ang mga otoridad at mamamayan, basta may sandata lang sila
‘pag nagkasalubungan.
Dahil una, hindi sila basta-basta nakikilala ng sinuman,
biktima o saksi. Palagi silang nakatago sa kanilang mga bonnet o helmet,
jacket. As in ang tanging palatandaan lang na makikita mo sa kanya ay ang hugis
ng katawan niya at ang suot na damit na ginamit niya sa panahon na iyun.
Pangalawa, kapag nagkataon na walang plaka ang motorsiklo na
ginagamit nila. Aanhin mo ang kulay o tipo na motor nay an? Walang eksaktong
pagkakakilanlan, o baka tinatanggal nila yan bago sila rumonda sa kanilang mga
kalokohan.
At pangatlo, praktisado na sila sa mga istilo at galaw.
Hindi sila sasabak sa giyera na wala sila ni kaalaman man lang.
Kaya siguro, ito rin ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi
masawatan ang mga dorobo sa mga panlalamang nila. Idagdag mo na diyan ang
realidad na dumarami na rin ang bilang ng mga motorcycle riders sa bansa.
Mahahalintulad na nga yata tayo sa isang basa ditto sa Asya na hari na rin ng
dalawang gulong. Maliban sa mga motorcycle lane at checkpoint tuwing gabi, ano
pa ba ang laban ng mga alagad ng batas?
Well, in fairness naman, ang ilan sa mga kaso ay nahuhuli sa
akto gamit ang closed circuit television camera o CCTV. Ayun naman pala e,
kahit papano ay may ebidensya. Siguro, hasain pa ang pangil ng mga batas na may
saklaw sa mga krimeng nagaganap ang kailangan.
Maaring nakakatakot na tila baliw na ang mundo dahil lang sa
mga material na yaman ng isang tao, ay gagawa ng hakbang ang mga halang ang
bituka, makuha lang iyan mula sa mga taong lubos na pinaghirapan nito.
Mag-ingat na lamang ang tanging babala na puwede kong iwanan sa puntong ito.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!