Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

01 October 2012

Paano silang mga bata?


Magtatanong lang po, tutal uso naman pag-usapan ang batas na ito.

Teka, paano na nga lang ba ang mga kabataan kung ma-implementa ang Republic Act 10175 o ang Cybercrime Protection Act of 2012?

Karamihan kasi sa mga bata ngayon na napapansin ko ay sadayng mapusok. At hindi lang to usapin ng PBB Teens, ha? Sa mundong umiikot ang karamihan sa kanila sa mga aktibidades pagkatapos ng klase gaya ng DotA, walang kwentang relasyon, teenage sex, usapang “crush,” “face-off” sa wall photos ng Facebook, sa mga “frat,” mga pipitusging musika ng popular na kultura, ultimo mga tunog-dyip na hip-hop at iba pa… May mga… well, (err) ganyan, na mga kabatan. Nakikita ko pa ang mga yan base sa mga laman ng news feed ko sa Facebook pati na rin sa Twitter. Karamihan kasi sa mga iyun ay mga tao na mas bata pa sa akin.


Ilang mga senaryo ay yung maghahamon pa ng away, mga parinigan sa status at tweet. Akala mo ang aangas magsalita e wala naman sa tamang porma ang mga tina-type. Pati ang pangalan ng Diyos, jine-jejemon pa. Mahiya naman kayo kahit sa salitang yan lang, ‘oy!

At yung iba pa sa kanila, mapangahas na makikipag-away pa… literal sa mga post. Nasasara ko na lang ang browser ko sa dismaya at sa iwas na makihalubilo ako bilang tagapammagitan sa mga ito. Kahit kasi ituring ka pa ng mga ito na “kuya” sa mga ito, e hindi ka naman talaga sigurado kung makikinig ang mga ito. Wala itong pinagkaiba sa sirang-plaka na sermon. Entrance sa left ear, exit sa right. At, bakit ka nga ba makikialaam, ‘di ba?

Oo nga, paano na lang kung maiimplementa ang RA 10175 at masasapul din talaga nito ang mga kabataan (as in qualified sa electronic libel at cyber bullying ang ginawa nila), lalo na sila pa mng mas expressive na tao sa social media ngayon kesa sa mga tao na talagang lehitimo o nasa wasting edad para gumamit nito? Kahit sabihin natin na “ay, sus. Slick Master, wa-pakels naman yang mga bata e,” O sige, let’s give that as the benefit of the doubt. Pero ‘tol, sa hanay ko kasi hindi lang karamihan sa mga online friends ko ay ang mga bata, pati na rin ang mga pamangkin ko. Kaya hindi ko rin maiwasan na maging concern lalo na sabay sa uso rin ang karamihan sa kanila.

Kung maimplementa nga naman ang RA 10175 at nagkataon na maaktuhan sa krimen ang mga ‘to? May magagawa ba talaga ang batas diyan, o baka matulad lang din yan sa mga batang hamog sa Guadalupe na iwawagayway ang birth certificate nila and presto, deresto sa DSWD or else, lalaya din. Hindi ko lang alam kung may naka-foresee nito sa mga mambabatas.

Bagamat sa pagkakaalam ko ay mas matimbang ang posibleng kaharapan ng sinuman sa batas na ito. E ayun lang.

Siguro, tama na rin ang sinabi ng tropa ko na katext ko sa usapang ito. Tignan na lang natin ang resulta. Sana lang matuto ang mga bata ngayon dahil mkung hindi, nah, malalaman nila na ang bagay na kinaadikan nila sa internet ay ang tiyak na makakapagpahamak din sa kanila kapag sila ay umabuso lalo. Naku.

Nagtatanong lang po.

Author: slickmaster | Date: 10/01/2012 | Time: 11:48 a.m.
(c) 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!