Kaya hindi puwede sa akin ang isang computer na wala ni
headset man lang, o mas malala, hindi pa pala nakainstalled ang audio driver.
Hindi rin puwede na wala akong naka-istak na CD o mp3 sa library ko. At minsan
pag pinagkait mo sa akin iyan, baka magkamatayan pa tayo niyan (pero loko lang
iyun).
Oo, naging pangarap ko nga ang
maging DJ. Yun nga lang, mahirap paniwalaan dahil hindi naman ako ganun katalak
noong mga panahon na iyun. Basta, ang alam ko, trip ko gawin ang magsalita ukol
sa kantang pinapatugotog ko, introduce yun sa ere, and presto. Isama mo na ang
ilang plug, spiel at commercial break. At tila pinapraktis ko yan sa harap ng
salamin, o sa harap ng PC basta may mikropono at headset na nakasuot at may
Windows Media Player, Winamp, Virtual DJ, o ang sinaunang bersyon ng iTunes na
nakasalang.
May pagkakataon nga na sobrang badtrip ako nun dahil sa
ginawa ng pinsan ko. May segment kasi dati ang isang programa na nagbibigay ng
pagkakataon para sa ilang mga listener nila na mag-introduce ng susunod na
kanta sa kanilang countdown, agad naman akong sumali. Pero noong sinagot ng
pinsan ko, akala niya yung erpat ko ang hinahanap. Kaya sinabi niya “wala po
siya dito.” Noong tinignan ko ang cellphone, nakita ko ang numero ng istasyon
na pinapakinggan ko. Asar na asar na lang ako, buti na lang hindi tuluyang
pumutok ang butsi ko nun. Grrr!
Iyang pangarap ko na ding iyan ang isa sa mga pinakadahilan
kung bakit ako nag-Mass Comm e.
Nag-audition ako ng ilang beses noong nasa kolehiyo ako, at
sa kabutihan, este, pagkamalas-malas na pagkakataon, alaws. Parang nakalimutan
ko yata ang pagiging konyo ko magsalita nun. Ang pagiging maalam ko sa musika
nun. Ang pagiging makapal na mukha at boses ko nun, napalitan ng mababang
self-esteem at nerboyosong personalidad. At least, ilang minuto lang nagtagal.
Pero, sayang pa rin e. Ouch!
Halos nawala na sa isipan ko na pasukin ang industriyang
iyun. Hanggang sa isang araw, na-recover ko ang mga audio files ko. Mga CD ko
na nakapaloob sa dalawang shoe box na ginawa ko palang lagayan nun. Puno nga e.
Lahat ng orihinal at peke, kinompila man o nabili sa bangketa. Hip-hop, rnb,
rock, classic, pop, novelty, ballad, meron ako niyan nun. At ang pinakahuling
nabili at naidagdag pa nga sa koleksyon ko nga yata nun ay ang compilation-album
ni Michael Jackson na pinaka-alala ng lahat ng pinagpaguran ko sa summer job ko
bilang isang encoder.
Maliban dun, may hard drive pa ako na panay mp3 at sound
effects ang nilalaman. Mga halos 20 Gigabyte din yun ha. Isama mo na dyan ang
playlist ko sa mga websites ng imeem at Multiply. Yun ang unang tumabo sa
takilya sa akin.
Hanggang sa hindi ko maretrieve ang imeem account ko, at
nabadtrip na naman dahil… ‘tol. Ikaw ba naman ang magkaroon ng mahigit-kumulang
200 kanta dun, ano. Isama mo na pala dyan nung panahon na nasira pa ang iPod ng
ate ko. Ouch! Wala man lang ako naback-upan ko na mga file mula sa mga Anime
theme hanggang sa mga pangbackground na beat. Asar! At ang jeskeng Hard drive.
Argh. Pagkamalas-malas lang, ano.
Bagamat may mga natira naman ako sa
aking computer at mga plaka, hindi ko rin itutuloy ang maging DJ. Marami naman
pala akong kayang gawin at napamahal sa mga ito. Tulad ng ginagawa ko ngayon,
ang pagsusulat. Tanggap ko na ang katotohanan na sa malamang e hindi talaga
para sa akin iyun. Ayos lang. Tuloy pa rin naman ang buhay e.
Author: slickmaster
Date: 10/18/2012
Time: 10:10 A.M.
© 2012 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!