10/19/2012 04:31 PM
Pedestrian lane. Isang lane sa kalye na nagsisilbing tawiran
ng tao. Basic na ito sa klase ng tinatawag na road traffic. Dito ka lang
pwedeng dumaan kung ikaw ay isang pedestrian. At kung motorista ka, alam mo na
dapat igalang mo pa rin ang nasabing tawiran ng tao.
Pero parang isang masalimuot na usapin ito. Dalawang bagay
lang kasi: una, marami rin kasi ang abusado na mahilig tumawid sa mga kalsada
na hindi naman pwedeng tawirin, lalo na kung mayroon naming footbridge o
overpass diyan. At pangalawa, sa panig naman ng mga drayber, hindi marunong
gumalang sa mga taong tumatawid sa pedestrian lane.
Ngayon, kung may jaywalker ka at sa kabilang banda naman ay
meron kang mga humaharurot para lang mabansagang hari ng kalsada, aasahan mo ba
na titino ang karamihan ng mga tao sa kung saang mga kalsada ng Metro Manila
kung hindi naman marunong na magsiintindi ang mga ito sa mga tinatawag na batas
ng lansangan? Ay, oo nga pala. Uso ba para sa kanila iyun, o ni alam ba nila na
may mga ganun klaseng alintuntunin na dapat nilang sundin?
Sa isang lipunang malaya na tulad natin, ang batas ang isa
sa mga pinakakalaban ng ating sistema. Ayaw ba ng disiplina, o sadyang
matitigas lang ang ating ulo… ewan ko.
Kung paniniwalaan ang minsa’y winika ng dating Metropolitan
Manila Development Authority Chairman na si Bayani Fernando, na “ang isang
kalye sa Metro Manila ay sumasalamin sa estado ng buong bansa,” may sagot naman
ang isang satirista sa pangalan ng isang Lourd de Veyra, na ang sabi niya ay
ang isang kalsada sa kalakhang Maynila sa panahon ngayon ay resulta ng isang
hindi epektibong pag-implementa, sobrang outdated na batas, hindi efficient na
bureaucracy, myopia sa parte ng gobyerno, korapsyon (of course) sa lahat ng
aspeto, at mga mamamayan na nagpapakita ng angas sa mga alagad ng batas.***
Kung hindi winawagayway ang gitnang daliri, naninindak a la Robert Carabuena.
Ito pa ang hirap diyan e. Kung nag-jaywalk ang isa at
nasagasaan a la hit and run… maari nating sabihin na may kasalanan talaga si
mamang tsuper na tinakasan ang kanyang nasagasaang biktima (dahil kahit ano pa
ang sabihin natin, matimbang pa rin ang buhay ng tao), pero hindi ibig sabihin
nun na walang ginawang pagkakamali ang nasagasaang jaywalker. Ano ba ang silbi ng
mga apparato tulad ng over pass o ang mga paalala na tulad ng “Bawal Tumawid
Dito” in the first place, ‘di ba? Quits.
Whereas kung ang isa ay nasagasaan habang patawid sa
pedestrian lane, wala siyang sabit. Ang ogag na manehador ang may sala talaga.
Sa totoo lang, hindi kailangan na ipasara ang mga center
island sa anumang mga highway at gamitan pa ito ng mga tinatawag na Green
Fences (Pink noong kapanahunan ni MMDA chairman Fernando); ang kailangan ay
hasain pa ang pangil ng mga ito. Given na ang hindi mataas na parusa pero bago
niyo tingin ko kailangan ng leksyon ang mga abusadong pedestrian at drayber to
the textent na dapat ay mapialiwanag sa mga ito ang kahalagahan ng batas sa
buhay nila. Na kahit ilang sasakyan pa ang lukushin mo at laurin a la patintero
with Manong K.M.Tayan, madadale at madadale ka pa rin. At wala nang mas sasakit
pa bilang drayber kesa sa makagsasa ka ng tao, kahit sa totoo lang ay mas
matigas pa ang concrete barrier kesa sa isang mama dyan na parang lantang gulay
naman ang itsura. At samahan mo na ng enforcer na marunong mag-taekwondo at
kayang pumalag sa sinumang mag-aangas na agrabyaduhin ang alagad ng otoridad na
tulad nila.
At tutal, may CCTV camera naman, ang sinumang gagawa ng
kalokohan, ke jaywalking man o speeding over the pedestrian lane yan, ay walang
takas.
***Ang mga nasabing pahayag ay halaw at trinanslate mula sa
artikulong “Attack of the Killer Buses,” isa sa mga artikulo ni Lourd de Veyra
na lumabas sa kanyang blog sa SPOT.ph at nailimbag sa Summit Media books na may
pamagat na This Is A Crazy Planets.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!