May kanya-kanyang gimik na rin ang bawat negosyante, lalo na
sa mga supermarket. Hinihikayat nila na gumamit ang mga mamimili ng mga
reusable na bag. At naniningil sila ng karagdagang halaga sa kada supot o
plastic bag na magagamit. Aniya, gagamitin ang anumang makokolekta sa mga
proyekto na may kinalaman sa pagtulong sa naghihingalong Inang Kalikasan.
Hmm… siguro, tama na rin na maisabatas ang pag-ban sa
plastic dahil sa dumarami na rin ang tao sa Kamaynilaan, which means na marami
rin ang mga nagtatapon ng basura kung saan-saan. At karamihan sa mga tinatapon
na ito, plastik. Masaklap na hubo’t hubad na katotohanan nga lang, ano. At
least, sana
naman matuto ang mga tao. Maliban diyan, marami rin kasing hazard sa paggamit
ng plastik sa ating kapaligiran e. nakakapahanak ba little by little. Isama mo
na diyan na matagal-tagal-tagal na panahon ang aantayin mo bago matunal ito a
la natural death.
Pero sa kabilang banda… err, sa totoo lang… tingin ko hindi
dapat sisihin ang plastik dito e. Ano bang kinalaman nila, e ginagamit lang
naman sila ng tao? May mga bagay kasi na mas mainam na ginagamitan ng mga supot
o plastic bag tulad ng mga basang produkto, yelo, karne, pagkain na hinango sa
wet section ng palengke o grocery, at iba pa.
Katulad nga ng sinabi ko kanina, marami rin kasi ang walang
disiplina sa basura. Nasa paggamit din kasi yan e. Parang ugali lang ng iilan
na maihahalintulad na sa… well, plastik.
Well, leksyon na lang sana
sa atin ang mga ganyang bagay, na pangalagahan natin an gating kapaligiran.
Maging maalam sa mga nangyayari at kung gaano katinding pinsala ang kaya nitong
dalhin na makakapahamak sa atin.
Teka, plastik pa rin ba ang usapan ‘di ba? E di lubayan na sana ako ng iilan sa mga…
alam niyo na, mga “plastic.”
Author: slickmaster | Date: 10/13/2012 | Time: 08:58 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!