Babala: maaring hindi lahat ng mga bagay na nangyari noon ay mailalahad sa blog na ito. Kung may kulang man, puwede niyong idagdag sa pamamagitan ng pagkumento sa blog post na ito. Salamat.
Kweeeeeestiyun! Este, Ang tanong…
paano kapag ang batas militar ay umiiral pa rin hanggang ngayon?
Oo nga naman. Sa panahon na
sinusulat ko ito, eksaktong 40 taon na o apat na dekada ang nakalilipas mula nung
idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos sa bisa ng proclamation No. 1081 ang
batas military sa ating bansa?
Pero sa katunayan, mataas pa rin
tayong mga sibilyan ‘pag nagkataon. Dahil sino ba ang commander-in-chief ng
Sandatahang Lakas? Isang civil officer na ang titulo ay “presidente.” Sa
malamang, marami ang mababago sa takbo ng panahon kapag nananatili ang Martial
Law sa ating bansa sa panahon ngayon. Ang mga tanong nga lang ay…
May mga tao pa ba na tahasang mambabatikos sa pamahalaan, ke sa
pulitka man o sa mula sa hanay ng mamamayan? Eh bawal ang kilos protesta nun.
May mga bus pa ba na bi-biyaheng Escolta? Yung LOVE BUS na
tinatawag nila na naging MMDA Prison Bus na yata ngayon. At wala na yata akong
nakikita na ganun eh.
May magre-raid pa ba sa tinatawag nila na Maalikaya? Sabagay, meron
namang Yes at Jaca na malapit sa mga paaralan sa Maynila.
Baka magiging boring ba ang nightlife natin niyan? Dahil tutumal
ang bentahan ng mga “open 24-hours daily” na business tulad ng mga convenient
store, fastfood chain, ultimo ang mga franchise na burger stand, at kahit ang
mga gimikan sa Tomas Morato, Malate, at kung saan pa. Teka, kawawa naman yung
mga nagtatrabaho sa graveyard shift, lalo na dumarami ang mga ganito sa BPO
industry.
Magiging numero uno ba ang Pilipinas sa basketball niyan? Dahil
tayo ang nagtatag ng pinakaunang pay-for-play na liga sa Asya e. Hindi na ba
tayo mahihigitan ng mga tulad ng CBA, at ABL na taliwas a mga nangyayari ngayon?
Kikita pa ba ang Pilipinas ba sa boxing events, maliban pa sa mga laban
ni Manny Pacquiao? Dahil sa Thrilla In Manila
noong Oct. 1, 1975, nagkaroon ng matinding marka sa mundo ang the Big Dome.
Nakilala ito.
Magiging mababa pa ang presyo ng mga bilihin sa atin? Mantakin mo
ha, ang magasin na Liwayway, parang nasa piso lang ata. At ang halagang kaya
mong mapanalunan sa Eat Bulaga na nagkakahalagang sampung libong piso noon? Aba , magkano kaya ang
katumbas na iyun ngayon?
May Flavor of the Month pa ba kaya tayo na matitikman? E ang pinakagusto
yata ng karamihan na ice cream, ay Magnum at 50 piso pa ang benta. Cheapest
alternative: Sorbetes at Cornetto.
Baka ‘di kaya ma-censorize ang ating pakikipag-text nito? A la
non-verbal version ng “wiretapping” sa call? At oo nga pala, magakaka-curfew din ba kaya ang mga
unlimited services?
Makakapag-Facebook, Twitter pa ba tayo kung may Martial Law? Makakabira
ka pa ba ng TANGINA THIS! Kapag nauurat tayo sa mga mapapel na pulitiko
tulad ni… ops, ‘wag, RA 10175. Pero sa malamang kung mangyayari yun, regulated
na kasi ang internet.
Makakapanalo ba tayo ng award sa Cannes Film festival at kung saan pa
sa sulok ng mundo? (in words of Jun Sabayton, "PUNYETA! Pa’no tayo mananalo
sa Cannes
niyan?") Kasi kung mapapansin niyo, maraming magagandang mga obra na gawa ng
ating mga kababayan noon. Dati, tinitingala sa pinilakang tabing ang mga gawa
ng isang Lino Brocka. Inaabangan ang pelikula ni FPJ sa sinehan at John En
Marsha naman sa channel 9. Ang “walang himala” ni Nora Aunor, may English at
Japanese subtitles pa. ngayon, saan mo makikita yan, sa mga pirated DVD ng mga
banyagang pelikula muna? May mga tao ba na hahanga sa mga akda ni Ricky Lee na
ginagamit sa mga pelikula?
Magkakaroon ba tayo ng mga makabayan na tema ng musika sa mainstream?
Kung dati, patok na patok ang folk pop music nila Joey Ayala, ASIN, Ka Freddie
Aguilar. Ngayon, anyare? Pipitsuging pop na yata ang nauuso. Ang mga Macho
Gwapito ng Rico J. Puno, ipangtatapat ng mga bata ngayon sa kanilang mga
iniidolo na hindi pa naman ganap na hasa sa pagkanta? Loko ha. Ang “rock and
roll” swagger ni Pepe Smith, hindi kaya itapat sa mga jejemon na feelingerong
hip-hop. Pero hindi po patay ang OPM ha?
Magkakaroon pa ba kaya ng mga late night event tulad ng after party
at ultimo ang rap battle na inaabot palagi ng madaling araw ang pagtatapos ng
isang event? Alalahanin mo, may curfew nun. At ang KJ naman ng dating kung
effective 10 minutes before 12 midnight e pack up na no. Pero actually umeron
din namang ganyan dati e.
May mga tao ba na titira sa mga cloverleaf? Kung hindi mo alam ang
terminong yan, isipin mo… flyover o overpass yun.
Mababawasan ba ang traffic sa EDSA, C5 at sa kung saan pang kalsada
dahil sa maraming mga balasubas na motorista, ke pribado man o pampublikong
sasakyan ang minamaneho.
Masasampulan ba ng dahas ang mga road rager tulad ni Roebrt
Carabuena? At magkakaarmas kaya ang mga
MMDA enforcer na tulad ni Saturnino Fabros?
May travel ban pa ba kaya? O mauuso pa ba ang It’s More Fun in The
Philippines kung masyado naman tayong stirkto? Pero kungsabagay, epektibo nga
ang disiplina sa turismo ng bansang Singapore . Tignan mo sila.
Mahuhuli ba ang mga mas mautak na kawatan at tampalasan sa kalye niyan?
Lalo na sa gawing Kalookan, Commonwealth, Cubao, Tondo, Guadalupe at Pasay
Rotonda at kung saan-saan pa? At may mga mala-ghost rider ba tayo na makikita
na hahabol sa mga bwakananginang riding-in-tandem niyan?
Ang mga imprastraktura ba, masasabing pinagkagastuan o pinahalagahan
ang buwis ng mamamayan? Dahil tignan mo ang ilang mga proyekto diyan
ngayon, alam mo kung ano na lang ang kaaya-ayang tignan? Yung billboard… kaso
minus the politican’s name and face nga lang. Kala mo pera nila ang pinambayad
diyan oh. Pero yung billboard lang, anyare sa talagang proyekto?
Dadami din ba ang tao sa Metro Manila ?
Alam ko na talagang dadagdag ang populasyon natin e, pero hindi tulad ng ganito
na imbes na mas maging urbanisadong lugar ang Kamynilaan, e… asan na nga ba?
Mas humirap lang yata tayo imbes na mas maging progresibo.
Magiging mas handa ba tayo sa mga kalamidad na tulad ni Habagat,
Queenie, Reming, Milenyo, Ondoy, Pepeng, Pedring at Sendong? At isama mo na
diyan ang lindol sa Luzon, Samar at Negros ,
pati ang pagsabog ng bulking Pinatubo. Mawawala ba ang mga nag-iskwat sa
Manggahan Floodway na isa sa mga dahilan kung bakit uncontrollable na ang bahas
a Kamaynilaan?
Dadami ba lalo ang kaso ng human rights violations niyan? Usapang
writ of habeas corpus o writ of amparo ba.
Marami bang magaganap na lawless violence? Aba , possible kung masyado mahina ang numero
ng police-to-citizen ratio.
Kung may Martial Law pa rin
ngayon, teka, automatically sign off ang radyo at TV sa alas-dose niyan? (tama
ba?) Ay, boring yata nun ha. Walang tututkan na In The Loop
o Wild Confessions?!
Masusugpo ba natin ang corruption? Hmm… hirap niyan. Actually,
madali magsalita, pero mahirap panindigan.
Magiging dispilinadong mamamayan ba tayo? Yan ang talagang tanong
ko. E sa sobrang laya kasi natin e tila wala na sa ating mga bokabularyo ang
salitang DISIPLINA.
Ang dami kong tanong ‘no?
Pasensya, sadyang curious lang po. Hindi kasi ako maituturing na Lartial Law
baby e. Na-curious lang ako bilang bata sa mga nangyayari sa mga nakalipas.
At oo nga pala, kung may martial
law ba ngayon, magba-blog pa ba si SlickMaster? Baka nga hindi pa magkakilala
nun ang mga magulang ko at kung mabuhay man ako, sa ibang katauhan naman.
Walang makapagsasabi.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight
productions
Kung magka Martial Law ulit, ang daming mapapatay dahil sa ipinapahayag ng kanilang opinyon at paglalahad ng katotohan ukol sa gobyerno natin. Mukha lang tayong malayang nakakagalaw sa labas ng mga tahanan natin pero binabantayan tayo ng mga sundalo sa bawat kanto ng mga kalsada na nilalakad natin. Wala tayong gimikan sa gabi dahil may mass curfew, pag ikaw nauhuli depende pa kung ikaw ay dadalhin sa presinto or bigla nalang papatayin dahil lumaban ka.
ReplyDeleteMalamanag napanood mo na ang Dekada'70, kasi doon na pinakita ang pangit na katotohanan ng Martial Law.
Sasabihin ko, pag nagkaron parin ng Martial Law ngayon, wala tayo ngayon sa kinatatayuan natin.