Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 October 2012

Snappy Answers to Stupid Love Life (and Pormahan) Questions.

10/27/2012 | 11:07 a.m.

Ang blog na ito ay naglalaman ng matitindi o maanghang na salita. Bawal sa mga sensitibong mambabasa.

Ang lovelife nga naman, oh. Isa sa mga pinakamabentang paksa sa usapan ng kada taong nakakasalamuha ko, ke barkada man sa eskwela o kapwa tambay sa kapitbahay. Kapag meron ka nun, tiyak na hahaba ang usapan. At kung wala naman, tiyak na puputaktehin ka ng mga sandamukal na pang-aasar.

Sa totoo lang kahit lately ay ilang beses na rin na naging laman ng mga akda ko ang usapin sa lovelife, ay yun din naman ang tahasan kong iniiwasan na pag-usapan. E paano? Hindi marunong makuntento ang mga ka-talakay ko sa ganyang paksa. Kaya minsan, ito at ang mga ito na lamang ang nabibira ko sa kanila. (P.S. Para sa mga bata at batang-isip diyan, huwag gagayahin ang mga ito, ha?)

Siya: Tol, kumusta ang lovelife mo?
Ako: Wala akong ganyan, tol e.
S: Asus, ang dami-dami mong tsikas sa Centro at Facebook e wala ka pang nadagit dun?
A: At asus, ang dami-dami mong nalalaman pala sa mga nakakasama kong babae, e bakit hindi ka na lang mamili at manligaw dun, aber? Imbes na pakialaman mo ang buhay ko sa ganyan.

Siya: Pare, ang sweet niyo ni Mae sa classroom kanina, ha?
Ako: So, Nagseselos ka naman?

Siya: Paakbay-akbay ka pa diyan kay Nina ha? Kayo na ba?
Ako: E kung sa gusto niya makipag-akbayan ako e. Bakit ba?
(o pwede rin…)
Porket magkaakbay, mag-syota na ka’gad? ‘di ba pwedeng tanga ka lang talaga?

Siya: Hoy, sino ‘tong si Roda sa telepono mo, at bakit may smiley pa?
Ako: Siya ay isang masayahing babae na nagngangalang Roda. (Obvious naman, ‘di ba?)

Siya: Bakit hindi mo pa ligawan yang si Michelle?
Ako: Kung sa iyo ko kaya iyan itanong? Hilig-hilig mong gumawa ng isyu ha!

Siya: Pare, musta kayo na Rea?
Ako: Magkaibigan pa rin kami.
S: WEH!
A: Tignan mo ‘tong tarantadong ‘ito. Magtatanong sa akin sa estado naming dalawa tapos hindi rin pala maniniwala!

Siya: Bakit may “I love you” message dito si Angela?
Ako: Expression niya yan e.
(o pwede ring…)
E kung sa mahal niya ako e.
(o mas mainam…)
At sinong hinayupak ang nagbigay sa iyo ng karapatan para pakialaman mo ang cellphone ko? Lechugas, akin na nga yan!

Siya: Laka nyo maka-P.D.A. ni Marj sa Facebook ha? Siya na lang lagi laman ng timeline mo.
Ako: So, ang gusto mo, ikaw naman? E di magpost ka! Problema ba iyun? (Pasimpleng selos ang halatang motibo ampucha!)

Siya: Single ka, slick. Single din si Mia. E…
Ako: So, ang gusto mong sabihin e, “bagay kami,” ‘di ba?
S: Ah, hindi sa ganun, tol..
A: Dapat lang, dahil tao kami. Hindi tulad ng mga pamimick-up mo.

Siya: Haba ng hair mo, slick. Kanina pa titig na titig sa iyo yung babaeng iyun oh. *Sabay turo sa babaeng tinutukoy*
Ako: *hampas ng sombrero sa mukha ng kausap* Hindi ka na nahiya na nanduro pa kay ate. E ano kung tinitignan niya ako?

Siya: Buti pa si Mai, binibigyan mo ng papel. Kami, hindi.
Ako: Nagpatago siya ng papel sa akin e. Nakihingi nga lang ako oh. (Bago kasi magbitaw ay alamin mo muna ang istorya)

Siya: Oh, slick! Musta ang lovelife natin?
Ako: Aba, ang kapal ng mukha mong makihati ha. Nakaka-atin ka ha. Akin lang, hoy!

Siya: Bakit hindi ka pa naghahanap ng girlfriend?
Ako: E kung sa ayaw ko pa maghanap e.
(pwede ring…)
Masyadong marami para pumili.
(o di naman kaya'y)
Ano ako, treasure hunter?

Siya: Musta ang love life?
Ako: Eto, love pa rin ang sarili kong life.

Siya: Pare, ano pang hahanapin mo kay Donna? May pera, may utak, may itsura, maganda ang ugali… bakit hindi mo pa ligawan?
Ako: Ang tanong, nasa kanya ba ang bagay na dapat nararamdaman ko pagdating sa pag-ibig? ‘Wag niyo kong pangunahan, mga tarantado kayo. Kayo manligaw kung gusto niyo!

Siya: Lakas makapagkilig naman ‘tong message ni Rona sa iyo oh. Yihee!
Ako: OK. SO?
(pwede ring…)
Punyemas! Sino ka para magbasa ng mga message ko sa inbox, ha?

Siya: Wala ka bang girlfriend? Bakla ka yata e.
Ako: At sinong kupal na herodes ba maliban pa sa iyo ang may ganyang mentalidad? Paslangin kita d'yan e.
(o pwede ring..)
At kailan ba naging sukatan ng sekswalidad ang pagkakaroon ng syota, aber? (sisihin ang walang kamatayang brother’s logic at ultimo ang tinatawag na "machismo")

Siya: Ilang months na kayo ni…
Ako: (interrupting) Ops, 22 years and 1 month na… akong single. (Iisyuhan mo pa ako kay ganire, ha?)

Siya: Alam mo, bagay talaga kayo ni Ella.
Ako: At sa tingin ko, nagseselos ka sa aming dalawa.
(o pwede ring…)
Ok, so kinikilig ka naman? Daig mo pa kami ha?


Siya: Uy, happy monthsary pala ha?
Ako: HUH?! Anong monthsary?
S: Sa inyong dalawa ni Carla. Yiee!
A: Monthsary-hin mo yang mukha mo. Ni hindi nga ako nanliligaw sa kanya e.

Siya: Mamili ka. Sino ba talaga mahal mo, si Monica ba, si Maricar o si…
Ako: *sabay naglabas ng brass knuckles* At mamili ka. Hindi ka makikiaalam sa lovelife ko, o mabubugbog ng husto ‘yang puso mo… as in literal?

Siya: Chikababes yang katabi mong si Deborah sa exam ha? Pustahan tayo, may gusto ‘yan sa iyo.
Ako: At ‘pag mali ka, tatangahin kita hanggang grumaduate tayo at lalo na kapag bumagsak ka sa exam na ito.
(o pwede ring…)
At pustahan, sa kakagawa mo ng intriga sa aming dalawa, wala kang naisasagot kahit isang simpleng tama dyan sa exam mo.

Siya: Si Joan oh, nagpapakyut na sa ito. Ligawan mo na!
Ako: Porket nagpa-cute ligaw na kaagad? E paano kung pa-cute lang talaga siya?

Siya: Ang boring naman ng buhay mo, tsong.
Ako: Bakit?
S: Wala kang lovelife e.
A: Ang sa lagay ba, e sukatan na lang ba ng kahalagahan ng buhay ko ang lovelife, aber?
(o pwede ring..)
At mas magiging boring ang buhay ko kung bubulabugin mo ako ng ganyang klaseng tanong!


Siya: Balita ko, nagbreak kayo ni Emma ha?
Ako: At balita ko rin, ikaw ang third party sa aming dalawa, ha?
S: Anong ako? Hindi naman ako namagitan sa inyong dalawa ha?
A: Oo, hindi ka nga namagitan, pero ikaw ang numero unong tsismoso sa mga nangyayari sa aming dalawa. Tsk.

Iilan lang yan sa mga tanong ng mga barbaro kong katropa at kasamahan na nasagutan ko. Pero ito ang pinakatanyag para sa akin.

Kumusta lovelife?

Next question, please? – dahil showbiz lang naman ang tanong, e ‘di showbiz na rin ang sagot ko. Next, please?

Ang daming problema ng mundo ko ngayon, lovelife pa ang hahagilapin mong hanapan ng sagot ko? – para sa isang super-busy na taong tulad ko na maraming ginagawa sa buhay ke kalokohan man o seryosong bagay, maliban pa sa halos lahat ng klase ng tao ay pinapakisamahan ko araw-araw… e mas okay pa kung may mas makabuluhang bagay pa ang pag-uusapan natin, hindi po ba?

Lovelife, nakakain ba yan? – dahil lagi akong inaabutan ng gutom (as in halos oras-oras ay kumakain ako), yan na lang ang tangi kong nasasambit. Pero sabagay nakakain din naman iyan e, kaya lang… ops! Rated SPG.

Mas gusto ko pang kumain kesa magkalovelife! – katulad lang niyan yung kakasabi ko kani-kanina lamang.

Ayun, love ko pa rin ang aking sariling life. – ‘nuff said. Makuntento ka naman, ha? Please lang.

Pumapangit kapag pinpakialaman niyo.– hayaan niyo kasi na ako mismo ang mag-open up niyan. Masyado kayong hot. Lahat naman ay may wastong lugar e. Parang bakit niyo pag-uusapan ang lovelife ko kung ang post ko ay nasa thread ng isang political isyu? Ano ako, ang kuya niyong nasa singkwenta anyos pero bachelor pa rin?

Lovelife-in niyo yang mukha niyo! – hilig-hilig makialam ang mga bwakanangina. Off-limits kayo! Mind you own lovelife, please?

At mas iisipin ko pa na wala na sa hulog o maturity ang mga taong kapos sa pag-unawa, at kung may bibira pa ng bitter bilang sagot diyan para lang may mapag-usapan. Tsk!

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

6 comments:

  1. Haha! Bitchy ka sir! Hehe. Pero tama, bakit ba kasi ginawang pastime ng iba ang alamin ang lovelife ng ibang tao, diba? Pag ako kasi, smile na lang. The more you ignore, they wouldn't ask the next time. :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehehe! Di naman masyado. Sa akin kasi madalas, kahit tahimik they would keep on bugging eh. Ayan tuloy napala nila. ;)

      Delete
  2. Tama lang ang mga ganitong sagot sa ilang pakelamera eh :D Sila kaya maghanap ng love life

    ReplyDelete
  3. Gusto ko ang mga sagot na yan hahaahh =)

    ReplyDelete
  4. ano naman rebuttal mo sa mga babanatan ka na beki etc. (similar ang sitwasyon ko sayo though iba yung pinanggalingan at aaminin ko mas matanda ako seyo slick, hahaha)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakla dahil wala kang lovelife?

      Oo, gay ako. GAY as in HAPPY. HAPPY na walang lovelife. (basa-basa din kasi ng diksyunaryo pag may time, hindi yung nakikialam ka lang dahil alam ng marami)

      Delete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!