Hmmm… paano nga ba ang Pinoy kung maisakatuparan ang cyber
crime law? Lalo na ang libel provisions nito? Marami man ang magiging palaban
sa batas na ito, pero paano nga ba sila hindi aalburoto kung ultimo ang mga
eksperto ay nagsasabing sumobra na sa pangil ito. At mantakin mo, ang ilang mga
mambabatas ay umamin na parang may mali sa naisabatas na Republic Act 10175? Ke
hindi raw na-review ng husto ang mga probisyon sa kasong libelo
Wala nang murahang magaganap. Baka ma-libel e. Mahirap na.
Wala nang ring asarang magaganap. Baka-libel na din
maituturing.
Wala na ring mga meme’t wall photo na pagtitripan. Sabay,
parang bullying na rin kasi ang dating e.
Ang hirap kasi ay hindi malinaw ang pamantayan kung kelan libelous ang salita o hindi. Magkakaiba tayo ng standard ng tolerance bilang tao. Kungbaga kung ang salitang tulad ng "Gago" at iba pa ay expression pa lamang para sa akin, baka sa iba o kahit sa inyo, hindi. Ganun kalabo. Sa print at broadcast media may matinding distinction sa mga salita kung libelous ba ang mga ito o hindi. Pero sa social media, iba na ang kahulugan nito. Yun lang ang problema.
Paano kung may cybercrime law? Wala nang freedom of expression. Teka, wala nga bang
kalayaan sa pagsasalita? O patama ito lalo na sa mga abusado’t internet
gangster? Na hindi kasi tayo naghihinay-hinay sa mga patutsada natin? Marami kasi
ang mga lumalabis din sa mga kinokomentan ang mga loko at loka e. Pero ganun pa
rin e. Lahat ay tatamaan nito. Mas matindi pa sa pagkontrol ng anumang iisipin
at sasabihin natin.
Ganun? Parang ang labo naman yata nun. Ang boring. Ano na lang
ang silbi ng mga social networking sites tulad ng Facebook? Pang-professional
na usapan na lang ba? E hindi naman lahat ng mga taong gumagamit nito ay elitista,
yung iba, nakisakay din sa uso at hindi mo masisisi iyun. At dito na nga lang madalas
naglalabas ng sama ng loob ang tao niyan. Patay tayo diyan! Pero sabagay, may
internet ettiquette kasi naman. E ang
problema sa iba, wala yatang sentido kumon para mag-isip at at magkaroon ng
ganito. Pero ganun pa rin e.
Baka naman ang ultimong “hehehe!” ay bawal na rin? Ano ‘to? No
more laughtrip na yun na nga lang ang remedy ng iilan sa mga problemang
hinaharap nila? Ayon kasi kay Sen. Guingona, baka kahit ang ganung expression,
kung agree naman sa isang post na prone sa kasong libelo ay maipagbawal na rin.
WAH!
Paano na lang maglalahad ang mga tao ng kanilang mga
saloobin? Paano na lang kung magiging bulag sila sa mga nakikita nila at maging
pipi. Ano to? Aasa na lang ba tayo sa mga public service program o kahit sa mga
palabs ni Tulfo para maisawatan ang mga anomalya sa lipunan?
Oo nga, where the damn fuckin’ hell is the freedom of
speech?!
At, oo nga din. Paano na lang ba kung may online libel? Baka
wala nang mga political-and-opinion themed blogs (tutumal na e), wala na rin
ang mga segment ko sa pages na o yung ultimong paborito
kong i-post… ang #TiradaNiSlickMaster pati na rin sa ibang mga tao, blogs at
pages man lang.
Bye, bye!
Author: slickmaster | Date: 10/02/2012 | Time: 12:08 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!