Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 September 2012

Sa Sobrang Kumplikado ng Pag-ibig...

08/02/2012 04:36 PM

Sa totoo lang, kumplikado nga ba ang pag-ibig, o ‘yung mga tao lang ang nagpapagulo nito? Extreme emotions kasi ang kayang idulot ng nito sa ilang mga tao, depende na iyan kung kasiyahan ba o kabiguan.

Pero sa kabilang banda, iba din ang takbo ng isip ng bawat tao. Kaya kahit magpaka-mind-reader ka pa, walang katiyakan. Lahat ay nagbabago sa kada tika ng oras.


Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, walang dahilan may kayang magpaliwanang kung bakit minamahal mo siya. Mas nararamdaman ito kasi kaysa sa iniisip. Pwedeng may maisagot naman, pero hindi ito tiyak o konkreto. Hindi nito matutugunan ng ganap ang pag-crave ng tao sa paghahanap ng kasagutan. Ganda ng itsura? Kabaitan? Kaya kang buhayin? Aba, ano pa ba?

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, hindi kayang tumbasan ng mga material na bagay ang nararamdaman mo sa kanya. May rosas ka nga, tsokolate, at DVD ng paborito niyang pelikula. Pero ang tanong, mapi-please ba siya sa mga ganyang bagay? Mapapamahal mo ba siya? Yung iba nga dyan, nahuhulog na matapos lang mag “good morning” sa kanya, ke sa text man yan, sa chat, sa tawag ng telepono, o sa personal man sabihin. Yung iba nga dyan, kahit bati lang, sinagot na kagad e. pero hindi yan PBB teens, ha? Para sa kanila, iba na ang dating nun.

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, lagging naiiba ang takbo ng oras niyong dalawa. Minsan, ok kayo… at minsan naman, hindi. One moment ang sweet niyong dalawa, and the next time around, may sigalot. Natural na iyun. Parte na ng buhay iyan. Wala naming permanenteng bagay sa mundong ito e.

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, ang maliliit na bagay, nagiging malaki. Akala mo hindi ka mapapaselos sa tropa niya na sobrang close sa kanya o kahit ultimo sa isang mukhang paa na lumalandi sa kanya. Nag-“hi” nga lang siya, napapag-awayan na ng iba dyan e. Ang mga mababaw na bagay, napapag-initan. Ang mga simpleng unawaan na lang sana ay nagiging kumplikado tuloy.

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, ang pinapangarap mo na FOREVER, nawala na parang isang bula nang dahil sa isang iglap… as in naglaho… as in NEVER-MORE. (sounds “quote the raven” ba?) Kasi ito lang naman iyan e. Ang samahan na produkto ng romantikong pag-ibig (o relasyon) ay may dalawang bagay na kinahihinatnan: (1) Walang hanggan, as in “‘til death do us part” (p.s. no disrespect sa pamagat ng palabas na iyun) o (2) Walang katiyakan kung gaano magtatagal. May pagkakaiba ba? Meron kasi as long as matibay pa ang nararamdaman at pakikisama niyo sa isa’t isa, talaganag kakayanin niyo ang maging magkatuwang.

Pero bakit ang mga mag-asawa, kahit wala na ang romatikong ginagawa, e sila pa rin? E nagsumpaan sila e. kaya nga may kasal, ‘di ba? Pero ang romance kasi nawawala e. Ang natitira, friendship. Pero nagiging malalim iyan, at nauunawaaan na nila. Siyempre, kilala na nila ang isa’t isa e. At ang pinakapundasyon ng pagmamahalan ay ang kanilang pagiging mag-kaibigan.

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, kahit sinasampal na nga sa iyo ng mga tropa mo ang mga sagot sa mga pinoproblema mo sa kanya, hindi pa rin malinaw ang lahat. Oo, Malabo pa rin hangga’t hindi siya mismo ang nagsasabi niyan sa harap mo mismo. Maari nga na present na ang mga senyales na hindi na siya interesado sa iyo. Maari nga na nakailang payo na sa iyo ang iyong mga kaibigan at ang mga sinasabi nila ay “tigilan mo na siya.” Pero hangga’t hindi siya mismo ang nagasalita, hindi ka matatauhan. Hanggang hindi mo naririnig ang mga katagang “tama na,” magho-hold on ka pa rin sa kanya. Nakakatanga ba? Hmmm… wala akong karapatan na isumbat iyan sa iyo dahil magkaiba tayo ng kamalayan. At kahit ilang beses ka pang humingi ng payo kila Papa Jack o Joe D’ Mango at iba pa, e kung hindi mo naman kayang gawin, e what’s the use of advice? Para saan? Wala pa rin.

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, hindi madaling isambit ang mga salitang “naka-move on” ka na, lalo na kung hindi ka pa talaga sigurado sa mga nararamdaman mo. Dahil baka minsan, bigla siya magpakita sa iyo at nagtangka makipagbalikan sa iyo, baka kahit isa sa sampung beses dyan e kiligin ka pa. May kasabihan na “past is past. You can’t bring it back anymore” Pero on the contrary, may kasabihan din na “love is sweeter the second time around.” Depende nga lang kung hanggang ilang pagkakataon ang kaya mong ibigay. Dahil pag-umabuso yan, it’s zero tolerance time na dapat. Dahil kawawa ka naman o. Literal, masasabihan ka talaga na “tanga.”

At kahit basahin mo pa ng ilang beses ang blog na ito pati na rin ang ibang mga artikulo na tungkol sa kumplikadong estado ng pag-ibig, tiyak na hindi mo ito basta-basta na maiintindihan lalo na kapag nasa ganung estado ka na. magulo nga e. kaya nga “it’s complicated,” ‘di ba? Buti pa ang ka-relationship status ng tropa ko na si pareng toilet bowl…. It’s constipated.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!