Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil at paghihiganti. Iyan
ang nakalarawan sa isang kanta ni Aristotle Pollisco, mas kilala bilang si
Gloc-9, sa kanyang “Hindi mo Nadinig.” Parte siya sa kasalukuyang album ng
nsabing rapper na “Mga Kwneto Ng Makata,” under Universal Records, kasama si
Jay Durias na isa sa mga bokalista ng bandang South Border bilang pagpartisipa
sa chorus part ng nasabing kanta. Napakabigat lang ng nilalaman. Isipin mo na
lang na ikaw yung nsasa sitwasyon na nanligaw ka, nakuha mo siya, naging tapat
sa kanya, pero pinagtaksilan ka, at nung nahuli mo sila, bigla na lang sumabog
ang anumang akto ng kasakiman at paghihiganti mula sa iyo. Inside the mind of
an obsessed lover, ika nga. Round character ang dating.
Unang parte, nilalarawan kung paano niya sinuyo ang taong
minamahal niya. Sa pangalawa, ang estado ng pagsasama nila hanggang sa
unti-unti na nawala ang anumang magagandag bagay ukol dito, hanggang sa
tuluyang napalitan ang pag-ibig ng matinding galit. Ang dating binabalewalang
bagay na pinagtatampo ng sinumang mababaw, sumabog at naglabasan sa isang iglap
matapos ang mahuli sa akto ng pangloloko. At sa huling mga berso, ang tuluyang
paghiganti na sa malamang ay hindi mo sukat akalain na mangyayari rin pala o
kayang gawin ng sinuman na nasa estado na ng pag-iisip at emosyon na iyun. Wala
na ba sa katinuan. Yan ay kung hindi ka pa nakasaksi ng mga tinatawag na “crime
of pssion” sa anumang palabas sa telebisyon o maski na sa realidad.
Ang mga kantang tulad nito ay naglalarawan kung gaano
katindi ang kayang gawin bilang paghiganti ng isang tao, sa ngalan man ng
pag-ibig o hindi man tuluyan. Sabagay, uso rin kasi ang pangangaliwa,
pangloloko, hindi pagtupad sa mga salitang binitawan, sa aspeto ng romantikong
pagmamahal. Kaya hindi na rin kataka-taka kung bakit may nagaganap na ganitong
eksena, kahit isang beses lang sa sampung kaso at sanaysay.
Ang bigat lang ng lyrics, ng istorya, ng nilapat na musika.
Wow. Hindi man ako ganap na panatiko ni Gloc-9 pero ‘tol. Tindi lang e. Yan
lang din ang nagpapatunay na hindi lahat ng kwento sa pag-ibig ay may kaakibat
na happy ending. Dahil napapakatindi ng kabiguan din ang kayang idulot ng
pag-ibig, malamang, ito ang tinatawag na “tragedy.”
Author: slickmaster
Date: 10/19/2012
Time: 01:05 p.m.
© 2012 septmebr twenty-eight productions.
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!