Yan ang patunay sa isang kasabihan na “lahat ng sobra ay
nakakasama na.” Oo, kahit sa lebel ng mga gusali’t iba pang imprastraktura ang
usapan.
Ewan ko lang ha. Pero sa panahon na umuusbong ang kaliwa’t
kanang mga proyekto sa Kamaynilaan, mapa-skyscraper man o flyover, parang
luamala din ang epekto ng kalamidad ditto. As in, nag level-up din ba, baagy na
talaga naming hindi maganda. Nagsulputan na parang kabute ang mga gusali na
nilaan apra gawing mga unit ng condo, nagkaroon din ng mga magagandang
alternatibong ruta para kahit papaano ay maibsan ang nakakabadtrip na heavy
traffic. Pero dahil sa mga tulad ni Ondoy noong 2009 at noong Agosto, ang isang
simpleng sama ng panahon na kung tawagin ay Habagat, tila na-negate nito ang
mga pagusbong ng mukha sa Metro Manila .
Saklap.
Kaya minsa, naisip ko, deklikado nga pala ang pagiging labis
na developed ang isang lugar. Sabagay, sa nasabing termino nga naman na
“labis,” e matik na masama na rin e, kahit gaano pa kaganda ang layunin.
Pero masisi mo ba ang mga real estate developer, contractor,
at mga inhinyero ukol dito? Hindi totally. Dahil nga sa kanila kahit papaano ay
nagkakaroon ng matinong itsura ang Metro Manila. Mas matino kesa sa mga kinunan
na video sa pelikulang the Bourne Legacy. Yun nga lang, syempre, kailangan may
kaakibat na responsibilidad ang kada proyekto. Hindi lang pangtirahan lang.
Una kong napansin ito sa ulat sa isang newscast ilang lingo
mula noong naghasik ng lagim si Ondoy sa Marikina .
Aniya, sabi ng isang inhinyero nun na nasira ang flow ng tubig dahil sa
nakatayong mall sa tabi ng Marikina
River .
Ayon naman sa isang artikulo na nabasa ko ilang araw matapos
ang delubyo ni Pareng Habagat, nakasama pa raw yata ang”urbanization” sa klima
ng Kalakhang Maynila. Mas naging mainit kesa sa tipikal ang panahon ng summer,
pero mas naging flood-prone sa panahon ng tag-ulan, dulot ng mga pagkaunti ng
mga punong nakatanim at halos lahat na yata ng lupa dito ay nababalot na ng
semento, kaya paano pa makokontrol o makakasipsip ng tubig ang mga puno’t lupa
ang pagbaha sa Kamaynilaan? Isama mo na ang palyadong urban planning, o yung
tinatawag na zoning, nagbabarang drainage system at illegal squatting sa ilang
mga estero. The bottomline? Tayo-tayo rin ang may kasalanan.
Oo nga naman, ano. Parang ilang minuto lang ang buhos ng
ulan, may baha na kaagad. Kung ikaw ay isang commuter at sumasampa na sa gutter
ng sidewalk ang tubig-baha, good luck kung maarte ka pa at hindi tumatawid sa
tubig baha.
Parang ang dating tuloy nito sa akin ay isang masamang kaso
ng hindi balanseng ecosystem. (Pakitama na lang po ang punto ko po kung mali man)
Nagbabago na talaga ang panahon. Ke taste man yan ng tao,
klima at pati na rin ang kapaligiran mo. Maaring uunlad ang isang lugar sa
naglalakihang mga gusali, nagtataasang mga overpass, pero kung hindi naman
natin aalagaan ang kapaligiran at magplano sa mga proyekto ng maayos, tayo rin
ang magiging kawawa sa dulo.
Author: slickmaster
Date: 10/06/2012
Time: 11:39 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!