Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

30 September 2012

WHERE’S THE MESSAGE?


Lumaki ako na ang musikang madalas pakinggan ay ang mga may makabuluhan na nauuso pa kahit papaano noon. Iyan ay sa kabila ng mga naglalabasang mga mahahangin sa mainstream. Ngayon, napapatanong na lang ako. Nassan na kaya ang mga ganitong musika? Ito dapat ang mas pinapakinggang ng karamihan kesa sa mga halatang pasikat kahit hindi pa ganun kahasa e. Sensible music, ika nga. Ang art noon, hindi lang may commercial value, may moral value din. Kaya astig talaga kung maituturing. Iyun nga lang, mas madalas ito makita sa mga larangan na hindi na saklaw ng mga nauuso.

Pero alam ko na mayroon pa naman sa pop culture na may ganitong tema e. Yung mga may dating alaga. Hindi dahil sa mababaw na aspeto tulad ng astig na rhythm o beat, o ‘di naman kaya’y yung mga madaling kabisaduhin yung mga salita ng lyrics. Kundi dahil sa mga may mga magagandang kwento sa likod nito. Yung tipong may mapupulot ako na may kaututran at matututunan, kahit sa kabila ng mga katarantaduhang mga binibigkas ng mang-aawit. Yung talagang masasabi na may replay value.

Alam ko, meron pang mga ganitong klaseng bagay sa panahon ngayon. Though ang isa sa mga pinakapatok noon ay ang kanta ng Black Eyed Peas na “Where is the Love?” Akala ko nga nung una e, panay romantisismo na naman ito e (love e). Pero ‘tol, ‘wag ka.
Song with a message pala ito lalo na sa panahon noon na nagkakagiyera ang Estados Unidos ng Amerika at ang ilang mga bansa sa rehiyon ng Gitnang Silangan na sakop ng kontinente ng Asya. Kaya nga naging isa ‘to sa mga top hits sa mga music charts, at numero uno ito sa mga istasyon ng radio sa Kamaynilaan. Sa akin ngang pagsubaybay sa mga yearend countdown dito sa nakalipas na mga taon, parang ito lang yata ang number one hit na talagang “worth the slot.”

Kung pag-uusapan ang musika ngayon, well, hindi ko pa alam. I mean hindi ko tuluyang mahuhusgahan ang pangkalahatan pero kung sa mainstream lamang ang sentro ng ating talakyan, e unti-unti nawawala na ang mga ito e. Parang tama pa nga ang nabasa ko na isang tweet noon, na nagsasalaysay na halos lahat na ng mga kanta sa pop music ay may kinalaman sa sex. Kung hindi man ang akto ng pag-roromansa, e iyung mga romantikong pag-ibig naman ang tema, ke kasawian man yan o pakikipagsuyuan. Pero sa totoo lang, ganyan talaga ang environment ng pop culture e. Ika nga ng “Deep Black Lyrics” episode ng Word Of the Lourd, (hindi mans a eksaktong alita) sadyang pang-mababaw lang talaga ang pop culture. Instant satisfaction, maikli ang shelf-life, may expiration date na nilalaan bagamat hindi ito literal na makikita tulad ng mga tinatangkilik nating mga pagkain mula sa groceries. Kaya mabilis itong lilitaw at mabilis din itong lulubog.

Pero either way kasi magaganda talaga ang mag kanta dati sa larangan ng popular na kultura kesa sa ngayon e. At kung may mga pangalan man nag makakapagpatunay na mali ang tweet na iyan (pati na rin ang paniniwala ko) e yun yung noong panahon na nakakapakinig pa ako ng mga kanta nila Rico Blanco, Raimund Marasigan, Francis Magalona, Gloc-9, at iba pa hanggang ngayon. Kung sa underground man, marami e bagamat hindi ko pa napapakinggan ang lahat ng puwede kong mapakinggan doon.

Kaya nga minsan, mas gugustuhin ko pa ang magpaka-aktibista sa musika kesa sa magpadala sa mga ligawing tugtugan. Hindi dahil sa nasusuraan na ako, kundi dahil sa tila wala nang kaaturya ang ilan sa mga ito. Kumbaga sa aktwal na pag-ibig, nasobrahan na. Obsessed na. Kaya kahit hindi ako talentadong mokong… este, tao pagdating sa musika ay isang bagay ang gusto kong mailahad. Suportahan ang mga may makuabuluhang musika. Oo nga. Support sensible music.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!