Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

28 September 2012

The Thin Line #3: News and Commentary

09/27/2012  09: 46 PM

newsonnews.com
Sang-ayon ako sa sinabi ng isang batikang mamahayag at propesor na si Crispin C. Maslog. “Opinion should be separated from news.” Pero sa nagbabagong trend kasi ng pagbabalita sa broadcast media, ‘tila na wala masyado ang makakapagbigay ng distinction sa kung ano ang binabalita sa mga isyung pinupuna. Wala bang boundary? Hmm…


Hindi na kasi ito ang panahon na karamihan sa mga newscast sa telebisyon pati na rin sa radyo ay bumibitaw ng mga tinatawag na straight news. As in puro balita lang na ibinabalita sa objektibong pamamaraan. Walang halo. Aniya, may mga pagkakataon kasi sa mga palatuntunang pambalitaan na laging may hirit na “side-comment” sa kada news item na dine-deliver. Halimbawa:

ISA ANG PATAY HABANG APAT NA KATAO PA ANG SUGATAN SA SALPUKAN NG MGA SASAKYAN SA EDA. (NAKU PO!) IYAN PO ANG IUULAT SA ATIN NI *NAME OF REPORTER*.

Kahit kasi sa mga simpleng ekspresyon tulad ng nakapaloob sa parenthesis, ay mahahalata mo na kung ano ang istilo ng balita. Kung ito ba ay isang objective o subjective. Kung walang halong emosyon ba (as in straight) o mayroon.

Siguro may nga natitira pa na mga straight newscast type of program dito sa media ng Pilipinas. Maliban pa iyan sa isang programa na pinapanood ko sa studio nun mismo. At yun pa ang panahon na nag-o-OJT ako sa isang istasyon sa Broadcast City at ang mga kaklase-slash-practicumer ko ay ang mga FD o Floor Director sa ilang mga pag-ere nun.

At siguro, kung hindi maiwasan an haluan ng komentaryo ang balita, dapat tularan nila ang isa sa mga newscast ngayon na may nilaang segment para ditto. Kung hindi ako nagkakamali, “editoryal” yata ang tawag nila dun. Kasi kung ilalahad mo yan sa pagkatapos ng programa, well, malabo ang dating e.

Tama lang. dapat magakahiwalay ang balita sa opinion ng mga tagapagbalita. Kaya nga may mga commentary program, ‘di ba? Sa lakas at lawak kasi ng kapangyarihan ng mass media, e kaya nito impluwensiyan ang sinuman sa lipunan. Lagyan natin ng “thin line,” please?

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!