10/25/2012 02:31 PM
Usapang “arts” ba, as in classical versus digital? Patay
versus buhay? From 3-dimensional to the simplest form made from Photoshop?
History versus advertising? Ewan.
Noon, rebulto ang pinakamagandang bagay na magsisilbing
larawan ng alaala ng isang tao na may naimambag sa lipunan. Ang istatwa na
pinaghihirapan ng mga iskulptor sa pamamagitan ng pag-ukit. Madalas ay gawa
ito sa mga matitigas na materyales tulad ng semento, marmol, graba, at tanso. Sa mga pampublikong lugar sila nakikita.
Pero kung sa tingin mo na ang isa nang ganap na perpektong halimbawa sa larangan ng sining ang mga tinatawag na monumento, diyan ka nagkakamali. Iyan din ang akala ko e.
Dahil may mga pagkakataon na sa sobrang pagiging mitikuloso ng iilang mga tao
ay nagkakaroon tuloy ng maling pagkakaintindihan.
Parang yung istatwa ng dating Manila Archbishop na si Jaime
Cardinal Sin noong inilatag ang ika-25 anibersaryo ng EDSA revolution. Marami
ang pumuna sa naging kontrobersyal na rebulto, na aniya ay hindi raw eksakto
ang paglalarawan ng mukha sa namayapang pari.
Ayon naman sa taong gumawa nito na si Eduwardo Castrillo,
nag-eksperimento siya sa paggawa. Aniya,
pinaghahalo lang daw niya ang mukha ng bata at matandang arsobispo.
Pero kung sa rebulto ay inuulan tayo ng batikos, e paano pa
kaya ang modernong paglalarawan tulad ng tarpaulin?
Since in memorial ang mga ito ay nagsisislbing agaw-eksena
ng atraksyon sa mga malalaking kalsada sa Maynila at pati na rin sa ibang mga
lalawigan na dinadaan ng mga Expressway o yung tinatwag na Pan-Philippine
Highway na mas kilala rin bilang Daang Maharlika kung ikaw ay nasa Norte o National
Highway kung ikaw naman ay pabandang Sur. Billboard pa nga ang pormal na tawag sa
mga ito.
Pero mas magfocus tayo sa mga maliliit na bersyon, yung
literal… as in tarpaulin talaga. Halos wala ka naman makikita na mga larawan ng
mga bayani dito ha… o kahit ang mga kilala sa lokalidad na personalidad pa.
Pero bakit nga ba na mas naglipana ang mga ito kesa sa mga tipikal na
pag-larawan na kung tawagain ay istatwa?
Madali lang kasi yan gawin; as in mag-pagawa ka lang at sa loob ng
ilang oras… at presto! Kaya ito ang karaniwang mga bagay na mas makikita mo. Sa
mga probinsya, marami d'yan ang nakasabit sa banderitas sa taas ng highway na
naglalarawan. Gaya nito:
“Congratulations, Juana Dela Cruz for passing the Architectural board Exam 2012, from your loving Dela Cruz family.”
At kung sa mga lungsod naman gaya ng Maynila, kung hindi
ang mga naghihiganteng billboard ng mga seksing endorser ng mga produkto, ay mga
pulitiko naman na tulad nito:
“Construction of J.P. Rizal Street, Made possible thru Congressman “Balong” Balongan.”
Hmm… pero nung tingnan mo ang kalye mismo ay mas magaspang pa sa mga rough road ng probinsya ang itsura.
Wow, ito ang pinakaprimerong example sa kasabihang “This is
where your taxes go.” At tama ang isang senador, na dapat ipasa ang batas niya
na magbabawal sa kung anong kabaduyan (pero sablay naman) sa isang politician.
Tignan mo nga ang kuya mo, wala kang makikita na ganyan.
At noong may mga personalidad ang namatay sa nakalipas na
mga taon, halos wala naman na istatwa ang naitayo. Alam mo kung ano? Mga
naglipanang tarpaulin lang na naglarawan ng pasasalamat. Pero dumating din ang
panahon na ginagawang tolda na lamang ang mga ito ng karamihan na nag-iiskwat.
Kaya ito ang mga tanong ko: aanhin pa ba ang rebulto kung
tarpaulin naman na ang uso? At sa totoo lang ba, likas ba na maalahanin ba tayo
sa mga magagandang bagay sa nakalipas, o sadyang mas mahihilig lang din tayong
pumansin sa mga “epal” sa lipunan?
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!