10/18/2012 12:28 AM
Oo nga
naman. Walang masama dun. And same goes sa iba pang mga relationship status
basta wala kang ginugulong ibang tao. Single man, taken, it’s complicated, o
kung ano pa man iyan.
At teka
nga:
Sino bang herodes na nagpauso ng isang maruming kaisipan na laging hilig
tirahin ang mga taong pinili ang maging single?
Ang inyong lingkod
ay ilang beses na naging biktima ng ganitong klase ng istupidong panghuhusga. Maraming
mga tanong, marami rin ang mga pahabol na pasakalye kapag nalaman nila na single ka.
Lalo na sa panahon ngayon na marami na ang nagiging batang ama, nag-aasawa,
nagsasawa't nagiging babaero o lalakera, at kaunti naman ang nakakapagtapos ng pag-aaral at
nakakakuha ng trabaho na nais nila. Que...
- “Bakit single ka pa rin? Magpapari ka ba?” Actually, minsan ko na naisip yan. Pero dahil nagging pasaway na bata na rin lang naman ako noon, sa malamang ay ilang sungay pa ang masusunog sa akin bago ko ituloy 'yan kung sakali. Pero katulad ng mga naglabasang kontrobersiya dati ay may mga pari rin na may-asawa.
- “Bakit wala ka pang girlfriend? Sayang iyang kagwapuhan mo.” At sa 5 taong nagsabi sa akin niyan, apat dun ang babae; at tatlo ay kaedad ko pa. On a flattering note... (sabay facepalm) oo nga naman, ano. Sayang naman kung walang susunod sa lahi ko. Pero mawalang galang po – hindi naman po ako pogi ha. Anong saysay ng kasabihan na iyan? Minsan, mas maniniwala pa ako sa kasabihan ni Choppy ng Porkchop Duo, na “pangit man at dukha sa paningin, naklabubuntis din.” At kung may pogi man para sa pananaw ko, iyun yung idol kong si Ramon Bautista, (ayon na rin kay Lil Coli, RA Rivera at sa brand na Nivea).
- “Wala ka pang napupusuan ha. Baka naman bakla ka?” PUTANGINANG TARANTADONG ‘to. Kailan pa naging sukatan ng sekswalidad ng isang tao ang pagkakaroon ng partner sa buhay, aber? Nakakabato rin kayo, ano?
Maliban pa d'yan, may mga senaryo pa na tulad nito...
- “Single ka? Ang boring naman ng buhay mo.” Mas malala pa kung malaman nila na sa haba-haba ng panahon na nabuhay ka mapahanggang ngayon, hindi ka lang single, virgin ka pa. Ang sa lagay ba eh peer pressure na lang ang magdidikta sa lahat?
- Kapag wala ka ngang gurlaloo, eh 'di masasabihan ka pa ng isa dyan ng “'tol, ang dami mong tsiks, wala ka man lang dun nadagit?” Yun nga e. Sa dami nga nila hirap akong pumili. Ha! Ha! Ha!
- Siyempre, ‘pag wa-partner, “try mo naman magka-girlfriend, bro.” Eh pa'no kung ayaw ko? Trip ko lang mambabae? O ‘di naman kaya ay wala talaga akong maramdaman. Maipipilit mo ba iyun sa akin?
- At kapag nagka-girlfriend ka naman, sasabihin nila ay “mag-asawa ka na.” Pucha naman, naintindihan ba ng mga putok sa buhong 'to ang mga pinagsasabi nila? Akala ba ng mga mokong at lokang ito na madali ang buhay mag-asawa?
- At kapag kinasal ka naman, lalo na kung bago-bago pa lang, may bibira naman ng “Bigyan mo naman ang magulang n'yo ng apo.” Putragis. Ano kala niyo sa amin, henerasyon ng baby-maker? Hoy, Generation X at millennial yata ang mga lipon ng mga bata ngayon; wala nang felingerong young na nabibilang sa mga bay-boomer era. At ang pagpapamilya ay hindi lang literal na panghome-maker na task. Hindi sa offspring lang ang usapin, ha? Kayo na lang ang bumuo kung gusto niyo. Pft! And take note – lahat ng mga bagay sa pagpapamilya – mula sa family planning at sa proper sex positioning – ay may tamang lugar at panahon para gawin.
At iyan ang
hirap kapag binubugbog ka ng mga ideya ng peer pressure, romansa, at machismo. Hindi
ito usapin kung single by choice o dahil no choice. Basta, walang masama sa
pagiging single. May karelasyon nga, hindi naman masaya. May partner ka nga,
under de saya ka naman. May katuwang ka nga sa buhay, kabit naman. At it’s
complicated na nga ang buhay mo, wala ka mang ginagawa para ayusin yan. Hoy,
gising!
Walang masama
sa pagiging SINGLE. Kung may masama man sa mundong ito, yun yung mga maruruming
utak na siraulo na mapanghusgang tanga. (Best with sound effect of gunshot a la
Isumbong Mo Kay Tulfo)
(This blog entry was also published at the community blog site Definitely Filipino dated 10/18/2012. URL : http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/18/walang-masama-sa-pagiging-single/)
Haha! Pinagdaanan ko rin iyang mga ganyang noon. Mas nakakaasar kapag kamag-anak na pamilyado ang nagsasabi:
ReplyDelete"Aba'y bakit hindi pa kayo pakasal?"
"Aba'y bigyan mo naman ng apo si Tito ___."
Ngayong meron na akong asawa't isang anak na 7 y.o., hulaan mo ang sinasabi sa akin: "Hindi mo pa ba susundan?"
Oo, on my part pa naman, basta mga ganito kapersonal na tanong eh nananogt talaga ako ng mga tinatawag 'snappy answer.' I know, It may sound disrespectful, pero kung may dahilan para makaganti ka thru humiliation, so freakin' be it.
Deletebuti hindi pa ko nakakarinig ng mga ganyang comment sa pagiging single ko. nakakasama naman yan ng loob. hahaha.. pwede namang di pa nahahanap ang taong katugma ang wavelength kaya wala pang kapareha. hehehe mabuhay ang mga single!
ReplyDeleteNakakasama talaga. Kaya ko nakimkim at nilagay sa post na ito eh. Hahahaha!
DeleteOo nga, mga ganun sana eh no?
Kahit taken, mabuhay rin! Hehehehe!