01 October 2012

Deprivation to “Freedom of Speech” or “Freedom to Abuse?”


Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming umaalma ng “no more freedom of speech?!” sa mga Pinoy na laging naka-online pagdating sa usapin ng cybercrime act. Kahit po ang inyong lingkod ay tumutuligsa sa mga probisyon ng electronic libel. Oo nga naman, bakit parang pipigilan mo kami magsalita?

Sira ba ‘tong mga ‘to? Parang literal na sinungalngal o nilagyan mo ng busal ang mga bibig naming niyan. Pa’no ka aaksyon kung hindi mo alam ang mga hinaing ng mga kalipon mo. At… oo nga pala, akala ko ba kami ang boss mo, at hindi ka pwedeng makinig sa mg utos namin? Labo.

Pero, ang punto kasi, pagdating sa mga panukalang batas, kadalasan ay pumipirma lamang siya bilang punong ehekutibo ng bansang ito. At may veto process na sinusunod kung sakaling hindi aprubahan.

(Ayun ito sa usapan namin ng isa sa mga followers ko sa Twitter na itatago ko sa inisyal na I.M.A., ito ang mga posibleng pangyayari at pamamaraan  sa estado ng pagpirma at ng veto process)



1st way: Isa-sign ng president within 10-day period then balik sa congress for ratification.
2nd way: Hindi niya pipirmahan pero may veto message and reasons, buong bill yung dapat yung i-reject and not specific amendments then pass ulit sa Congress within 10 days.
3rd: hindi siya pipirma dahil adjourned ang Congress.
4th way: pocket veto, habang adjourned yung Congress, balewala na lang then magpapasa ulit ng panibagong bill, if nag-resume na.

Unless, 'pag wala masyadong angal si Kuya, deretso na yan  sa pirmahan at pag-implementa.

Unconsitional! Yan ang bira ni Senator TG Guingona. Oo nga naman, e ‘di ba bilang mamamayan ng bansang ito, may Bill of Rights tayo at isa sa mga nakalagay dun ay ang kalayan natin na magsalita o maglahad.

Pero hindi baka naman kaya nagkaroon ng ganitong batas ay dahil abusado na rin ang ilan sa atin? Napansin ko rin kasi na ang daming mga abusado sa mga social networking sites. Mga barbaro kung maka-asta, mga balasubas kung makapagsalita, lalo na kung ayaw nila ang mga artikulo o post na nabasa nila. At karamihan pa sa mga ito, katakut-takot na mura ang mga wini-wika.

Not to mention, marami rin kasi ang mga mapupusok na kabataan sa internet, mga taong hindi pa nila tuluyang naiintidihan ang mga pinagsasabi nila kahit sabak lang sila ng sabak sa kada thead o usapang pinapasok nila. Kung makapagbanta sa mga kaaway nila, daig pa ang mga tunay na kawatan. Pambihira.

Pero dapat kasi matuto din tayo na walang bagay sa mundo ang tinatawag na “absolute freedom.” (Ano ka, Diyos?) At ika nga ng palabas na Spiderman, “with great power comes great responsibility.” Ang lakas kaya ng kapangyarihan ng anumang salita na nilalahad natin, lalo na sa panahon ngayon na napaka-accessible na ng internet sa atin. Kaya kahit ang ultimong “hehehe!” ay kaya nang i-build up ang isang bagay o sirain naman sa kabilang banda. Oo nga pala, ayon kay Sen. TG, ang ultimong “hehehe” ay posibleng makapagpahamak sa iyo lalo na kung agree ka sa isang post na sa mata ng iba ay libelous. Ouch!

At hindi porket tila libre na at malaya tayong gumamit ng mga bagay tulad ng internet ay aabusuhin na natin ito ng sobra-sobra. Alalahanin mo, lahat ng mga kalabisan na bagay ay nakakasama.

Kaya isang leksyon na maituturing din ito sa karamihan… na maging responsible sa mga sinasabi. Tama din kahit papa’no yang wika na iyan ni Spokesperon Lacierda.

Author: slickmaster | Date: 09/30/2012 | Time: 9:32 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.