October 3, 2012. Ang petsa na kinatatakutan ng karamihan sa
mga Filipino netizens.
October 3, 2012. Mas nakakasindak pa yata ‘to kesa sa
doomsday kuno na December 21, 2012 para as mga adiks a social networking sites,
fourms at ultimo ang mga bloggers at commenter nito.
October 3, 2012. Ang pang-40 sa 52 araw ng Miyerkules sa
taong ito. Teka, malapit na pala ‘to e. Sa darating na Miyerkules na pala ito!
Pero ano nga ba ang meron sa petsang October 3, 2012 na ito?
Sa October 3, 2012 na kasi ang nakatakdang pagsisimula ng
pag-implementa ng Republic Act # 10175 o ang Cyber Crime Protection Act of
2012. Ito ay 17 araw mula nang pinirmahan ng Pangulong Noynoy Aquino ang
nasabing batas.
E, ‘yun lang naman pala e. Ano naman ngayon? May pakialam at
pakinabang ba kami kung sakaling mangyayari iyan?
Oo naman. Aba ,
naka magulat ka bigla na sa simpleng pagkumento mo sa isang post ay possible
kang makasuhan na paglabag sa cyber crime act na iyan at makulong nang hanggang
12 taon. Iyan ay kung mapatunayan na libelous ang sinabi mo. Kung mapanira ba
ito sa taong kinakausap mo o nilahad mo mismo sa internet.
At siyempre may pakialam ka, at dapat lang hindi dahil
mamamayan ka ng bansang ito, kundi dahil sasagasaan nito ang kalayaan natin na
magsalita. Ang i-express ang ating mga kanya-kanyang saloobin. Isa iyan sa mga
nakapaloob sa ating Bill of Rights.
Maaring nakakatakot. Pero ang tila mas masaklap pa ay hindi
rin malinaw ng husto ang pamantayan sa mga salita. Nagiging mangmang na nga ang
inyong lingkod para lang piltin intindihin ang lahat ukol diyan. Pero… ay,
ewan.
Kaya kaliwa’t kanan na ang mga protesta ng mga netizens,
lalo na sa mga social networking sites. May gumawa na nga ng signing petition
na ibasura iyan. At may mga kilos protesta pa nga yata na gaganapin sa Martes,
Oktube a-2. Sa dalawang bagay lang umiikot ang hiling ng mayorya: (1) ang
i-repaso ang mga ilang probisyon, particular na sa libel, o (2) tuluyang
i-basura ang RA 10175 na iyan.
Grabe, cyber people power ba ang peg? Mukhang ganun nga.
Pero, as usual, hindi naman kasi lahat ng mga tao sa netizens ay may pakialam
talaga. Sing-laya ng realidad ng lipunan natin ang karamihan sa mga internet
users ngayon. At siguro, iyan ang pinakamahirap sa lahat.
October 3. Naku, ingat-ingat na lang tayo. Lalo na siguro
ang mga tulad ko na malalakas bumitaw ng opinyon.
Pero isang bagay lang din ang pinakasigurado. Kung asal-gago
ka rin sa internet, e tapos na talaga ‘yang mga maliligayang araw mo.
Author: slickmaster | Date: 09/30/2012 | Time: 6:34 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!