Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

22 October 2012

SMP Na Naman? E Ano Ngayon?

10/21/2012 12:58 PM

ANG HIHILIG KASI MAKIUSO E!


Malapit na ang kapaskuhan. Sa kabila ng climate change, magkakaroon pa rin ng tag-lamig. At ku ng malaming man ang umaga, siyempre, may magpapainit niyan. Dalawang bagay: (1) kape (o pagkain) o (2) pagmamahal kahit akto man lang ng pag-akap mula sa kamag-anak, kaibigan pero preferebally, mula sa kasintahan. At kun g single ka at loveless… well, congratulations and good luck dahil baka pagkamalan kang klasapi niyan ng tinatawag na SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko.

Pero ano nga ba ‘tong SMP na ‘to? Bakit nagkaroon ng acronym na ganito sa modernong bokabularyo ng mga Pinoy?

Nagmula ito sa isang kommersyal sa telebisyon ng isang brand ng iced tea. Ang istorya ay ang pagiging broken –hearted ng isang lalake sa kanyang inaasam na si Matilda, at presto, doon naimbento ang terminong ito. Unang sumahimpapawid ito noong 2010.

Ahh… so ganun? Porket single at sawi ka sa darating na Disyembre, SMP ka na kaagad?

Sa panahon ngayon na singtindi ng epidemya ang impact ng pagiging uso ng mga ideya ukol sa romatikong pag-ibig, OO.

Pero, parang ang babaw naman at napakatangang klase ng panghuhusga iyan.

Oo nga naman, ano. So what kung single at loveless ka sa darating na Christmas? Kailangan bang magdaramdam ngayon?

Siguro, kung singsakit tulad sa kapatid ni Kuya Eddie ang nararamdaman mo. E paano kung hindi? Nabasted ka lang ng nililigawan mo? Ang liit ng pinag-awayan ng syota mo pero humantong sa break-up? O naging third party si Miss Communication at Mister Yosong Hin-ala? Lalo na’t ilang araw na lang yata bago mag-Pasko yun naganap?

‘Tol, ilagay kasi sa lugar ang pag-eemote, ha? Hindi porket pinagpala ka ng Diyos at binigay nya sa iyo sa tulong ng mga malulupit na personalidad ang mga tulad nila Pareng Facebook at Mareng Twitter, e aabuso ka na. Maaring hindi pa ganap na cybercrime ang maglahad ng bugso ng emosyon, (at wag mo nang ipanalangin pa kahit may TRO pang nakahain) pero alalahanin mo na ang minsan, ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ng isang tao ay yung gumawa ng desisyon na base lang sa isang baseless na emosyon.

Kung iisipin mo na wala kang special someone ngayong pasko e, may mga tao dyan na kaya kang tratuhin bilang isang espesyal na tao (with no joke pun intended na parang mapapagkamalan kang isang special child) mula sa kamag-anak, kapamilya, kabarkada at iba pa mula sa circle of friends mo. At malay mo, dun pa lang may makilala ka na (yihee!) Isipin mo na lang ‘to: sa pitong bilyong populasyon ng tao sa mundong ibabaw na ginagawalawan mo, pustahan…. Karamihan dun ay single. Kaya bakit ka maglulupasay sa kakaiyak diyan sa kaisa-isang tao na binasted ka dahil ang baho ng hininga mo? (mag-gargle ka kasi next time, pero ang babaw naman nun); may kaholding hands-sabay-akbay sa Animal Trail o kung mas sikat ang gusto mo, Luneta? Yung pinagpalit ka sa ibang babae para lang maibsan ang kanyang init ng katawan? (buti nga naisalba mo ang sarili mo kesa sa magsilbi kang puta sa kanya kahit isang gabi lang); Yung mga taong nagpanggap na mahal ka at winikang “mahal kita” para lang magkapera siya’t makaptipid sa gastusan? (whether maasim ka man o hindi, naging sugar mommy ka)

Well, hindi kita masisisi kung masyado kang nag-invest ng ganoong kagrabeng emosyon sa mga taong tulad nila na talaga naming mapapabira ka ng “lahat kayo mga lalake, manloloko!” o “paasa talaga kayong mga babae kayo!” Pero, ‘tol, marami pang iba dyan. Ika nga, “there’s a lot of fish in the sea.” Matuto ka nga lang na kung paano makabingwit ng tama.


Isa pa: ang Pasko ay ginawa para sa nagsilbing taga-salba o savior sa mata ng mga Kristiyano at Katoliko. Kaya siya ang pinaka-top priority sa lahat. Wala sa usapan ang relasyon. Maliban dyan, ito rin ang panahon na nagsasama-sama kayo ng pamilya mo, o kung hindi… mga kabarkada. O kung sinuman pa maliban sa sweetheart mo. Dun pa lang, malalaman mo na e – na may nagmamahal sa iyo kahit papano. (Siguro ang sama ng ugali mo no? kaya ka loveless? LOL)

At dahil 7 billion nga tayo, ‘wag mong iisipin na niakw lang ang nag-iisang SMP sa mundong ito. Pustahan, marami pa diyan –single man o LDR na kung tawagi’y Long Distance Relationship (sabay tunong ang chorus ng “Ang Disyembre ko ay malungkot…”) o kun g mas malala… (para s aces niyo, pero hindi sa akin) ang mga tulad kong SINGLE SINCE BIRTH. Oo, unless kung may promahan ako’t sagutin din, e magte-22 years na akong kasapi ng SMP. O, ngayon alam mo na may masaklpa pa sa sitwasyon mo? Ayos lang yan. Apir!

At kung usapang SMP lang naman, ito… ang resbak ko sa isang bumira sa akin dahil SMP daw ako.

Pare: ’Tol. Ang tagal mo nang single ha? SMP ka naman niyan!
Ako: Parang ikaw, hindi SMP ha.
Pare: Ako? Ha! Come on, slick. Hindi ako miyembro ng mga tulad niyong Samahan ng mga Malalamig ang Pasko no?
Ako: Hindi yan yung tinutukoy ko.
Pare: E ano?
Ako: Yung SYOTA MO, (ang) PANGIT!

Malapit na ang Kapaskuhan, mauuso na naman ang SMP… e PUCHA, ANO NAMAN NGAYON?

Ang lupit din ng copywriter ng TVC na iyun no? Talagang bumenta ang brand ng iced tea na yun dahil sa kanya. Saludo ako dun. Pero para sa mga mag-iinarte kasi nga SMP, e ayan. ANG HIHILIG KASING MAKIUSO E!

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!