(Photo credits: francismagalona.multiply.com) |
Isang alamat na maituturing. Isa sa mga tao na nakapagpabago o humubog ng takbo ng musika sa Pilipinas. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa kanyang
mga kanta na nagsasalamin sa iba’t ibang mga tema at mensahe? Nakipagsabayan kila
Andrew E at sa mga tulad ng bandang Rivermaya at Yano noong Dekada ’90? Ang
nakasama nila Ely Buendia ng Eraserheads, ang bandang Greyhoundz, Si Chito
Miranda at ang kanyang Parokya ni Edgar, ang grupong Death Threat na
kinabibilangan ng isa sa kanyang mga nagging kaibigan at tagahanga at ngayon,
ay sumusunod sa yapak niya na si Gloc-9?
Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Francis Magalona sa
indistriya ng musika. Napakalupit lang.
Siya ang nagdala (kung hindi man isa sa mga nagdala) ng musika ng rap at
hip hop sa mainstream side ng Pilpinas noong late '80s pa lang, bagay na panibago sa mata
ng mga tao dun dahil ilang taon na pala ito sa bansa noon. At sa isang
pambihirang pagkakataon, napagsama niya ang mga genre ng rap at Pinoy rock
noong kalagitnaan ng dekada ’90 sa tindi ng mga mensahe na may kinalaman sa
pulitika, lipunan, buhay at iba pa. Maliban pa diyan, nabuo nya ang mga bandang
Hardware Syndrome. At marami pang mga artista ang sinama sa kanyang mga
collaborations, mula kay Joey Ayala, Ryan Cayabyab, Mike Hanopol, Andrew E,
Michael V at sa mga bandang Eraserheads, Parokya Ni Edgar, Greyhoundz, rapper
na si Gloc-9 at sa iba pang mga pangalan sa OPM, sikat man o pasikat pa lang.
Ilang mga parangal ang nakuha niya mula sa iba’t ibang grupo
at ahensya na nagbibigay pagkilala sa musika. Bagay na nagbigay sa kanya ng
mataas na respeto sa makabagong kultura na tiula hindi pa ganun katanggap ng
karamihan, maliban na lang kung ikaw ay batang ipinanganak noong dekada ’80 at ’90.
Maliban pa diyan, isa rin siyang breakdancer, aktor sa
telebisyon at pelikula, host sa Eat Bulaga, naging hurado sa Philippine Idol, direktor
ng mga music video, DJ sa istasyon ng radio na 89.1 DMZ, nagging pinakaunang
Filipino VJ sa MTV, at naging miyembro pa nga ng That’s Entretainment, at Bagets
2. Astig din pala na maituturing ang naging takbo ng karera nya sa pagharap sa
kamera, ano.
Sa tindi ng paghubog niya ng hip-hop sa Pilipinas, maraming
pangalan ang nabuo at nakilala mula noon pa man. At marami rin siyang nahubog
na mga talento sa nasabing indsutriya tulad nila Marlon “Loonie” Peroramas ng
Stick Figgas sa pamamagitan ng isang segment sa Eat Bulaga na Rap Public of the
Philippines. Ang tindi lang.
Sa panahon ngayon na iilan na lamang ang mga akda musika na
may kahulugan, ang hip-hop na mas nakikita sa mga videos ng rap battle league
na FlipTop, mas maganda pa rin ang balikan ang mga nagdaang dekada at sariwain
ang alaala ng kalupitan ng musika sa Pinas. At isa sa mga ito, ay hindi
makakaila, ang pagra-rap ng isang Francis Magalona. Kahit 3 taon na siya
namaalam, at kahit 48 taon na pala siya sa araw na ito.
Sources:
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!