09/27/2012 11:16 AM
Lumampas na naman ang isang taon sa buhay mo. Madadagdagan
na naman ng isa ang numero ng edad mo. Isa ito sa pinakamasayang araw sa
karamihan, maliban na lang kung nagdiriwang ka din ng mga espesyal na araw told
ng Pasko, Bagong Taon, Valentine’s Day, o ultimo month-sary at iba pa.
Birthday mo na naman… oo, birthday ko nga, e ano ngayon? Siyempre,
given na kapag may birthday, marami ang babati sa iyo. Maliban kasi sa petsa ng
kamatayan (o minsan pa nga e nakakalimutan din yan), ito ang panahon na madalas
kang maalala ng tao. Kung may temporary amnesia ang iba, may paraan pa naman…
iyan ay sa pamamagitan ng Facebook account. Kapag diyan nakalimot pa sila, ewan
ko na lang, maliban na lang kung sinadya na hindi ilagay ang birthday mo sa
iyong profile information doon.
Birthday mo na naman… oo, birthday ko nga, e ano ngayon? Malamang,
may handaang magaganap. Maliban na lang kung ikaw ay katulad ko na sinasarili
ang araw na ito. Hindi iyon sa pagiging madamot, tanga! Moment ko ‘to e. WALANG
BASAGAN NG TRIP! Ang daming problema na dapat pagkagastusan, birthday pa ba ang
naiisip mo? Pero sa kabilang banda kasi e iyun na nga lang ang pinakaespesyal
na araw sa buhay mo, gagawin mong ordinaryong araw na lang? Minsan lang iyan sa
isang taon, tsong. At alalahanin mo lalo na kung relihiyoso ka man, hindi natin
hawak ang ating sariling buhay.
Birthday mo na naman… oo, birthday ko nga, e ano ngayon? E
di manlibre ka naman! Tsong panghanda nga e wala e, pera pa kaya. Lalo na sa
panahon ngayon na hindi ka pa makahanap ng trabaho, o kung makahanap ka man,
underpaid at contractual pa. Maliban pa diyan, e marami rin ang mapagsamantala.
Ke kawatan man ang usapan o ultimo ang mga lehitimong balasubas sa lipunan.
Birthday mo na naman… oo, birthday ko nga, e ano ngayon?
Siyempre, BEER day na yan (teka lang, beer day o beer night?). Pero kung wala
ka talagang pang-serbesa, ayos na yung magpasalamat ka dahil ilang taon na ang
nilagi mo sa mundo at buhay na buhay ka pa rin. Either may natitira ka pang
misyon sa buhay mo o sadyang maalaga at maingat ka sa iyong sarili. At
pasalamatan mo rin ang magulang mo dahil kung wala sila, e sa tingin mo ba
mag-eexist ka pa rin ba sa mundong ito sa ganyang katauhan mo? Sila din kasi
ang mas natutuwa noon lalo na noong ipinanganak ka mula sa sinapupunan ng iyong
nanay. Maliban pa sa kumadrona, umaalalay sa kanila noon na nurse (kung meron
man), at mga taong malalapit sa kanila at sa iyo ngayon na halos saksi rin sa
mga pangyayari na iniluluwal ka ng iyong ermat (unless kung andun din sila sa
delivery room o bahay o kahit sa eroplano istasyon ng tren o ultimo sa kalye
lang).
Birthday mo na naman… oo, birthday ko nga, e ano ngayon? E
di mag-happy-happy tayo. Hahaha!
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions.
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!