15 October 2012

Girls Versus Boys? Tigilan na natin ito.


Punyemas. Maraming bagay pa ang dapat na pagtalunan. Usapin sa mga nangyayari sa bansa, desisyon sa pamilya, pagresolba sa mga sigalot sa komunidad, utang ng kamag-anak… pero pagdating sa mga suliranin sa relasyon? Kung sino ang manloloko, kung lalake ba o babae? Kung sino ang maarte, madalas nagbibigay-daan? Nagpaparaya? Mang-aagaw? Aba, utang na loob naman. Magsiawat nga kayo, ano po?!

Since time in memorial pa yata ang isyung ito. Hindi na mamatay-matay, lalo na ang dami nang nagiging mapusok sa salitang “pag-ibig,” e hindi rin naman ganap na naiintindihan ang mga bagay-bagay sa isang relasyon. Dapat yata malaman ng mga putok sa buhong ito na sa malamang, maraming pagkakaiba ang lalake at babae, hitsura man o pag-uugali. May mga kanya-kanyang kakayahan sila Adan at Eba. Bagay na hindi kayang gawin ng mga babae ang ginagawa ng mga lalake at may mga bagay na kayang gawin ng lalake ang mga ginagawa ng babae.


Sabihin na natin na mas matindi si Ate kasi nanganganak siya, nagkakaroon ng period pa. Pero sa kabilang banda, hindi naman magkakaanak ang babae kung hindi dahil sa lalake. Buti sana kung may mga paraan pa dyan maliban sa pakikipagtalik o (sya, sabihin na natin ng straight) sexual intercourse. Pero hindi usapin ito ng panganganak.

Boys vs. Girls sa isang relasyon. Girls versus Boys, whichever suits your taste. Bakit nga ba pinagtatalunan ito? Dahil natural sa atin ang maging gutom sa mga kasagutan sa mga lahat ng problema natin sa buhay? Ewan, pero puwede na rin.

Dahil likas na may fault finder sa atin, mga naghahanap ng butas. Tkea, kung butas lang din naman ang usapan at hinahanap e ‘di sana sa mga manhole na lang ‘tong mga ‘to. Pambihira naman oh. Ay, mali. Dahil uso rin naman ang pangtitrip ng tao sa Facebook, ‘wag ka nang lumayo.

Pero siguro, ang mga sigalot tulad niyan ang isa sa mga patunay na hindi tayo perpektong tao sa mundong ito, kahit magpaka-perfectionista ka pa sa pag-uugali mo. Natural na magkakamali tayo sa ayaw man o sa gusto natin (bagamat maiiwasan din naman ang nauna kung kakayanin). In short, “human nature” na rin.

At sa isang relasyon, ke romantiko man o friendship lang, e hindi ba dapat ay ginagalang ng bawat isa ang pagkakaiba nila? Inuunawaan din ba. Ngayon kung hindi mo magawa ang lahat ng iyan sa kanya, e ewan ko lang kung may karapatan ka talagang manumbat.

Kung parte ng buhay niya ang mag-inarte, tanggapin mo. At kung sumosobra na, hindi mo kailangan iyan isumbat sa kanya, lalo na kung nagkahiwalay kayo. Kaya nga uso ang salitang ”usapan” hindi po ba?

Kung usapang manloloko na naman ito, aba, ganito lang kasi yan e. Hindi yan magloloko kung wala kang ginawang masama sa mata niya. Maliban na lang kamo kung… well, likas na sa kaniya ang gawain na iyun.

Baka naman nagger ka kasi, at yung taong masuwerte na nahumaling sa iyo ay hindi pala trip ang mga “nagger.” Good luck talaga sa iyo.

At oo nga pala, kung panunumbat lang naman ang usapan kung si lalake ba o si babae ang may problema sa isang relasyon, ito ang pinakabatas diyan: huwag gumamit ng mga “generealization statement.” May kanya-kanyang baho ang bawat tao, maliban na lang kung sadyang malinis siya sa loob man o sa panlabas. Pero yun ang kailangan mong tanggapin, unawain at pag-usapan ng masinsinan.

Isama mo na rin diyan ang katotohanan na “no one wins in an argument.” Sa madaling salita, walang sinuman ang nananalo sa isang pagtatalo. Kaya nga “pagtatalo,” ‘di ba? Talo nga e.

Tama na nga yang gender-and-relationship issues na iyan! Pambihira naman oh.

author: slickmaster | date: 10/13/2012 | time: 09:36 p.m.

© 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.