Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

10 October 2012

Walang Pera.


Minsan ko napakinggan ito habang namamalengke sa Cruz na Daan sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan. “Masakit tanggapin ang katotohanan: Kung wala kang pera, wala ka ring kaibigan.” Chorus ng kantang “Kanto” ng Siakol, isa sa mga banda na gumawa ng marka sa rock music noong dekada ‘90.

Sa totoo lang, matinding patama ang nasabing linya. Sa panahon kasi ngayon, halos kahit sino ay nagkukumahog na makadiskarte para lang magkaroon ng salapi. At ang ilan, dumarating sa punto na manlalamang sa kapwa.

Ito kasi ang hirap e. Parang wala kang kapangyarihan kung wala kang pera. Hindi ka kilala ng mga kaibigan mo kapag wala kang pera. Buti sana kung may mga ilan dyan na galante na kaya kang sustentuhan sa kada pagkakataon na magkasama kayo, mula sa paggawa ng thesis hanggang sa gimik at inuman (Pasalamat na lang ako at nagkaroon ako ng mga ganun). Parang hindi ka ganap na tao, lalo na sa panahon ngayon na ang suweldo ay bihira lang tumaas pero ang presyo ng mga bilihin ay kadalasang tumataas. Hindi masarap ang buhay kung wala kang datong. Kung wala ka nito, mas kawawa ka pa yata sa pulubi.


Kapag wala kang datong, hindi mo mabibili ang pinapangarap mong mga cellphone, laptop, camera, bahay, sasakyan at iba pang mga material na bagay na kagustuhan at kailangan natin sa buhay. Kapag wala kang salapi, wala ka ring makukuha na tsikas. Kung wala kang pera, hindi ka basta-basta makaksama sa mga lakad ng barkada.

Anyare na ba sa kasabihang “the best things in life are free?” Ewan ko. E teka, di ba ang taong mahal mo ay-... Teka, best thing ba siya? E tao yan e. At kahit gusto mo makuha ang puso at matamis na “oo” niya, gagastos ka pa rin, kahit yung load na pantext man lang.

Pero, sukatan ba ng pagkatao ang pagkakaroon ng kayamanan tulad ng pera? Hindi sana e. Pero dahil nga sa hirap ng buhay, ito na ang pinakakailangan ng tao. Hindi naman siya bubuhayin ng “swagger” niya e. Aanhin niya yun pagdating ng panahon na may anak na siyang bubuhayin? Kapag wala kang trabaho kahit gaano pa kalinis ang budhi mo, masasambitan ka pa rin ng “pabigat” kahit anong mangyari. At bakit ganun? Dahil ito ang realidad ng buhay na mas mapapansin pa sa atin ang mga negatibong bagay-bagay-sa ating buhay kesa sa mga positibo
.
May kasabihan na “Money can’t buy happiness.” Oo nga naman, marami pang mga bagay sa mundo na makakapgpasasaya pa sa buhay ng isang tao na hindi kayang tumbasan ng halaga ng pera. Hindi kayang presyuhan. Pero hindi rin kasi makakaila na kung wala ka nito, hindi ka rin basta-basta makakaramdam ng kasarapan ng buhay. Masaklap na katotohanan nga lang.

Author: slickmaster | Date: 10/10/2012 | Time: 11:26 a.m.
(c) 2012 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. ganyan talaga! minsan pera na nagpapatakbo sa buhay... kung wala ka nito... parang di mo mararamdaman ang lahat ng kasarapan sa buhay...

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!