Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

31 October 2012

Kung Mamamatay Ka Bukas, Bakit Hindi Pa Ngayon?

10/31/2012 03:07 PM

Aminin mo, tunog misleading ang linyang iyan sa iyo ‘no?

Oo nga naman kasi. Parang gusto mo naman yata mamatay ang taong masasabihan mo niyan. Ayos lang sana kung sa biruan mo gamitin yan. E paano kung, kaaway mo ang pinagsasabihan mo niyan. Baka makasuhan ka pa ng grave threat niyan sa sama ng dating ng mga saltiang iyan.

Una kong narinig ito sa isa sa mga bars ng rapper na si Shehyee sa isang laban niya sa rap battle league na FlipTop noong 2010.

“Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon?”

Hmmm… Bakit nga ba? Dahil hindi ka pa handang kunin ni Lord? Hindi ka pa ba handa na ipasa sa mga anak, asawa, apo ang mga pinagyamanan mo? E hindi mo naman talaga madadala yan kung saan man ang iyong susunod na destinasyon. O dahil nagreresign ka na sa misyon mo sa mundong ito? Sige ka, baka magsisi ka din. Masarap mabuhay sa mundo, ‘no.

May kasabihan na “live each day as if it is your last.” Ibig sabihin, ibigay mo lagi ang best mo sa kada araw na nabubuhay at mabubuhay ka. Oo nga naman, dahil hindi mo naman matatantiya kung kelan ka lilisan sa mundo.

Parang ang dating ay tinaningan ka ng doctor mo dahil sa tila terminal stage na ang sakit na dinaranas mo. Pero ang tanong, mangyayari ba talaga iyun? Mamatay ka ba talaga after six months or so?

May pagkasuicidal tendency naman kapag sinabihan mo ang sarili mo ng ganyan. As in parang gusto mo na lang talaga magpakamatay. At yun ang delikado diyan.

Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon? E kung sa ang sarap mabuhay e. Ika nga, may nagtrending na salitang YOLO, o You Only Live Once. Oo, minsan ka nga lang talaga mabubuhay sa mundong ito kaya ‘wag mo itong wakasan kaagad. Dahil pag nangyari yun, hindi ka na rin makakapagsisi na parang taong nagkamali sa desisyon sa pagpili ng kotseng bibilhin. Pero dahil sa… wala ka na e. Buti sana kung bigla kang bigyan ng tinatawag na second chance to live in just a snap short period of time. E paano kung hindi?

E ‘di goodbye na talaga. (Teka lang. Parang suicide note naman yata ang dating ng ending portion na ito. Tsk.)

Author: slickmaster | © 2012 septmeber twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr.

1 comment:

  1. Ang ganda po ng punto ninyo. Dapat hindi natin 'to sinasabi kaninuman, dahil masakit nga naman masabihan ng ganito.
    Bakit nga naman kasi kailangan madaliin? Ang daming pwedeng ienjoy sa buhay, YOLO pa. Edi dapat talaga natin 'tong pahalagahan. Ang daming gustong mabuhay, para namang nakakabastos kapag nasambit mo yung mga katagang 'yan.
    Gusto ko po talaga mga panulat ninyo, ngayon lang ako nag-comment kasi.. Wala lang, nahihiya po ako. :) Keep up the good work, sir!

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!